CHAPTER 7

49 4 2
                                    

"Nana Cynthia, alis na po ako." Sabi ko pagkasukbit ko ng bag ko.

"Hindi ba kayo sabay na papasok ni Asher? Sigurado naman ako na nagbibihis na 'yon."

Umiling ako, "9:30 pa po ang pasok ni Asher, Nana. Baka maaga lang po gumising dahil may gagawin."

Tumango si Nana, "Oh sige, Mag-ingat ka na lang. Mag-aral mabuti, ah?"

"Opo, Nana. Sige po, una na 'ko. Baka ma-late pa po ako."

Hanggang ngayon, hindi pa rin kami nag-uusap ni Asher. Masyado s'yang mapride. Anong akala niya? Ako unang kakausap sa kaniya?

Mangarap s'ya! Ni hindi nga n'ya pinaliwanag sa 'kin kung bakit kailangan kong layuan si Everest, eh!

Tinignan ko ang oras sa phone ko. May 15 minutes pa bago magsimula ang klase. Limang minuto lang naman ang aabutin kung maglalakad ako papuntang school.

Medyo nagsasawa na ako sa pambuburaot sa mga kaibigan ko. Kaya imbis na dumeretsyo sa school, dumaan na muna ako sa convenience store para bumili ng makakain para mamayang lunch.

Pagkatulak ko pa lang sa pinto ng convenience store, nanlaki na agad ang mata ko.

"Oy." Bati ko.

Ngumiti siya, "Oy ka rin. Ano bibilin mo?"

"Sandwich lang siguro?" Patanong na sagot ko.

Natawa siya. Ang cute.

"Sige na. Hintayin na lang kita, ta's sabay na tayo pumasok." Sabi niya at lumabas.

Hindi naman sa umaasa ako na hihintayin n'ya ko pero malay n'yo naman 'di ba? Kaya binilisan ko ang pagpili ng sandwich at nagbayad para ma-oven agad.

Pagkalabas ko, naabutan ko siya na nagbabasa ng kung ano sa phone niya. Alam n'yo naman na may pagka-chismosa rin ako, kaya sinilip ko 'yung phone n'ya.

Powerpoint?

"Ano 'yan?" Tanong ko habang nilalagay sa bag ang wallet ko.

"Notes lang. Baka magka-quiz kami mamaya, mabuti na 'yung handa." Sabi niya at ibinulsa ang phone niya. "Tara?"

Ganoon siya ka-conscious sa grades n'ya?

Tumango ako at sinabayan siya sa paglalakad.

Ngayon... ano na? Ano ba magandang itanong sa kaniya? Ano ba magandang topic?

Napatingin ako nang magtanong siya, "Nga pala, ano ganap sa exam mo?"

"Alin do'n?" Tanong ko.

"Lahat. Mataas ba mga scores mo?"

Shems! Ayaw ko ng ganitong topic!

"Okay lang. Pasado lahat ng core subjects ko."

"Sa strand?"

"Tatlong business subject ko, puro pasang-awa." Sabi ko sa mahina at nahihiyang tono. "Ikaw?"

"Matataas naman lahat ng scores ko."

It Started With A PrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon