Relationship Status: It's For...

By chamchamwatty

1.1M 12.8K 3.5K

I just changed the title to avoid confusion with other stories having the same title. This is "I LOVE YOU, KU... More

I love you, Kuya?
Chapter 1- My Kuya
Chapter 2- Monggy's Revenge >.<
Chapter 3- He really did?? >///<
Chapter 4- Chenelyn Eklavu+Keme=Monggay
Chapter 5- Coffee Crumble
Chapter 6-The Dream
Chapter 7-The Gift
Chapter 8- He is Sick, I'm Jealous!
Chapter 9- First LQ?
Chapter 10-My new found friend
Chapter 11-Nicolai and Kevin
Chapter 12- Our Night
Chapter 13- She's a bitch!
Chapter 14- 2 months.
Chapter 15-He's Back. Signs. Past
Chapter 16-Possibility
Chapter 17- Me, Him and THEM
Chapter 18- Lost Angel
Chapter 19- Moving On
Chapter 20-Engagement Party?
Chapter 21-New Beginning
Chapter 22-Under the Tree
Chapter 23- Monthsary
Chapter 24- Truth
Chapter 24.5
Chapter 25- He's not my brother.
Chapter 26- Breathless :">
Chapter 27- Addicted
Chapter 28-Andrei VS Martin (part 1)
Chapter 30- Changes
Chapter 31- It's a YES
Chapter 32- Our Baby and my UNlucky day >.<
Chapter 33- I'm her Fiancé (part 1)
Chapter 34-I'm her Fiancé (Part 2); The Monggy is back!
Chapter 35-Save the date
Chapter 36-Flashback
Chapter 37-The Accident
Chapter 38-Wide Awake
Chapter 39- Wedding Day.
Chapter 40- Fake Fiancé
Chapter 41-Dream and ... hurt again
Chapter 42- The guy who can't be moved
Chapter 43-Love is sweeter the second time around
Chapter 44-The Other Woman-Sheena Raphaela.
Chapter 45-Secret to Tell
Chapter 46-The EX and Secret Lovers
Chapter 47- Leave
Chapter 48-In sickness and in health?
Chapter 49-On This Day
Epilogue- Farewell.
HEP HEP HOORAY!

Chapter 29-I love him, too

16.4K 158 67
By chamchamwatty

 

Watching him from afar saddens me. What more if he’s totally away from me? Will it bury me to death?

 

Clarence’s POV

 

He’s sitting quietly under the tree which witnessed the promise he made.

Loving me is his happiness.

 

Nagulat ako sa bigla niyang pagtayo. Nanigas yung mga paa ko at parang namanhid, walang maramdaman. Lumingon siya sa direksyon ko at nagtama ang paningin namin.

Walang emosyon. Hindi ko na naman mabasa kung anong nararamdaman niya.

Bakit ko ba nasabi yun? Dahil ba sa kagustuhan ko o para lang matigil silang dalawa kanina?

Saglit lang din at lumakad na siya sa direksyon na malayo sa akin. Iiwasan niya nga ako diba kaya malamang hindi siya lumapit sa akin.

Pumunta na ako sa room namin. Yung mga kaklase ko nakatingin sa akin, siyempre nga naman agaw eksena yung nangyari kanina. Pero wala ako sa mood para tignan sila isa-isa hanggang sa dumating yung prof namin. Kahit anong pilit kong mag focus sa sinasabi niya wala akong maintindihan. Hay Clarence ano bang nangyayari sayo?

**

Buti naman at pauwi na ako, nakakamatay na yung titig nung mga tao sa eskwelahan. Parang may kung ano akong sakit na nakakahawa at pag nadapuan sila nun mamamatay sila.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi maisip yung nangyari kanina. Si Andrei at si Martin, dalawang lalaking mahalaga sa akin.

At ngayong gumugulo sa mundo ko.

 

Sino ba ang matimbang?

O______O

Aish!! Topak ka Clarence!! kung anu-ano sinasabi mo!! Siyempre si Andrei ang sagot diyan, wala ng iba.

Eh si Martin? Ano nga bang nararamdaman ko para sa kaniya??

Attracted?

 

I don’t know. Bakit ganun, ang hirap ng sitwasyon ko? Nahihirapan ako eh, eh bakit ba ako nahihirapan? Kasi hindi madali? Hindi madaling mamili sa kanila?

 

Napahinto ako sa paglalakad. Si Andrei.

“Mahal” he’s holding a bouquet of pink and white roses. My favorite. I looked straight to his eyes.

-_- nagpu-puppy eyes pa siya.

Nginitian ko siya.

Ang lalaking nagpapakilig sa akin. Ang lalaking trinato akong baby at prinsesa. Ang lalaking alam ang gusto at ayaw ko at higit sa lahat, ang lalaking pinangarap ko noon pa man.

Lumapit ako sa kaniya saka kinuha yung hawak hawak niya. Nginitian niya ako. Hay.

“Sorry for what happened. It’s just I wasn’t able to control my jealousy. I love you mahal, please forgive me” walang preno niyang sabi sa akin.

“Okay lang basta sa susunod wag mo ng uulitin yun ha?” sabi ko sa kaniya. hinawakan niya ako sa kamay.

“Oo, basta tuparin mo din yung promise mo. Ayos ba?”-Andrei.

Natahimik ako sandali ..

“O-oo.”-ako. Nginitian niya ako, ang ngiting nagpapatibok ng mabilis sa puso ko.

“Babawi ako sayo, I have a surprise!” masayang sabi niya. Bago pa man ako makapagreact eh hinila na niya ako sa sasakyan niya. Saan kaya kami pupunta? Surprise? Tong lalaking to talaga. Naalala ko pa nung debut ko, very unexpected gift from him.

Napatingin ako sa bouquet. Nung debut ko, binigyan din ako ni Monggy ng bouquet of pink roses na hindi ko din inaasahan.

“We’re here” sabi ni Mahal. Napatingin ako sa paligid ..

“nasaan tayo!?” sabay kaming bumaba ng sasakyan niya. Kaninong bahay to?!

“Sa bahay natin” nagulat ako dahil nasa tabi ko na siya at hinigit niya ako sa bewang ko. Bigla akong nakaramdam ng kuryente.

“Ba-bahay natin?” up and down yung bahay and may veranda siya, color cream yung pintura.

“Yes, once na nagpakasal na tayo which is very soon eh dito tayo titira, kasama ng anak natin” pagkasabi niya nung anak biglang nalungkot yung boses niya.

“Mahal” hinarap ko siya sa akin “Kalimutan na natin yun okay? Siguro hindi pa talaga yun ang tamang oras kasi hindi pa natin alam ang totoo pero ngayon ..” biglang lumapad yung ngiti niya. ANYARE?!

“Ngayon?!” napakunot yung noo ko .. anong meron sa ngayon na word? Anong date ba??

“Ha?!” hinawakan niya ako sa braso.

“Pwede ngayon?” SHAME!!! I GOT IT!! Yung ngiti niya parang nang-aakit!!! At ako naman parang naaakit?!

“Ba-baliw ka!! I mean, ngayong ALAM na natin ang totoo eh pwede na tayong magplano about sa future, hindi yung ano!!” waaaaaah!! Namula ako bigla!!

“Hahaha! Joke lang mahal, tara pasok na tayo” wew!! Buti naman, pumasok kami sa loob ng bahay at may konting gamit na yung nasa loob tulad ng sofa at tv. May mga lampshades din na nakapatong sa 2 mini tables sa gilid ng stand ng tv. Sa kusina may iilan na ding gamit. Tinour niya lang ako at ang pinakadabest na part ay yung sa kwarto!

“Wahahaha!! Look at this pic!! Fail ng itsura mo mahal!!”tinitignan ko ngayon yung album naming dalawa. Yeah, pinag-isa na lang niya yung photo album namin.

“Tuwang tuwa ka naman? Teka nga shower muna ako” aba?! Panong hindi ako matutuwa eh ang gara naman talaga ng itsura niya. Nagtingin pa ako ng pictures namin hanggang sa makaramdam ako ng antok. Humiga muna ako sa kama.

Knowing that nag-iisip na siya about our future nakakatuwa talaga. Siguro dati pa niyan gusto kaso nga lang may bagay na pumipigil sa kaniya. hay buhay nga naman.

“Mahal, nagugutom ka ba?!” tumingin ako sa kaniya at

O///////////////////////////////O

What.the.heck?!!!

Nakakunot yung noo niya habang nakatingin sa akin. Jusmiyo santa maria!!! Anong ginagawa niya sa akin? Ano to, nagaala-Mr. Grey siya ngayon?! shocks!!

He’s drying his hair with towel, nakatapis lang yung tuwalya sa lower part niya at topless siya, pero ang tanong ko lang, kelan pa naging MAS maganda yung katawan niya?!

“I think busog ka na sa titig mo sa akin” natauhan ako sa sinabi niya and he’s wearing that naughty smile!!

“Kelan pa naging ganiyan katawan mo? Nag gygym ka ba?” tumayo ako at lumapit sa kaniya, hindi ako namamalikmata! Totoo ngang nag-iba yung built ng katawan niya eh.

“I’m not. Maybe dahil sa good eating habit?!” sabi niya.

“Echusero ka, may habit habit ka pang nalalaman. Di nga, nag gym ka noh?”-ako.

“Hindi nga, bakit nagka abs ba ako?” tapos tumingin siya saglit sa tyan niya then sa akin.

“Yeah. Hmp, siguro may pinopormahan ka sa opisina noh kaya ka naggaganiyan ng katawan?!” I turned around para bumalik sa kama.

“What?! Hahaha!! Pasaway ka talaga, ako may popormahan dun? Oh come on Clarence”-Andrei.

“Come on too!! Kaya pala kanina naka unbutton yung polo mo ha. Nang-aakit ka ng mga empleyada mo! How dare you Mr. Valdez”-ako. He narrowed his eyes.

“Are you serious Mrs. Valdez? naririnig mo ba yung sinasabi mo?” shame!! Tinawag niya akong MRS. VALDEZ!!! At para lang kaming mag-asawa na nag-aaway!! Ang Hot na mister at ang selosang asawa!

“Yes I am Mr. Valdez, now magbihis ka na and go to your GIRLS para mas maattract mo sila dahil bagong ligo ka” naglakad siya papunta sa akin.

“God Clarence, saan mo ba nakukuha yang mga sinasabi mo? Kung about to sa katawan ko eh totoo naman yung sinasabi ko, I don’t go to gym okay? And about sa polo ko kanina eh dahil sa sobrang exhausted na ako, Mahal naman eh”-Andrei.

“Hohoho. Joke lang mahal” tapos umupo ako “Eh kasi naman kanina, grabe makatingin sayo yung mga tao dun. Alam mo ba yun ha? Tapos ikaw parang wala lang”-ako.

“Really? Ikaw lang kasi tinitignan ko nun eh, wala akong pakielam sa iba”-Andrei.

“Kaya sa susunod wag kang basta basta lalabas ng ganun ang itsura mo ha?”-ako.

“Opo Misis. Gutom ka na ba? Luto muna ako, okay?”  pagkatapos niyang magbihis eh lumabas na siya ng kwarto. Napaupo ako bigla!! Waaaah!! Ang init! Ang init!! Wew!! Kala ko may kung anong magaganap eh buti na lang wala.

Teka!! Yung cellphone ko pala! Hiramin ko nga muna yung cellphone ni Mahal para matawagan ko yung phone ko, teka saan ba yung .. ayun!! Tumayo ako at kinuha yung bag ni mahal ..

Ha? Ano to?!

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag niya, paanong napunta to dito?!! Kaya ba sila nagkita kanina ni Martin?!

Si Martin na naman ang iniisip mo Clarence. tsk. Nangako ka na kay Andrei diba? Kaya dapat tuparin mo yun.

Nagstay lang kami ni Mahal ng buong magdamag sa ‘bahay’ namin and nag decide kami na umuwi na, dahil may trabaho siya at ako naman eh may pasok.

“See you later mahal.” He kissed me before I jumped out of his car. Hinatid niya muna ako dito sa bahay.

“Bye!!” I waved my hand hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

A night with him is the best.

Nung pumasok ako sa bahay, didiretso na sana ako sa kwarto ko ng marinig ko sa Daddy Felix..

“Yes.. I think nagiging maayos naman ang lahat .. yes .. “-Daddy Felix. Sino naman kayang kausap niya?!

Nakatalikod siya sa direksyon ko.

“My brother is back and I don’t know kung paano niya yun nagawa. Yes .. of course not! ..” dahil sa pagsigaw niya nagulat ako at lumingon siya sa direksyon ko. Nagtama ang mga paningin namin.

“I’ll call you again. Bye” nilapag niya yung phone niya sa lamesa saka lumapit sa akin.

“Princess, kanina ka pa ba diyan?!” tanong niya.

“Uh-uhm. Hi-hindi naman po, I have to go” tatalikod sana ako ng magsalita ulit siya.

“Magdamag kayong wala ng kuya mo. Saan kayo nagpunta?!”-Daddy Felix.

“Somewhere Dad.” Tuluyan ko na siyang tinalikuran at umakyat sa kwarto ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, agad akong nagpunta ng school.

“Saan ka pupunta?” tanong sa akin nung gwardiya.

“Po? May klase po ako ngayon”-ako.

“Di mo ba alam na walang klase ngayon iha?” sabi ni Manong Guard, ha?! Bakit wala? Teka anong petsa ba ngayon??

“Ikaw din Iho, walang pasok ngayon. anong taon niya na ba at madali kayong makalimot?” sabi ni Manong Guard. Nilingon ko yung sinabihan niya at nakita ko si Martin.

His cold eyes, nagbalik na naman.

“So-sorry manong, sige po una na ako.” Saglit kong tinignan si Martin bago naglakad. Nahihiya ako sa kaniya, sa lahat ng pinagdaanan ko siya yung dumamay sa akin tapos palalayuin ko siya bigla?

Ang tanong, saan ako pupunta ngayon?! sa bahay? Ayoko. Andun si Daddy Felix, eh kung puntahan ko kaya si Mahal sa opisina niya? Hmm, not a bad idea after all. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa opisina namin.

“Wala po si Mr. Valdez, nasa meeting po siya sa Ortigas.” Sabi sa akin ni Muriel.

“Aw, ganun ba? Hmm what time kaya siya makakabalik?” tumingin siya sa wrist watch niya.

“I’m not sure Ms. Clarence pero I think matatagalan siya, gusto niyo po ba ng coffee or juice habang hinihintay siya?”-Muriel.

“Ay hindi na, pakisabi na lang na dumaan ako dito, sige” pagkatapos nun lumabas na ako ng opisina namin. Saan ako pupunta ngayon? hay.

Naglakad lakad lang muna ako, it’s 10:00 am hindi naman masyadong mainit. Habang naglalakad, nakakita ako ng tokneneng vendor.

Si Martin na naman. Napakagat ako sa labi ko, simula kahapon siya ang iniisip ko, ano ba naman to!! Ibig sabihin ba mali yung naging desisyon ko kaya ako nagkakaganito?!

Umupo ako sa swing saka nag-isip. Mali to, dapat mas pagtuunan ko ng pansin si Mahal. Siya lang at wala ng iba, si Martin? Kaibigan ko lang siya, hindi pwedeng lumagpas dun.

“Mahal!” tumatakbo papalapit sa akin si Mahal.

“Mahal” tumayo ako mula sa pagkakaupo, dapat na ba akong maguilty sa nararamdaman ko.

“For you” inabot niya sa akin ang isang ice cream, di ko maiwasang mapangiti. Akala ko tokneneng din ang ibibigay niya sa akin.

“Monggy”

“Ano mahal? May sinasabi ka?” bigla akong natauhan sa sinabi ko, shame! Kung anu ano lumalabas sa bibig ko!!

“Ahm.. sa-sabi ko Thank you” kinuha ko yung ice cream sa kaniya saka inumpisahang kainin.

“Nasabi sa akin ni Muriel na nagpunta ka daw sa office, buti naabutan kita. Teka wala ka bang pasok? Bakit ka nagpunta dito?”-Andrei.

“Wala daw pasok ngayon eh, di ko nga alam kung bakit. Eh kasi wala akong ibang mapuntahan kaya naisipan kong puntahan ka. Marami ka bang ginagawa?”-ako.

“Actually marami mahal eh, and nagbakasakali lang akong pumunta dito para maabutan kita and now” saglit siyang tumingin sa wrist watch niya “I have to go back there. Sorry mahal” halata sa mukha niya ang paghingi ng sorry,.

“Ano ka ba, okay lang saken yun noh. Sige na balik ka na dun, siguro uuwi na lang din muna ako para magpahinga” niyakap niya ako.

“Okay mahal, text me pag nakauwi ka na, okay? I love you”-Andrei.

“I love-“

Bzzzt Bzzzt

 

Humiwalay siya sa yakap saka umalis na. sino kaya tong nagtext sa akin?

From: Monggy ni Retard

Clarence iha! Si Tita Gina to. Anyare sa inyo ni Martin? Bakit siya nagpapakalasing?

 

What? Si Martin naglalasing? Agad kong dinial yung number niya.

“Hello Tita? Ano pong sabi niyo? Umiinom si Martin?”

[Yes Iha! Ano bang nangyayari? Ngayon ko lang nakitang uminom ng grabe ang anak ko kaya please tell me Clarence kung anong problema]

“Ka-kasi po, pinapalayo na siya sa akin ng kuya ko”

[What?! Bakit daw?!]

“Coz ayaw niya si Martin para sa akin”

[My God, ang anak ko. So yun ang dahilan kung bakit siya nagpapakalasing ngayon, Clarence, Martin needs you, he badly needs you right now] dahil sa sinabi ni Tita Gina , di ko naiwasang mapaiyak.

[Maybe kaya yun nagawa ng kuya mo eh dahil sa pagmamahal niya sayo pero Clarence, ina ako at ang gusto ko ay yung makakabuti para sa anak ko at tingin ko kelangan ka niya ngayon. I want you here now and talk to my son. Sorry Clarence pero ayokong nakikitang miserable ang anak ko after kong makita siyang masaya na never kong nakita before kaya please, puntahan mo siya.]

Toot Toot

 

Napatakip ako sa bibig ko, si Martin nagiging miserable dahil sa akin at nadamay pa si Tita Gina. Ewan ko pero gusto ko siyang makita. Gusto kong kausapin si Martin at linawin kung ano ba talaga siya sa buhay ko.

 

**

“Clarence” pinagbuksan niya ako ng gate,

“Ti-Tita” nahihiya ako sa kaniya pero nginitian niya ako.

“He’s inside. Go, kausapin mo siya at kanina pa ako napapagod na pakinggan ang mga murmurs niya.” Natatawang sabi ni Tita Gina.

“Pe-pero Tita..” she held my hand.

“No buts Clarence, go” huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa bahay nila. Habang naglalakad nangangatog yung tuhod ko at sabay nito ang tila gusto ng paglabas ng puso ko sa dibdib ko. Kailangan ko siyang kausapin.

Nung nasa pintuan na ako, nakita ko siya kaagad. Nakatalikod siya sa direksyon ko at nakita ko pa ang pag-inom niya ng alak. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya.

“Ma-Martin” umayos siya sa pagkakaupo pero hindi siya tumingin sa akin.

“Martin” mas nilakasan ko yung boses ko. Akala ko lilingon siya sa akin pero hindi pala.

“Manang! Manang!!!” sigaw niya, agad namang may lumabas na matanda galing sa kusina at tumingin siya sa akin.

“Bakit po?”

“Paalisin niyo nga yan. Ngayon na” nagulat ako sa sinabi niya.

“Martin!!” kahit hindi ako lumingon alam kong si Tita Gina yung nasa likod ko. Ang sakit! This time tumayo siya saka tumingin sa amin.

Bigla akong kinilabutan sa titig niya.

“What?!”-Martin.

“Wag mo siyang paalisin! Pumunta siya dito para kausapin ka!”-Tita Gina.

“Wow. Ikaw ang nagpapunta sa kaniya dito kaya ikaw ang kumausap sa kaniya” kumuha siya ng isang bote saka naglakad paakyat sa taas.

“Habulin mo siya Clarence!” at para akong aso na sumunod kay Martin, ang bilis niyang maglakad!! Halos tumakbo na ako sa hagdanan!

“Wait!!” buti napigilan ko yung pagpasok niya sa kwarto!!

“What do you want?” cold niyang tanong sa akin.

“Ma-mag usap tayo” triny kong pakalmahin yung boses ko.

“For what? Ikaw na din nagsabi na iwasan ka diba? And now I’m doing that so ano pang dapat mong sabihin sa akin?”-Martin.

“Martin, I’m sorry about that pero nagawa ko lang naman yun para magkaayos kayo ni Kuya eh”

“Kahit kelan hindi kami magkakaayos. Kaya better leave this house now.” Bigla niyang sinara ang pintuan.

Wala na, ayaw na niya akong pakinggan. Gusto kong sabihin sa kaniya na kahit ako nagdududa kung tama ba yung ginawa ko. And now hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Ang sakit sakit, parang mas masakit pa to sa nalaman kong ampon ako.

“Martin” habang inaalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin lalo lang akong naiiyak. Si Martin na naging bodyguard ko.

“Clarence iha” naramdaman kong niyakap din ako ni Tita Gina.

“Tita, hindi na niya ako pinakinggan.” Iyak ko sa kaniya.

“Sobra siyang nasasaktan ngayon Clarence, don’t worry kakausapin ko siya”-Tita Gina.

“Wag na Tita, baka mamaya pati ikaw madamay pa” pinunasan ko yung luha ko at tumingin sa pintuan ni Martin.

Maybe this will be the last time na makikita ko siya. Or mafefeel ang presence niya.

“Just tell him Tita na …

Hindi lang siya ang nasasaktan ngayon. believe it or not pero I think I love him

Yes, I think mahal ko na nga siya, pero anong magagawa ko …

I love Andrei too

 

*************

TENTENEN!!! CONFIRMED!! INLOVE NGA SI CLARENCE KAY MARTIN!! ANO NG MANGYAYARI?! TSK TSK. HIRAP NG SITUATION NIYA, HIRAP MAGING MAGANDA!!

THANK YOU SA INYONG LAHAT!! SALAMAT SA PAGBABASA NETO :”> I LOVE YOU ALL!!

Continue Reading