CHAPTER 49

36 4 0
                                    

Puro nakaka-depress ang mga naging happenings sa buhay ko ngayon. Na-ospital ako, nagconfess si Everest sa akin, at naapektohan no'n ang relasyon nila ni Nizelle. Nakaka-guilty dahil pakiramdam ko, kasalanan ko.

"Kung hindi siguro ako nangulit kila mama na magdorm, hindi sana magiging ganito ang sitwasyon." Nakayukong sabi ko at niyakap ang tuhod ko.

Tinapik ni Hailey ang balikat ko, "Ano ka ba, Andine-taba? Hindi mo kasalanan 'yon. Wala ka namang ginawang masama para maging ganito ang sitwasyon." 

"Totoo." Pagsang-ayon ni Thealline, "Hindi naman magiging ganito ang lahat kung hindi nag-confess si Everest sa'yo. Saka, 'di ba, s'ya yung lapit ng lapit sa'yo?"

Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang sabihi 'yon. Siya pa lang ang sinasabihan ko tungkol do'n.

"Oy, Andeng, ano 'yon?" Agad na tanong ni Maricar. "Bakit parang wala kaming alam tungkol do'n?"

Apat lang kami ngayon dito sa kwarto ko. As usual, wala na naman si Nine. Kabado akong tumingin sa kanila ni Hailey.

Kabadong ngumiti sa kanila at kwinento sa kanila ang mga nangyari. Pati ang pagka-cutting class namin ay sinabi ko. Gusto kong maging honest sa kanila dahil sila lang din naman ang masasabihan ko tungkol sa mga ganitong bagay.

Nagulat pa sila dahil ganoon na pala ang nangyari sa aming dalawa. Pero hindi ko magawang sabihin sa kanila ang nakaraan ng mga pinsan namin.

Hinampas ako ni Hailey, "Naiinis ako sa'yo kasi naglihim ka pero nakakakilig!"

"So bale dati pa s'ya may feelings sa'yo?" Tanong ni Maricar.

Nagkibit-balikat ako, "Hindi ko alam. Hindi ko rin kasi inalam."

Siniko naman siya ni Hailey, "Ano ka ba Ricar? Kapag ba complicated ang sitwasyon, aalamin mo pa rin ang details?"

"Oo naman." Agad na sagot ni Icar, "Mas gugulo lang 'yon kung hindi mo alam ang buong detalye."

Napa-iling si Thealline, "Dati ko pa sinabi 'to, pero sasabihin ko ulit. Ayaw ko si Everest para kay Andine. Bukod sa magulong set-up nilang dalawa, dulo sa dulo ang ugali nila."

Agad na naconfuse si Hailey, "Anong dulo sa dulo?"

Natawa kaming dalawa ni Maricar at napasapo naman ng sendido si Thealline.

"Opposite." Simpleng sabi ko.

"Eh 'di ba opposite attracts?" Inosenteng tanong niya.

"What I mean is, ang dark ng personality ni Everest. Sa unang tingin, parang ang bait niya. Pero once na makilala mo siya, malalaman mo na may pangit na ugali siya." Paliwanag ni Thealline.

Sumang-ayon ako, "Sobrang seloso n'ya. Actually, hindi ko alam. Sinabi lang ni Carlo."

"Sobrang seloso to the point na pinagbayad ka ng ilang libo para sa LCD ng lappy mo." Iritadong sabi ni Thealline.

"Huh?"

Napatingin siya sa akin, "Syempre, hindi n'ya sasabihin sa'yo 'yon." Napabuntong hininga siya, "Tinext s'ya ni Clyde na wala s'ya sa shop nila."

"Oo, alam ko 'yon. Saka, mahal naman talaga yung LCD ng lappy ko." 

Umiling siya, "Balak kang bigyan ni Clyde ng discount dahil... alam mo na?"

"Crush ka kasi ni Clyde kaya gusto n'ya na umiwas ka!" Pagtutuloy ni Hailey sa gustong sabihin ni Thealline.

Muling nagpatuloy ang bestfriend ko, "Alam n'ya kung gaano ka kakuripot, 'di ba?" Tumango ako, "Siya dapat ang magbabayad ng fees ng laptop mo, kaso nauna ka magbayad. Ta's hindi n'ya ine-expect na papagurin mo yung sarili mo kaka-OT sa resto para lang mabawi ang 8K na nawala sa'yo."

It Started With A PrankWhere stories live. Discover now