CHAPTER 10

51 7 0
                                    

"Malapit na ang Christmas party. Ano theme ng section n'yo?" Tanong ni Janine habang dini-distribute ang mga order namin.

Kung iniisip niyo na nasa isang cafè kami, may tama kayo. Pero kung iniisip niyo na waitress si Janine, mali na kayo don.

"Retro raw ang sa 'min. Tama ba, Maricar?" Paninigurado ni Hailey.

Tumango naman si Maricar, "Kayo ba, Nine?"

"Hindi pa sure, e. Pero may dalawang option: pajama party at retro."

Agad naming nagreact si Hailey, "Nauna na kami sa retro. Amin na 'yon!"

"Ade, inyo na!" Sabi ni Nine at ako naman ang tinanong.

"Ewan ko. Pajama party pa lang ang naiisip nila." Nagkibit-balikat ako, "Hindi ako sure."

Nine give me a dead-pan-look, "Alam mo, walang kakwenta-kwenta 'yung sagot mo."

"Alam ko. Thank you."

Inirapan niya ako at si Thealline na lang ang tinanong.

"Wala kaming theme. Bahala na raw kami sa kung anong isusuot namin, basta pasok sa dress code."

Sa akin na naman napunta ang mata ng lahat, "Kita mo? Si Thealline na abno, matino sagot ngayon. Ta's ikaw" Umamba siya na babatukan ako, pero hanggang amba lang 'yan. Trust me.

"Pa'nong gagawin ko? Ini-skip-an nila 'yung Christmas party na 'yon saka nagplano para sa intrams."

"'Wag mong ginaganyan 'yan, Janine. Tapos na ang trial session nila ni Everest. Kaya tignan mo, depress." Nang-aasar na sabi ni Thealline.

"Gago."

"Talaga naman, Andine-taba. Mula nung tumigil s'ya sa pagsulpot na parang mushroom sa buhay mo, naging kasing sad mo na 'to." Sabi ni Hailey at kumagat sa sad-emoji-faced cookie na inorder namin.

"Ayieeeeeee!! Everest Dallas pala nais!" Pang-aasar nila sa akin.

"'Wag nga kayong maingay. Baka mamaya may kakilala pala rito 'yon, ichismis pa tayo."

"Anong tayo? Ikaw lang!" Sabi ni Thealline.

Parang nag-loading si Janine sa mga sinasabi nila.

"'Di nga, Andine? Seryoso crush mo 'yon?" 'Di makapaniwalang tanong ni Janine.

"'Di nga, Janine? Outdated ka sa chismis ngayon?" Pang-aasar sa kaniya ni Thealline.

"Eh! Epal!" Ang mature talaga. "Pero 'di nga? Akala ko prank lang. Bakit nagkaganyan? Kaya ba 'asawa ng bundok' ang nickname mo sa GC, dahil do'n?"

"Hindi ko nga s'ya gusto. Ano lang..." Potek! Ano? "Sinosoli lang n'ya yung gamit ko kapag naiiwan ko kung saan." Tinuro ko ang tatlong mapag-imbento ng kwento, "Ma-issue lang talaga sila."

Agad naman akong binigyan ng makahulugang tingin ni Thealline, pero umiwas ako agad ng tingin.

"Mabuti naman. Kasi kung may gusto ka sa kan'ya at nalaman n'ya, sad to say pero ekis ka na agad." She said in a concern tone.

"Pa'no mo naman nasabe?" Tanong ni Icar sa kaniya.

Nangalumbaba siya, "Well, masyadong sabog ang pangalan ni Everest sa room namin. Crush s'ya ng ilan sa mga kaklase ko. Hindi ko na lang sasabihin kung sino-sino, pero 'yung isa, alam ko, umamin do'n pero nireject."

"Then? Anong nangyari?" Tanong ko.

Bahala na kung anong iisipin nila. May gusto akong malaman.

"Syempre, natakot 'yung dalawa kaya hindi na nila tinuloy 'yung pag-amin na gagawin sana nila."

"Bakit, Andine? Don't tell me, may plano ka ring mag-confess." Sabi ni Thealline.

It Started With A PrankDove le storie prendono vita. Scoprilo ora