CHAPTER 52

37 4 1
                                    

Hindi ako makatingin kay Rebecca. Nakakahiya!

Pero mas hindi ako makatingin kay Everest dahil panay ang pang-aasar niya sa akin.

"Ano nga kasi 'yung sabi mo last time? Huwag na tayong lalapit sa isa't isa? Bumalik na lang tayo sa pagiging awkward strangers?" Tinakpan ko ang tenga ko dahil suyang-suya na ako sa mga sinasabi niya na sinabi ko rin last time. "Huwag daw lalapit, pero sino kaya yung nagtago sa likod ko? Bumalik daw sa pagiging strangers pero biglang announce na 'friends' kami." Punong-puno ng panunuya ang boses niya.

"Heh! Ang ingay-ingay mo. Kalalaking tao, kuda ng kuda." Inirapan ko siya, "Sinabi ko lang 'yon kasi baka kung ano isipin n'ya." Pagdadahilan ko.

Totoo naman ang reason ko! Pangit lang talaga kabonding si Everest kaya ganyan.

"Sino ba kasi may pakana no'n?" Umakto pa siya na parang nag-iisip at tinignan ako ng nakakaloko.

"Ewan ko sa'yo! At least, hindi ako parang bata na may dalang blanket kapag may sakit." Tinalikuran ko siya at dumiretsyo sa kusina upang tulungan sila Des at Rebecca na maghain.

"Ikaw, ah? Wala kang sinasabi. Crush mo pala dati si kuya Renz." Pang-aasar niya.

Napangiwi ako sa narinig ko. "Dati pa 'yon, nung highschool pa. Hindi ko na s'ya crush ngayon." Agad na dipensa ko.

"Bakit?" Tanong ni Des na may suot na mittens at hawak ang mangkok, "Sino na crush mo?" Ngumisi siya sabay tingin kay Everest na nakabalot na naman ng comforter.

"Wala!" Sabi ko at inayos ang lamesa.

Medyo marami rin ang niluto ni Des kaya sakto sa aming apat. Saka, si Everest ang kasama namin dito. High maintenance sa pagkain 'yon!

Ang buong dinner namin ay napuno ng tawanan at asaran. Infairness, masarap din magluto si Des. Nakakatawa lang dahil sabi niya ay soup lang ang gagawin niya, ta's dumating si Becca. Maybe next time, itanong ko sa kaniya ang recipe nito para matry ko. Baking kasi ang madalas kong gawin sa kusina. Mas alam ko ang mga gagawin sa pastry kaysa mga ulam.

Naging close si Des at Becca noong sila pa ni Renz, nakakatuwa lang na close pa rin silang dalawa hanggang ngayon. At dahil silang dalawa ang nagba-bonding, na-stuck ako kay Everest na kasalukuyang humihigop ng sabaw. Sa totoo lang, masaya ako na hindi masyadong awkward ang atmosphere namin ngayon.

Napatigil si Everest nang mapansin na nakatingin ako. "Bakit?" Tanong niya.

Umiling ako, "Wala lang. Masaya lang ako." Simpleng sagot ko.

Ngumiti rin siya at pinagpatuloy ang pagkain. Kung ang ibang lalaki ay peaceful tignan kapag tulog, si Everest naman ay kapag kumakain. Gaganahan ako mag-luto kung ganito ang lagi kong makikita kapag may kumain ng gawa ko.

Nagpresinta na akong maghugas ng pinggan dahil sila Des at Rebecca naman ang nagluto kanina. Si Everest ay nagstay muna sa receiving area bago bumalik sa kwarto para matulog.

Nagulat ako nang bigla akong sikuhin ni Becca, "Ano 'yung kanina?"

"Anong kanina?" Nagtatakang tanong ko pabalik.

Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti, "Yung sa dining table. 'Kala ko matutunaw ang Everest dahil sa titig mo."

Nanlaki ang mata ko at agad na nagreact, "Oy, hindi ah! Ano kasi yon..."

"Ano?"

"M-masyado kasi kayong nagba-bonding ni Des. Kaya..."

"Kaya ano?"

Mahina ko siyang hinampas sa braso, "Basta! Nag-iisip ako ng ita-topic sa kan'ya... Oo ayon nga!"

Bumalik na lang ako sa paghuhugas ng pinggan kahit inaasar pa rin niya ako. Nakakahiya grabe! Alam na nga niya na nagkacrush ako sa kuya niya, napansin pa niya yung kay Everest kanina!

It Started With A PrankWhere stories live. Discover now