CHAPTER 11

56 7 5
                                    

Yeah, Monday came and it's hell again.

So far, wala pa naman akong napapansing kakaiba sa paligid ko. Normal pa rin ang kinikilos ng lahat, at hindi pa rin kami nag-uusap ulit ni Everest.

Hindi na rin ako dumadaan sa convenience store para bumili ng pagkain. Narealize ko rin kasi na nakakatakot din pala ang dami ng preservatives sa mga pagkain doon.

Wala pa naman akong planong mamatay.

Kaya kahit pricy ang pagkain sa cafeteria, push lang! Pero s'yempre may control pa rin ako sa gastos dahil nga nag-iipon ako. Nakaka-takot gumala ng wala ka namang pang-gala.

Saka madaming nakapila sa listahan ko ngayon. Nakaka-hiya na manghingi ng manghingi ng pambili kila mama. At kapag nag-away kayo, isa pa sa mai-susmbat sa iyo 'yon. Nakaka-takot.

Nasabi ko naman last time diba? Sa January pa ang exam namin. Kaya halos lahat ng nasa school, tinatamad talaga.

Tinatamad magturo ang ilang teacher, tinatamad makinig ang karamihan sa mga estudyante, at tinatamad na rin maglista ng late ang mga guard.

Kaya si Maricar, masayang-masaya dahil makaka-kumpleto na siya ng isang linggong 'walang' late.

"So happy ka na no'n?" Tanong ko.

"Aba s'yempre naman! Magiging malinis ang record ko for this week." Bigla siyang napa-isip, "Bigyan ko kaya ng suhol 'yung guard para 'di na 'ko malista hanggang sa Christmas party?"

"The eff?!"

"Ilegal 'yan, taka!" Natatawang sabi ni Thealline.

Binaba ni Hailey ang lunch box niya, "Ano naman bibigay mo?"

Nagkibit-balikat lang si Icar, "Ewan ko. Ano ba akala n'yo? Seseryosohin ko?"

Sabay-sabay kaming tumango.

"Oy grabe! Joke lang naman 'yon!"

Joke ba 'yon?

"Ah talaga? Sorry 'di namin alam." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Next time, inform mo muna kami bago ka mag-joke." Sabi ni Thealline.

Natawa si Hailey sa sinabi namin, "Apaka harsh n'yo kay Maricar." Binalingan niya ng tingin si Icar, "Okay lang 'yan. Kahit 'di funny 'yung mga jokes mo nandito pa rin ako para sa 'yo."

Nagpatuloy kami sa pagkain kahit na nagrereklamo si Maricar dahil sa pagiging 'harsh' namin sa kaniya. Ewan ko ba!

Basta alam ko, totoo 'yung sinabi ni Hailey.

Kahit 'di funny 'yung mga jokes mo nandito pa rin ako para sa 'yo.

Suportahan na lang talaga.

Kagaya ngayon, sinamahan nila ako na mag-sauli ng pinagkainan ko sa cafeteria. Gusto raw kasi nilang malaman kung hanggang ngayon may umaaligid pa rin na tingin sa amin.

"Sinabihan na kasi kita dati, hindi ka nakinig. Tinuloy mo pa rin 'yung kalokohan mo." Panenermon sa akin ni Thealline.

"Sorry na. Hindi ko naman kasi alam na magiging ganito." Sabi ko at sinuhulan siya ng chuckie.

"Oh para saan naman 'to?"

"Peace offering?"

Tinanggap naman niya ang handog kong chuckie.

"Ayiiiiieeee! Hindi ka na galet?" Tanong ni Hailey kay Thealline.

Hindi naman kumibo si Thealline.

"Hailey, galit pa yata. Sa kanya na natin pabayaran 'yung chuckie." Sabi ko at nagpigil ng tawa.

"Walanjo!" Sinauli niya sa tray ang chuckie, "Ate, sorry. 'Di ko napansin, kulang pa pala ng isang turok 'to." Sabi niya kay Ateng tindera sabay turo sa akin.

It Started With A PrankOù les histoires vivent. Découvrez maintenant