Shadows Of A Silverharth [COM...

By hiddenthirteen

1.6M 63.8K 8.4K

Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the u... More

HIDDENTHIRTEEN's NOTE
/1/ Martes' Rage
/2/ The Taste of Martes' Wrath
/3/ Weapon Summoner's Cry
/4/ Journey to Academy
/5/ Signus Academy
/6/ Versus Fire And Finnix
/7/ Signus Ring
/8/ Crystal
/9/ The Sleeping King
/10/ 5th Link: Singko
/11/ Meet The Bluebloods
/12/ Joining A Guild
/13/ Viper Guild
/14/ Impossible!
/15/ The Final Test
/16/ Ester's Signus
/17/ Land of Blossom
/18/ Ester's Signus: Uno
/19/ Ester's Signus: Dos & Tres
/20/ Quatro & Singko
/21/ Sais & Siete
/22/ Links United
/23/ The Great Pretender
/24/ His Warm Side
/25/ Lucas Eathren's Gaze
/26/ Truths and Denials
/27/ Lucas' Past
/28/ At Blueblood's HQ
/29/ Signus Improvision
/30/ Fighting Rizka
/31/ Jealous Men
/32/ Bad Night
/33/ Everyone Cares
/34/ Mr. Magnus' Side
/35/ Crazily Evil
/36/ Bluebloods In Danger
/37/ Saved
/38/ Ester's Action
/39/ Lucas' Angel
/40/ Mission Changed
/41/ Southwestern Academy
/42/ Unofficial Confession
/43/ Reen's Nightmare
/44/ The Past
/45/ Love Over Demon
/46/ The Future
/47/ Kidnapped
/48/ Ester Vs. Masked Mistress
/49/ RUN!
/50/ The Shadow's Identity
/51/ I Know
/52/ Love and Broken
/53/ Four Months Later
/54/ Warn Them
/55/ The Game
/56/ Monsters
/57/ Reveal
/58/ Killing Spree
Chapter 59: Papa
Chapter 60: The Summoner's Wrath
Chapter 61: Death and Tears
Chapter 62: Who's who?
Chapter 63: Truths and History
Chapter 64: Rathro Is Evil?
Chapter 65: Heaven in Evil's Hand
Chapter 67: The Chase
Chapter 69: I Am Ester Silverharth
Chapter 68: Otso, Eighth Link
Chapter 70: Battle Preparations
Chapter 71: The Coronation Day
Chapter 72: War in Archania Palace
Chapter 73: The End?
Chapter 74: Death of Life
Chapter 75: Life Versus Death
Chapter 76: The Legend
The Final Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 66: Truths

11.9K 551 53
By hiddenthirteen

Finnix's POV

"What do you mean?" tanong ko. Kinabahan ako dahil sa paraan ng pagkakasabi ni Maskes Mistress. She said it in a way like someone's really in danger.

"Don't asked me now. Time's running. Go to your friend! Baka pagbalik niyo wala na ang kaibigan niyo." She even left a smirk na siyang nagpa-init sa dugo ko.

"YOU!" hindi mapigilang impit ni Winwin.

"Hmmp! Mga bata pa nga kayo. You all believe merely based on what you see. Pinaniniwalaan niyo kung ano lang ang nakikita ng mata niyo," tumalikod siya at muling humarap. "How about this! Imagine Rathro as a butterfly. In your eyes, he is beautiful, innocent and majestic. He even has a tattoo on his face like a well-patterned butterfly. Butterflies do feed on nectars but don't you know that...

"...butterflies also feed on dead bodies!" Hydra exclaimed.

"Butterflies eat meat of dead bodies" segunda naman ni Ten.

"Oh! May matalino rin pala sa grupo niyo," Masked Mistress sarcastically said. Tinarayan lang siya ni Hydra dahil sa sinabi niyang ito.

"Stop with those words. Tell me what you mean by that," naguguluhan kong tanong.

Imbes na kay Masked Mistress ako makakuha ng sagot ay si Ester ang nagsalita. "Rathro just like the butterfly needs death so that he can live. He feeds on other people's death. He is not the angel that you all thought..."

"Shut it, Ester! He was the one who saved all of us from your evil father!" Winwin said.

"You're right! Because a hero needs a villain to be called a hero!" depensa ni Maksed Mistress.

"So sinasabi mong palabas lang ni Rathro lahat ng iyon?" Madiin na saad ni Finnix. "And you expect us to believe that?"

"Believe me, Finnix. We are telling the truth!" Ester.

"Give me a reason why we should believe you!" sigaw ko. Dahil dito ay napatahimik si Ester. Napansin ko ang pagkuyom ng mga mata niya at tila paghugot niya ng lakas ng loob.

"O'o na Finnix. I lied to you! I kept a secret from all of you! Alam ko ang gusto mong ipahiwatig. O'o at hindi ako karapat-dapat na pagkatiwalaan pang muli. But I am doing this to make sure that you are safe. Believe me, Finnix! For one last time...please trust me!"


"Akala ko pa naman nagsisisi ka na. Let's go, guys," Malumanay kong pag-aaya sa mga kaibigan ko. Kita ko ang lungkot sa mga mata ng mga kaibigan ko.

I even saw Crystal mouthed, "Sorry Ester," bago kami tumalikod na lahat.

"Sandali Finnix!" rinig kong pagsigaw ni Reen kaya napahinto kami. "Isang tanong na lang. Kamusta si Reen?" Ester asked all of sudden.

"She is doing good. Nasa probinsya siya ngayon, sa Bayan ng Bagaro," sagot ko nang hindi humaharap sa kaniya. Reen is spending her time at Bagaro dahil wala pa namang pasok. Classes of every academies are suspened simula nang nangyari sa Signus Academy. "Huwag kang mag-alala. Ipapaabot ko sa kaniya ang pangangamusta..."

"...Hindi mo na magagawa ang bagay na iyan," biglang singit na naman ni Masked Mistress na ikinakunot ng mga kilay ko. "Wala nga talaga kayong kaalam-alam sa mga nangyayari. Alam niyo bang Bagaro was just burned to ashes a while ago?" napaharap akong muli dahi dito.

"Anong sinabi mo?" nangigitgit kong sabi sabay takbo at kwinelyuhan si Masked Mistress. Nilusot ko ang kamay ko sa rehas upang maabkt siya. But she just replied a grin.

"Masked Mistress is right, Finnix. Sinunog ang buong bayan ng Bagaro sa utos ni Rathro. We're too late. Nakuha na ni Rathro si Reen," Kita ko ang pangamba ni Ester. Takot. Pag-aalala. Kawalan ng pag-asa. Nakita ko lahat ng iyan sa mukha ni Ester.

"Anong ibig mong sabihin Ester? Bakit kukunin ni Rathro si Reen?"

"It was for a reason that you will never understand...lalo pa't wala nang espasyo sa inyo na paniwalaan ang mga sinabi ko," marahang sagot ni Ester na parang pinagsakluban ng langit at lupa.


"Tsk tsk tsk tsk!" umiiling habang mapanghusgang ngumingiting si Masked Mistress. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa damit niya. "Kung ako sa inyo, babalik na ako sa palasyo upang hanapin ang kaibigan niyo. Hindi mo alam na baka katulad ni Lucas ay patay na rin siya."


"YOU!" pagduro ni Hydra. Susugurin niya na sana si Masked Mistress ngunit kaagad siyang pinigilan ni Winwin. "Huwag mo na siyang patulan. Umalis na lang tayo," aniya.

"Pero pinapatay niya sa isip niya ang pinsan ko..." giit ni Hydra.

"Shh," pagpapakalma ni Winwin kay Hydra bago niyaya itong umalis. Binitawan ko na rin ang damit ni Masked Mistress at dali-daling sumunod sa kanila nang hindi lumilingon pabalik.

"FINNIX! Mahal kita!" rinig kong pagtawag ni Ester na siyang nagpahinto sa akin. Napakuyom ako ng kamay at napakagat labi. Pinikit ko ang mga mata ko at bumuntong hininga. Kasabay ng pagbuga ko ng hangin ay ang paglakad ko papalayo kay Ester na parang hindi ko siya narinig.

Habang kami'y naglalakad pabalik sa kung nasaan namin iniwan si Heaven ay may parte sa akin na nagsasabing paniwalaan ko si Ester. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dapat ko ba talaga silang paniwalaan? Naisip ko rin na Ester would not act like that kung walang katotohanan ang pinagsasabi nila lalo pa at nakasalalay rito ang buhay ni Heaven at Reen kung totoo man ang sinasabi niya.

Pagdating namin sa lugar na iyon ay wala kaming Heaven na nadatnan. Naghintay pa kami ng ilang minuto pero wala rin kaming natanggap na mensahe mula sa kaniya.

Lumipas pa ang ilng minuto at nagdesisyon kaming hanapin siya. Baka katulad ng babale ni Ester ay may nangyari nga sa kaniya na siyang pinapanalangin kong huwag naman sanang mangyari. Halos kalahati na ng palasyo ang naikot namin ngunit hindi pa rin namin siya nakikita. Nagsimula akong mangamba. Where is Heaven? Napasapo na si Hydra sa kaniyang noo dahil sa pag-aalala.

"Paano kung..." Crystal mumbled.

"NO!" bulyaw ni Hydra. "Hindi totoo ang naiisip mo," dagdag niya pa.

"But it doesn't make sense!" Ten said. "Heaven said she will sent us a message about where to find her but still no words from her. Not unless..."

Pero pinutol siya ni Hydra.

"Rathro did something to her?" dugtong na tanong ni Winwin.

"Yes, just like what Masked Mistress said," pagsingit ko. Muntik nang matumba si Hydra sa pag-aalala mabuti nalang at nasalo siya kaagad ni Winwin. "Don't worry, Hydra. It's not confirm yet."

"Paano ako hindi mag-aalala. Buhay ng pinsan ko ang nakasalalay dito," Hydra almost cried.

"Hindi pa kumpirmado ang lahat. Mas mabuti pa at maghiwahiwalay na lang muna tayo. Let's gather infos first," suhestiyon ni Ten.

"Okay. Let's do that by pair. Ten and Crystal; Winwin and Hydra; while I'll go alone," let's all meet here later." suhestiyon ko naman. Tumango silang lahat at nagpaalam kami sa bawat isa. Each of us took different directions para mas mapadali ang pangangalap ng impormasyon.

I saw the two pairs leaving my sight kaya nagsimula na rin akong hanapin si Heaven.

Pumasok ako muli ng kastilyo, nagbabakasakaling mahanap ko dito si Heaven. Hinarang pa ako kanina ng mga kawal ngunit sinabihan ko sila na may ibibigay ako sa hari. I showed them my royal badge kaya pinapasok nila ako rito. Nasa entrada na ako ng kastilyo nang makasalubong ako ng isang matandang lalaki.

"Hijo, may hinahanap ka ba?" tanong niya sa akin. Ang boses niya ay may bahid na ng katandaan ngunit batid pa rin nito ang lakas ng kapangyarihan.

"Opo, hinahanap ko po ang kaibigan ko. Baka po nandito sa loob ng kastilyo," tugon ko.

"Ah! Siya ba yung babaeng puti ang buhok?" sagot niya na parang alam niya kung nasaan si Heaven. Pero nang titigan ko ang kaniyang mga mata ay may bahid ng pagtataka at awkwardness ang mga ito. "Sa tingin ko ay nakita ko siya kanina. Nasa bandang..." saad niya habang pinipitik ang kaniyang mga daliri na parang inaalaala niya kung saan niya nakita si Heaven. "Nasa fountain siya na matatagpuan sa gilid ng kastilyo. Hanapin mo na lang siya dun."

"Ah sige po! Maraming salamat po!"

Kaagad akong kumaripas ng takbo palabas ng kastilyo. Sa harap ng hagdan ay lumingon ako sa dalawang direksiyon. Sinabi ng matanda na sa gilid ng kastilyo but he did not say which direction. Ah basta! Trial and error. With my extinct, inuna kong puntahan ang kanang bahagi ng kastilyo. Naghanap ako doon ng fountain pero wala akong makita. Tumagal ako ng ilang minuto pero puro mga hardin ang naroon. Tsk. I wasted my energy and time! Kaagad akong bumalik sa harap ng kastilyo at tinungo ang kaliwang bahagi. Hinanap ko ang fountain pero wala akong mahanap. Puro lang din garden ang nandito. Baka niloloko lang ako ng matanda kanina. Hanggang sa bigla na lang ako nakarinig ng pag-agos ng tubig. Agad ko itong sinundan at nahanap ko ang fountain na tinutukoy niya. There she is! Heaven is standing staring at the fountain.

"Heaven!" Pagtawag ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Nandito ka lang pala," pagbungad ko.

"Ah o'o. Kanina pa nga ako rito eh," saad niya at muling ngumiti nang nakakailang. Parang may mali sa mga ngiting iyon.

"Bakit hindi mo sa amin pina-alam na nandito ka?"

"Wala lang. I just want to be here longer," sagot niya at binalik ang tingin sa fountain. Bakit parang may mali kay Heaven ngayon. Hindi ko mapinpoint kung ano pero batid kong meron.

Napaismid ako habang alanganing tumatango para ipahiwatig ang kahit papaano'y pagsang-ayon ko. "O'o nga. Maganda nga rito. Pero alam mo ba na kanina pa kami naghahanap sa'yo? Alalang-alala na kami lalo na ang pinsan mo tapos nandito ka lang pala!"

"S-sorry," saad niya nang naka-pout.

Nagtaka ako sa naging reaksiyon niya. Kung ang normal na si Heaven ang nasa harap ko, she won't just say sorry kundi makikipagdebate siya sa akin o kaya ay sisigawan niya ako at sasabihing, "Oh! Kasalanan ko pa ngayon kung bakit pinaghahanap niyo ako? Eh hindi ko naman sinabing hanapin niyo ako ah!" And she will never pout like that dahil ikasisira nito ang image niya. Napataas ako ng kilay dahil dito. Is Heaven who is infront of me the Heaven that I know?

"Mamaya ka na magsorry sa pinsan mo!" pagsakay ko sa kabila ng suspetsyon ko. "Tara na at baka hindi lang batok ang maabot mo dun!" banggit ko pa at nagsimulang maglakad. Ramdam ko namang sumunod siya sa akin nang nakayuko.

Napailing ako. Heaven will not follow someone with that posture. She will stand straight to always show her confidence and beauty para ipakitang hindi siya alila ng taobg sinusundan niya.

Tama ba na isipin kong impostor ang babaeng ito? Posible bang totoo ang sinabi nila Ester na...the real Heaven is in danger? "Huwag naman sana," I mouthed. Kailangan kong malaman kung tama o mali ang naiiisip ko. Lumihis ako ng dinadaanan patungo sa boundary ng Archania Palace. Behind the boundary will be a forest and this is a good spot to confront Heaven.

Lalo pang lumalakas ang kutob kong impostor si Heaven na nasa likod ko. With Heaven's temper, hindi malabong magreklamo ito kung bakit hanggang ngayon ay naglalakad pa rin kami but look at her now, she is following me without any complaints. A not-so-Heaven behaviour.

Hinayaan ko na lang siyang sundan ako. Malalaman ko rin mamaya ang katotohanan. Lumagpas na kami sa boundary at katulad ng inaasahan ko ay gubat ang bumungad sa amin. I have to go farther from here.

Naglakad pa kami hanggang sa pinakaloob ng gubat nang, "Finnix, malayo pa ba tayo?" tanong ni Heaven na wala talagang alam sa pinaplano ko. She really is not Heaven.

"Ah-eh- nakalimutan ko kasi kung saan yung sinabi nilang lugar na pagkikitaan natin eh," sabi ko habang kinakamot ang likod ng aking ulo. "Can't you just message them that we're here?" One wrong answer and I'll kill whoever you are disguising as Heaven.

Pansin ko ang paglunok niya ng laway. "I can't. I don't know but I can't use my magnus lately..." Just like what I had expected.

"Fire Sword!"  I chanted in my mind as soon as I heard her answer. Paglabas ng nag-aapoy na espada ay kaagad ko itong tinutok sa leeg niya. Napatingala siya nang bahagya at nilipad rin nang kaunti ang buhok niya. Nakita ko ang pamumuo ng pawis sa gilid ng noo niya. "...Or you can't use it because you don't have it on the first place. Sino ka? Why are you pretending to be Heaven?"

"Anong pinagsasasabi mo? Ako ito, si Heaven!"









***
Heaven's POV

Bigla na namang bumukas ang parang pinto na parte ng pader. Iniluwa nito si Alvar habang kinukuyog ang dalawang babae na kaagad kong namukhaan kahit pa nakalambitin ang mga ulo nila at natatakpan ng buhok ang mga mukha nila.

"Madam Gould? Maestra Fauna?" I murmured. Kita ko ang pagngiti ni Alvar at tinulak niya sina Madam Gould at Maetra Fauna. Akala ko ay mahahambalos ang katawan nila sa lupa katulad ng nangyari sa akin kanina ngunit nakaluhod silang dalawa nang bumagsak. It seems that they expected it to happen.


Hinawakan ng magkabilang kamay ni Alvar ang buhok nina Madam Gould at Maestra Fauna. Buong lakas niya itong hinila pababa na nagpatingala sa dalawa. Napaimpit sila pareho sa sakit na dulot ng ginawa ni Alvar.  Pinasadahan ko ng tingin ang katawan nila at kaagad kong namataan ang mga galos at pasa sa buo nilang katawan. Pansin ko ang pagod, sakit, at pagdurusang dinanas ng dalawa sa kamay ng hayop na si Alvar.


Kinuyom ko ang dalawa kong kamay. "Is this also Rathro's doing?" sinubukan kong bahiran ng tapang boses ko.

"No and yes. No, because ako lang ang may pakana nito but since Rathro is the one who will benefit, then yes!" Mapang-asar niyang sagot. Kung hindi lang nakagapos ang kamay ko baka kanina ko pa sinapok ang lalaking ito.

"Bakit mo ginagawa sa amin ito?" Matinis na singhal ni Reen.


"Mabuti at tinanong mo iyan, bata. Now, let's get to the real deal." He displayed an evil smirk at may inilabas itong isang latigo. "The three descendants are here. The three keys to know the person behind the prophecy," dagdag pa niya. Napakunot ako ng noo dahil hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi niya.

"Ngayon ang gustong kong mangyari ay I want you to follow my orders, okay?" he said, thrilled. But no one answered him. "Silence means yes," parang baliw niyang saad at ngumiti.


"Now I want you to hold each other's hand," utos niya. Walang ni isa naman sa amin ang gumalaw. Hindi ko lubos maisip ang sumunod na nangyari. Hinampas niya si Madam Gould ng latigo.

"Ah!" Impit ni Madam Gould. Sa takot na gawin sa amin ang ginawa sa kaniya ay gumalaw kaming apat at naghawak kamay.

"Not you, Princess. You don't need to do that," pagpapaalis niya sa akin. "Sa inyong apat, ikaw ang  pinakawalang kwenta dito. Just sit aside and watch the play." He grinned.

"Ngayon, subukan niyong padaluyin ang inyong signus," utos niyang muli. Tatlong segundo ang lumipas ay hinampas niya si Reen ng latigo. "I said RUN YOUR SIGNUS!" sigaw niya.


Ramdam ko ang pagdaloy ng signus nilang tatlo. Naramdaman ko rin ang paghahalo ng signus nila. It seems their signus are compatible with each other: Maestra Fauna's encantation signus; Madam Gould's Precognition signus;and Reen's Telepathic signus. They all turned into one like a peices of puzzle that is perfectly fit to each other. Nagulat ako nang maglabas ang katawan nilang tatlo ng dilaw na liwanag. Nagsama-sama ang mga ito sa gitna nila na kalauna'y lumikha ng gumagalaw na mga larawan.

Una kong nakita rito si Rathro na binabalot ng itim na usok at katapat niya ang isang babaeng binabalutan ng dilaw na liwanag na parang isang dyosa. Sugatan si Rathro at ganun din ang babae. Napasinghap nalang ako nang mamukhaan ko ang babaeng kalaban ni Rathro.








"ESTER?"

Continue Reading

You'll Also Like

380K 14.2K 62
✔COMPLETED | She's The Cursed Goddess (Demigod Trilogy Book 1 of 3) She was created by mistake and has been dealing with bad luck ever since she was...
1.8M 181K 204
Online Game# 2: MILAN X DION
48.8K 1.4K 35
Book 1 Mirror, mirror on the wall...who's the strongest of them all?
105K 6.9K 33
Highest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the lucki...