CHAPTER 22

47 5 1
                                    

Dati, masaya ako kapag nakikita ko si Renz  o kahit si Tres. 'Wag kayong ano, wala akong gusto roon. Inaasar ko lang si Thealline kaya tuwang-tuwa ako kapag nakakasalubong namin 'yun. Pero ngayon? Taragis, mali ang timing n'yo!

Gusto ko silang sapakin.

"Limang araw ang intrams, pero bakit ngayon pa sila dumating?" Naiinis na bulong ko sa sarili ko.

"Saka ka na mainis sa kanila. Tignan mo, hawak ni Bundok 'yung bola." Bulong sa akin ni Hailey kaya agad na nalipat sa court ang tingin ko. Napahiyaw ako nang makuha ni Van sa kaniya ang bola. "Sabi ko lang tignan mo. Bakit ka humiyaw?" Mahinang tanong ni Hailey.

"Argh! Wala akong paki! Potek! Dark Panthers kunin n'yo ulet 'yung bola!"

Ako ang kinakabahan para sa larong 'to. Hindi naman ako ang naglalaro pero ako ang hinihingal at nate-tense!

"GO DARK PANTHERS!"

Hindi na ako napigilan ni Hailey, kaya naki-cheer na lang siya. Sigaw lang kami ng sigaw ni Hailey. 

Grabe! Hindi ako nag-cheer ng ganito sa section ko! Sa 12-STEM B lang!

Natahimik akong bigla nang lumingon sa direksyon namin si Everest. Naghahabol siya ng hininga at seryoso ang mukha.

Gawin n'yong worth-it ang pagsigaw namin.

Ibinalik niya ang atensyon sa laro kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Hindi ako nagsisinungaling nang sinabi ko kay Van na nasa STEM B ang ilang ace player ng basketball team, dahil mula sa 14 at 19 ay naging 26 at 22 agad ang score. Lamang na ngayon sila Everest.

Hindi nagtagal ay natapos agad ang first quarter. Naupo muna kami ni Hailey at mahigpit pa rin ang hawak ko sa bag ko. Panay ang pagbuntong hininga ko dahil sa nararamdaman ko.

"Hailey natatakot ako." 

Ngumiti siya, "Ano ka ba? Wala ka bang tiwala sa team nila?" Tinuro niya ang team nila Everest na seryosong nagpa-plano. May pa-whiteboard pa. "Tignan mo, lahat sila ginagawa ang best nila para manalo. Kaya kalma ka lang, okay?" 

Napakagat ako sa lower lip ko, "Sa sobrang kaba ko kasi, ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko. Paano kapag natalo sila? Paano kung matambakan sila? Ade nahirapan silang bumawi." Nagpakawala ulit ako ng buntong hininga, "Ayaw ko na wala s'ya sa mood."

Kumunot ang noo niya, "Bakit naman? Kasi masyado kang mag-aalala sa kaniya?"

"Hindi." Agad na tanggi ko. "Nagiging madumi kasi s'yang maglaro. Pwede s'yang ma-foul out."

"Nagdahilan ka pa. Nag-aalala ka naman talaga." Pang-aasar niya, "Don't worry. Kaya nila 'yan."

Nagtuloy-tuloy ang laro at mas naging intense pa! Three point shooter pala ang ungas na si Van!

Mas mahihirapan sila kapag gan'yan.

Pero agad na nagwala ang sistema ko nang agawin ni Everest ang bola kay Van.

"GO DARK PANTHERS! 'WAG N'YONG PAPAKAWALAN ANG BOLA!"

Tumakbo nang tumakbo si Everest hanggang sa makalapit siya sa ring. Isho-shoot na sana niya ang bola pero binara iyon ng kalaban. 

Hindi ko naiintindihan ang nangyayari, pero tumikwas agad ang kilay ko nang mag-free throw si Everest. Napahiyaw ako nang mashoot niya ang bola. Ngayon ko lang sasabihin 'to sa sarili ko.

Wooo! Crush ko 'yan! Go crush!

Bumagsak ang balikat ko nung pangatlong tira niya dahil hindi na niya na-shoot ang bola.

It Started With A PrankWhere stories live. Discover now