PROLOGUE

181 9 17
                                    

"Okay, naka-ready na ang camera pati na rin ang snacks. Tayo na lang ang kulang." Pagtawag sa amin ni Janine.

"Eto na nga." Tugon ni Maricar at umupo sa sofa, sa tabi ni Janine. Tumingin sila Maricar sa amin ni Hailey, "Nakapagpa-load na kayo?" Tanong niya.

"S'yempre naman." Sagot ni Hailey at umupo sa tabi ni Janine. "Nai-register pa namin para mas madami tayong ma-prank." Dag-dag pa ni Hailey.

Nadako naman ang tingin nilang tatlo sa akin. "Ikaw ang magsisimula." Sabi ni Janine.

Tumaas ang kaliwang kilay ko. "Bakit ako?"

"At bakit hindi ikaw?" Balik tanong ni Maricar sa akin. "Ikaw ang naka-isip nito."

Bumuntong hininga ako at umupo sa tabi ni Maricar. "Okay, fine." Sabi ko at kinuha ang phone ko sa bulsa ko.

"Go, Andine!"

Nanlalamig, nanginginig, at namamasa ang kamay ko dahil sa kalokohan na gagawin namin. Hinanap ko muna sa contacts ko ang number ng unang biktima namin, si Everest Dallas, isa siya sa mga sikat na varsity ng school namin.

"Ready?" Tanong ni Janine.

Tumango naman ako bilang tugon, at pinindot na ni Janine ang record button ng camera.

"At dahil wala si Thealline ngayon para makita ang kalokohan namin, ivi-video namin ito para makita n'ya at para may remembrance naman kasi sa katapangan na gagawin namin." Panimula ni Janine.

"Turun nga!" Pagsang-ayon ni Hailey. "Saka hindi lang naman isa ang gagawan natin ng prank call na 'to, kun'di apat! Dahil apat kami dito."

"Apat lang? Damihan na natin!" Suggestion ko.

Ngumisi naman si Janine. "Sige ba? Madami akong nakahanda dito." Sabi niya at kinaway-kaway ang phone niya.

"Excited ka na ba, Andeng?" Tanong sa akin ni Maricar.

"Taka! Kinakabahan ako!" Natatawang sagot ko.

Natawa silang tatlo sa sinagot ko. "Dahil kinakabahan ka, let's start." Sabi ni Maricar.

Dinial ko na ang number ni Everest, iniloud speaker ko ang tawag upang marinig ng lahat ang magiging tugon niya. Sa bawat ring, lumalakas ang pintig ng puso ko.

Tinakpan ko ang mic piece ng phone ko. "Hindi ko talaga alam kung bakit ko naisipang gawin to." Bulong ko.

Paano kung hindi siya ang sumagot?

"Maybe because you like him." Mahina pero natatawang sabi ni Hailey.

Napairap naman ako. "Hindi ko s'ya gusto, okay? Ayaw ko sa mga katulad n'ya."

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang may sumagot sa tawag ko. "Hello? Sino 'to?"

Hala anong gagawin ko?

Nagpalit-palit kaming apat ng makahulugang tingin.

"Magsalita ka dali!" Mahinang sigaw ni Janine.

"Hello, Everest." Malambing na sabi ko at sabay-sabay kaming nagpipigil ng tawa.

"Sino 'to?" Nababakas ang pagtatakas sa boses nito.

"Ako 'to, ang girlfriend mo." Pagpapakilala ko.

Binigyan ako ng mga kaibigan ko ng 'wow-kapal-look'

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan pero hindi pa rin nito pinapatay ang tawag. "Wala akong girlfriend." Mahinang sabi nito.

"Nag-away lang tayo, tina-tanggi mo na 'ko bilang girlfriend mo?" Nilagyan ko ng pagtatampo ang tono ng boses ko.

"Sinasabi mo?"

It Started With A PrankWhere stories live. Discover now