CHAPTER 21

62 5 0
                                    

"Siomai! 'Ala kang sinasabi sa 'min na napa-blind date ka kay Van! Ang daya mo!" Salubong sa akin ni Hailey.

Actually, hindi na ako nagulat sa balita na 'yon dahil naka-post sa page ng school 'yon. Kaya alam ko rin kung kanina naba-blind date si Everest. Buti hindi pa sila naba-blind date ni Nizelle.

"Wala na, naglihim na." Nagtatampong sabi ni Maricar.

Si Thealline naman ay tahimik lang na nakatingin sa aming tatlo.

"Kaya pala natagalan kahapon. Nablind date pa pala." Sabi ni Hailey.

"Okay, let me explain." Panimula ko at tahimik silang nakinig, "Hindi ko sinabi dahil hindi naman importante 'yon. Napa-blind date ako kay Van dahil may grade 10 na nanti-trip sa kan'ya. 'Yun lang." Paliwanag ko.

Nagcross arms si Hailey, "Hindi ka namin pina-blind date sa crush mo kasi ayaw mo. Ta's sila? Napablind date ka nila sa iba dahil trip lang? Nakaka-asar!"

Napa-iling na lang ako at inilabas ang deck ng uno cards sa bag ko. Naglaro kami at syempre, padamihan ulet kami ng cards ni Thealline.

"May misteryo talaga sa way ng paglalaro n'yo." Nakapangalumbabang sabi ni Maricar.

"Turun." Pagsang-ayon ni Hailey, "Sinumpa ba kayo sa uno?"

Tumaas ang kaliwang kilay ko, "Malay ko."

Kinuha ko ang mga card at binalasa kahit hindi talaga ako sanay. Na sa kalagitnaan ako ng pamimigay ng cards nang biglang dumating si Lucy.

"Oy Andeng, naglalaro pinsan mo. Ayaw mo manood?" Agad na tanong sa akin.

Nabitawan ko kaagad ang cards, "Ay weh?"

"Oo nga."

"Anong section kalaban?" Sabi ko at niligpit agad ang nagkalat na cards.

"Section namin."

Nanlaki ang mata ko at nilagay kaagad sa bag ang uno cards. Tumayo ako at sinukbit ang bag sa balikat ko.

"Tara, nood tayo." Pag-aaya ko.

Hindi pa man din sila nakaka-tayo ay sumunod na agad ako kay Lucy.

"Tignan mo 'yan, ginawa pang lusot ang pinsan n'ya para lang sa kaharutan n'ya." Sabi ni Thealline kay Hailey.

Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretsyo agad sa court. Medyo marami rin ang nanunuod, mostly mga grade 11 at 12 lang. Sumunod ako kay Lucy at nakapagsave na siya ng puwesto para sa amin.

"Ayan, ah? Pinaka-harap ka. Kaya kapag tinamaan ka ng bola, 'wag kang ngangawa, ah?" Nag-aasar na sabi niya.

"Thank you." Nakangiting sabi ko. "Nga pala, ano na ba 'to?" Tanong ko pertaining to the game.

"Semi-finals na 'yan. 'Di ba, Milaine?"

Tumango si Milaine.

Agad kong tinutok ang tingin ko sa laro. Gaya nung unang laro nila, defense player pa rin si Everest. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na siya ang nagbabantay kay Asher.

"Oh? Naglalaro si Asher?" Tanong ni Thealline.

Tumango ako, "Alam ko magaling din maglaro 'yon."

Tinuon ko ulet ang atensyon ko sa laro. Parehas na magka-ibang personality ang pinakikita nila Everest at Asher. Unang tingin ay aakalain mo lang na dahil sa laro pero sa pangalawang tingin ay magdadalawang isip ka dahil sa namumuong tensyon sa kanilang dalawa.

Everytime na makakalusot si Asher sa malapader na harang ni Everest, ay agad siyang hinahabol upang hindi makagawa ng puntos. 

"Sino ichi-cheer mo, Andine? Pinsan mo o jowa mo?" Nang-aasar na tanong ni Lucy.

It Started With A PrankWhere stories live. Discover now