His Plastic Doll

By markferms

48K 1.7K 275

In the midst of Conan's moving on stage, his classmate, Ryle--their handsome school org president--seeks his... More

Author's Note
Wattpad Version
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Epilogue
Acknowledgment
Soon to be Published!
Cover Reveal
ARC Giveaway Winner
ARC Giveaway Receipt Proof
Chapter Preview
Early Review #1
Book Version
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Open For Pre-Order!
Don't Miss Out!

Chapter Eleven

1.1K 49 2
By markferms

"Matitiis mo ba talaga iyon? Parang kanina pa iyon sigeng katok ah?" tanong ni Ate Toni, ang kalapit-apartment ko, mga tatlong units ang layo mula sa tinitirhan ko.

Ang tinutukoy niya ay si Ryle na halos kinse minutos na ring nambubulabog sa tahimik na lugar namin. Sinita na nga siya nung katabi naming unit pero mukhang wala pa rin talaga siyang balak umalis.

I didn't expect him to come all the way here. Pagkakaalala ko, umaabot ng kalahating oras ang pagba-bike niya mula sa kanila papunta rito sa amin. Mga isang oras din siyang nagpadyak kanina sa paghatid kay Inesa pauwi pati na rin sa walanghiya niyang pagdiretso sa kanila. That means, mag-iisa't kalahating oras din siyang nagpagod sa pagba-bike.

But I wasn't gonna pity him that easy, lalo na kung pinagmukha niya akong tanga kanina sa school.

"Are you really sure na hindi mo boyfriend iyon?"

Sinungitan ko si Ate Toni.

She's twice as older than me. Skinny as a stick, her eyes sunken from lack of sleep, and I could always see her hitting cigarettes. Tulad ko, solo lang din niya sa kanyang unit. Hiwalay na siya sa asawa at ang malala ay pinagbabawalan pang makita ang kanyang anak.

Noong una ko siyang nakilala ay parang ganito lang din. Pinaghahanap siya ng kanyang asawa at nagmakaawa siyang itago ko muna siya sa unit ko. Hindi ko naman akalaing darating ang araw na magpapalit kami ng sitwasyon.

"I already told you, hindi ko iyon boyfriend." Pagalit akong ngumuya ng cheese curls kong hawak saka pinilit ang sarili na tumitig sa telebisyon, kahit pa aminado akong wala naman doon ang pokus ng isipan ko.

"Pero in fairness din sa iyo ha? Nag-abala pa siyang pumunta rito na para bang takot hiwalayan."

Those words made me stare at an empty space. I had not anticipated Ryle to come at my place this early. Ang naiisip kong scenario ay hindi muna ako magpapakita sa school ng mga tatlong araw para ipadama ko sa kanya na ayoko muna siyang makita, saka siya mapipilitang dalawin ako at humingi ng tawad. Nakitira muna ako rito kay Ate Toni ngayon dahil hindi ko maatim na pumasok sa unit ko. That place reeks of his smell, it's making me sick.

Buti na lang tama ako ng desisyong dumito muna.

Tumigil na si Ryle sa pangungulit sa akin nang mag-alas diyes na ng gabi. I thought twice of whether I should go back at my unit but Ate Toni pulled me down and requested that I join her. Matagal na panahon na rin daw na mag-isa siya sa unit niya.

Nag-usap kami tungkol sa mga sarili naming problema habang may presensya ng alak sa may maliit na mesang pumapagitna sa amin. We cursed on how cruel this world is, na parang binuhay lang kami nito para magdusa, na ikinasasama ng loob nito na makita kaming masaya.

"Ni hindi man lang ba sumagi sa isip mo na baka mahal ka na niya?" sabi ni Ate Toni sa tonong medyo lasing na.

"As much as I wanted to, Ate, I shouldn't give in; because the first one to fall in love always loses, always ends up hurt."

"Tch. Kahit ano namang gawin mo, kahit umamin ka o hindi, masasaktan ka pa rin naman e. Parang anino na iyon ng pagmamahal, ang sakit."

"You don't understand, Ate." I pointed my finger at her while my words almost sounded slurry, like a real drunken guy. "I don't want to fall for someone who's clearly just using me for my body."

She sighed. And the way she looked at me with such concern reminded me of my older sister, and just thinking about my sister even for the smallest bit made me miss her already. "Kung bakit ba naman kasi ang hilig mong pumasok sa ganito," reklamo ni Ate Toni.

"Ewan ko ba, 'teh. Parang parte na talaga ng buhay ko ang ganoon."

"Then why don't you make him realize that he loves you?" sabi niya. "Kung ako kasi ang tatanungin, iyang pagsugod niya para lang makita ka, makausap ka, that is love already. Baka hindi lang niya nare-realize?"

My mind wanted so hard to contradict but it looked like my heart liked the idea so much that it was able to take control of my body. Nakailang pag-isip na naman ako ng mga made-up scenarios ng mga dramahan sa pagitan namin ni Ryle at ng pagsigaw niya na ako ang tunay niyang mahal. The thought of him saying such dramatic and cheezy lines was making me blush, I felt like a slave by my manipulative mind.

Thankfully, I was able to grab hold of my self before I could fall. "Siraulo ka talaga, Ate. Kung anu-anong mga naiisip mo."

But seriously though, I actually like the thought of Ryle and I being together.


~ ~ ~

Kinabukasan, pagkamulat na pagkamulat ko pa lang, nagpaalam na agad ako kay Ate Toni na pupunta lang ako sa unit ko.

Alas-sais na ng umaga. Wala pa man ang araw pero hindi na gaanong sinasakop ng dilim ang paligid. May kaunting hamog. Iyong bakal ng railings ay bahagyang pinagpapawisan sa lamig.

I wondered about Ryle. Hindi ko na kasi alam kung anong oras ba siya umalis dahil masyado na akong nawili sa daldalan namin ni Ate Toni. Hindi ko na nahagip pa ang anino ng pagdaan niya sa bintana o kung nag-attempt ba siyang muli sa pagtawag sa akin.

Hindi bale na. Hindi ko naman problema ang maawa sa kanya. Sa ngayon, bahala na muna siya sa buhay niya, basta ba ayaw ko siyang makita.

Lumabas ako ng unit ni Ate Toni na may dala-dalang sapat na determinasyon na iwasan si Ryle ngayon, na hindi muna magparamdam at magpakita, pero pagkalingon ko pa lang sa direksyon ng unit ko'y mukhang mauunsyami na agad ang plano kong iyon dahil tumambad kaagad ang isang detalyeng nakapagpahinto at nakapagpasinghap sa akin. Si Ryle, naririto pa siya sa may pintuan ko, at mukhang nakatulog siya buong magdamag kahihintay sa akin.

Dali-dali akong tumungo malapit sa kinalalagyan niya. Siraulong lalaki ba naman kasi. Parang sa kagustuhan lang niyang ipilit ipaalam na nagsisisi na siya'y ipinasawalang-bahala na lang niya kaagad ang kanyang kaligtasan. Hindi ba niya naisip na posible siyang mapahamak sa ginawa niyang ito? Na baka ninakawan na siya o kaya'y napagtripan ng mga masasamang tao? I wanted to berate him for this stupidity but it's hard to get mad at him when he's like this. Weakened with fever and couldn't even get up from my door.

What made me feel worse was how his eyes glistened upon seeing me. Na hindi man lang siya nasuklam nang malamang sinadya ko talaga siyang iwasan. He reached for my body and hugged me so hard, that it certainly felt like he's afraid of losing me again.

Oh, Ryle.

"I don't have any good excuse tungkol sa nangyari," sabi niya. "Nakalimutan ko lang talaga kaya patawad."

His breath was so chilly. Pa-December na rin kasi kaya heto at may lumalabas na mist sa aming bibig. Imagining him staying here the whole night na nakasandal lang sa pinto ng unit ko, nakaakap lang sa sarili para hindi ginawin nang sobra ay sadyang nakakapanghina ng tuhod.

Hindi na lang ako nagsalita at pinatuloy ko na lang siya basta sa unit ko. Him staying outside of my apartment overnight was enough punishment for the humiliation I got yesterday. I think he purposefully did that just to make us even.

Inayos ko ang sofa bed ko at pinahiga siya roon. Kumuha ako ng makakapal na kumot at ibinalot sa kanya. Nagpakulo rin ako ng tubig pangkape para pang-init ng kalamnan niya.

He looked like his head was floating for his eye couldn't focus well. Napatikhim ako. Feeling ko'y kailangan muna naming umabsent ngayon.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong niya.

Nakaupo ako sa kanyang tabi, chini-check kung may improvement ba ang kanyang temperatura. May mataas siyang lagnat nang hagkan niya ako kanina sa may pinto, pero simula nang humiga na siya rito sa kama ko, mula sa kumot na binigay ko sa kanya, medyo nabawasan na rin ang kanyang matindi-tinding init.

"How can I be so mad at you when you're like this?" sabi ko. "Saka ko na lang itutuloy ang tampo ko kung magaling ka na."

He smiled weakly, then reached for my chin and caressed it softly.

My heart fluttered at this small gesture. The way he was looking at me was like I am his loved one. O baka dahil kagagawan lang ito ng kanyang sakit? Maybe his mind was just so dazed he forgot I was just his toy?

Ang pagkulo ng takure ay nakapagputol ng moment namin. Tumayo ako at pinagtimpla ko ang mga sarili namin ng mainit na kape. The sound the spoon makes while stirring was able to calm me down from this feeling. I can't allow myself to get too attached to him.

Magiliw niyang tinanggap ang tinimpla ko. Pasalamat na lang din ako at may stock pa ako ng tinapay na sapat sa aming dalawa.

"Alam ng mga magulang mo kung nasaan ka kagabi?" sabi ko.

"Nag-alibi na lang ako na naki-overnight ako kina Christian."

Sumingasing ako. "Sa lahat pa ng pwede mong sabihin, kina Christian pa?"

"Don't worry. Makulit man iyong lalaking iyon pero maaasahan din iyon sa ganoong bagay. Sa oras na kausapin siya ni Papa, alam na niya ang gagawin. May nakahanda pa nga siyang picture kong natutulog sa kanila sa oras na humingi sina Papa ng ebidensya. Ikaw, nasaan ka noon?"

I gulped. Will he get mad knowing I was just a few units away from him? Na naririnig ko ang mga sigaw at katok niya sa unit ko mula kina Ate Toni?

I bit my lip. Whatever. Kung magalit siya edi magalit siya. Isa pa, wala naman talaga akong paki sa iisipin ninuman.

"Nandyan lang ako sa malapit," sabi ko. "Unit 404. Dalawang units ang layo sa akin."

His eyes went outside. Thinking. Surprisingly though, he didn't look mad.

"You hated me that much, huh?" sabi niya.

"Kahit sino namang malagay sa sitwasyon na iyon, maiinis nang todo."

He stared at his coffee. The mist of it clouding up his eyes.

"I'm sorry," sabi niya.

"You already said that."

"Yeah. I know. Pero hindi ko lang sigurado kung tinanggap mo ba ang apology ko."

"I already did."

And after a long time of just looking at me, of maybe trying to figure out if I was telling the truth, he smiled softly.

Naiinis ako sa tuwing ginagawa niya iyan. He's still so handsome even in his vulnerable state.

"Sorry rin," sabi ko. "I know you're also mad knowing I was just there, knowing na naririnig naman kita pero hindi man lang kita pinuntahan."

"Gets ko naman kung bakit." He gave me a reassuring nod. "That was the worst thing I did to you."

"Yet," dugtong ko.

"Huh?"

"That was the worst thing you did to me yet," klaro ko.

His brows knitted together. "Hindi ko naman na uulitin iyon."

"I know, I know. Pero Ryle, in our situation, itong gamitan natin sa isa't isa? You should face the fact that one day we'll end up hurting each other. I know you know that. Ayaw mo lang isiping masyado."

"Conan."

I smiled to stop making him feel bad. "Don't worry. I already went through much worse. What doesn't kill you makes you stronger, right? I'm strong. You can trust on me with that."

And without saying anything, he pulled me close and wrapped his arms around me. And this was one of the few things that no longer needed any added words. Yakap niya lang ay sapat na para sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...