In her young age, naranasan na ni Cass ang makakita ng mga di ordinaryong bagay. Ang mga multo... Mga multong pabalik-balik at nakakasalamuha niya. Nakakausap. Pero hindi niya kailan man nakikita. Naririnig niya ang mga tinig ng mga ito. Tinig na tila naghahangad ng hustisya at katarungan. Nararamdaman niya pero hindi niya nahahawakan. Nagpatuloy ang ganung buhay ni Cass. Hanggang sa makilala niya si Sean. Isang lalaking multo na paulit-ulit siyang sinusundan kahit saan man siya magpunta. Kaya naisipan niyang kausapin ito at nalaman niya ang totoong pakay ni Sean sa kanya. Humihingi ito ng tulong upang alamin ang totoong kwento sa likod ng pagkamatay nito. Araw-araw niyang nakakasama si Sean pero kahit kailan ay hindi niya ito nakita. Nararamdaman niya. Oo. Pero gaya ng ibang multo, hindi niya din ito nahahawakan. Sapagkat sa oras na makita niya ito, kamatayan na ang susunod sa kanya. Magawa niya kaya itong tulungan at tuklasin ang ibang misteryong nakapalibot sa kanya?