Shadows Of A Silverharth [COM...

De hiddenthirteen

1.6M 63.5K 8.4K

Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, sh... Mais

HIDDENTHIRTEEN's NOTE
/1/ Martes' Rage
/2/ The Taste of Martes' Wrath
/3/ Weapon Summoner's Cry
/4/ Journey to Academy
/5/ Signus Academy
/6/ Versus Fire And Finnix
/7/ Signus Ring
/8/ Crystal
/9/ The Sleeping King
/10/ 5th Link: Singko
/11/ Meet The Bluebloods
/12/ Joining A Guild
/13/ Viper Guild
/14/ Impossible!
/15/ The Final Test
/16/ Ester's Signus
/17/ Land of Blossom
/18/ Ester's Signus: Uno
/19/ Ester's Signus: Dos & Tres
/20/ Quatro & Singko
/21/ Sais & Siete
/22/ Links United
/23/ The Great Pretender
/24/ His Warm Side
/25/ Lucas Eathren's Gaze
/26/ Truths and Denials
/27/ Lucas' Past
/28/ At Blueblood's HQ
/29/ Signus Improvision
/30/ Fighting Rizka
/31/ Jealous Men
/32/ Bad Night
/33/ Everyone Cares
/34/ Mr. Magnus' Side
/35/ Crazily Evil
/36/ Bluebloods In Danger
/37/ Saved
/38/ Ester's Action
/39/ Lucas' Angel
/40/ Mission Changed
/41/ Southwestern Academy
/42/ Unofficial Confession
/43/ Reen's Nightmare
/44/ The Past
/45/ Love Over Demon
/46/ The Future
/47/ Kidnapped
/48/ Ester Vs. Masked Mistress
/49/ RUN!
/50/ The Shadow's Identity
/51/ I Know
/52/ Love and Broken
/53/ Four Months Later
/54/ Warn Them
/55/ The Game
/56/ Monsters
/57/ Reveal
/58/ Killing Spree
Chapter 59: Papa
Chapter 60: The Summoner's Wrath
Chapter 61: Death and Tears
Chapter 62: Who's who?
Chapter 63: Truths and History
Chapter 65: Heaven in Evil's Hand
Chapter 66: Truths
Chapter 67: The Chase
Chapter 69: I Am Ester Silverharth
Chapter 68: Otso, Eighth Link
Chapter 70: Battle Preparations
Chapter 71: The Coronation Day
Chapter 72: War in Archania Palace
Chapter 73: The End?
Chapter 74: Death of Life
Chapter 75: Life Versus Death
Chapter 76: The Legend
The Final Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 64: Rathro Is Evil?

11.9K 523 96
De hiddenthirteen

Ester's POV



Pumikit muli si Masked Mistress matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.


Why does she keep on closing her eyes? Kanina ko pa napapansin ang pagpikit niya ng mata. Is she thinking of a way to get out of here? O sadyang nagpapahinga lang siya?


"Anong oras kaya matatapos ang pagpupulong mga hari at reyna? Tapos na kaya sila?" rinig kong tanong ng isang kawal. May pagpupulong ang mga hari at reyna dito sa Archania Palace?  Kaya pala naparito si Heaven kanina. Hindi malabong nandito rin ang buong grupo ng mga kaibigan ko dahil mga prinsipe at prinsesa sila. Bilang mga anak ng hari at reyna ay kailangan nilang dumalo sa pagpupulong dahil sakop na ito ng kanilang responsibilidad bilang susunod na mamumuno sa kanilang kaharian.


Pasimple akong lumapit sa gilid ng rehas habang iniiwasang mapansin ng dalawang nagbabantay. Kailangan kong makinig sa pinag-uusapan nila. Baka sakaling may makuha akong impormasyon sa kung ano na ang nangyayari sa labas.


"Sigurado akong tatagal ang pagpupulong na magaganap dahil marami ang kailangan nilang pag-uusapan. Maraming bagay ang kailangang malaman ni King Rathro tungkol sa Archania lalo pa't ilang taon rin siyang nawala" sabat ng isa pang kawal.


"Kung sa bagay..." napahawak ang kawal sa kaniyang baba habang unti-unting pinapahiwatig ang kaniyang pagsang-ayon sa pamamagitan ng pagtango. "Pero ano na kaya ang pinag-uusapan nila ngayon?"


"Ewan ko. Buti sana kung sa conference hall tayo nakabantay, eh nandito tayo sa kulungan."

"Kiro! Banba!" pagtawag ng paparating na isa pang kawal. Lumingon ang dalawang kawal na nagbabantay sa harap ng kulungan namin. So their name is Kiro and Banba. Si Kiro ang naunang nagsalita samantalang si Banba naman ang isa pa.


"Bakit tila hinahabol ka ng bagyo, Fahlio?" Tanong ni Kiro sa bagong dating na kawal.

Hingal-hingal niyang sinabi ang kaniyang balita. "You know Ms. Gould, right? The popular dress maker? Hinuli siya ng mga kawal sa hindi malamang rason. Usap-usapan na utos daw ni King Rathro."

Napantig ang tenga ko ganun din si Masked Mistress na napamulat ng mata. She looked at me with eyes asking 'Isn't she my descendant?'




Tumango naman ako bilang sagot. Now, both of our attention are focused to hearing the conversation of the guards.




"Ewan ko ba. The King's orders are getting strange. Kanina ay inutos niyang sunugin ang bayan ng Bagaro kasama ang mga mamamayan dahil sinabi niyang ang mga tao roon ay pawang mga tulisan. He ordered it without an investigation. Ayon sa balita kaunti lang ang nakaligtas. At ang mga nakaligtas ay ikinulong din." komento ni Banba.


"Ano ang naiisip ni Rathro? Bakit niya ito ginawa? Something's off. What is he scheming now?" tanong ko sa sarili ko.



"I think I've connected the dots. From Alvar's appearance up to what's happening right now." Makahulugang sambit ni Masked Mistress.


"Anong ibig mong sabihin?"



"He's seems to be on the move. I think he is hunting the three descendants. Siguro ay alam na ni Rathro ang orasyong ginawa namin at ang bisa nito. That explains why Alvar is here. He knew the ritual and he reported it to Rathro. The ritual is to make sure that you would reconcile with the three descendants to tell you to prepare. Now, it seems he is hunting them para mahanap ka, Ester. Rathro is on the move to find the only person who could defeat him. Now that my descendant is on his hand, he only needs Rene and Dysia's."



Lumakas ang tibok ng puso ko. Kung totoong hinahanap nga nila ang tatlong tagapagmana, isa lang aang ibig sabihin nito...nasa peligro ang buhay ni Reen.


"Huwag kang masyadong kabahan. Those are just my speculations. Maybe I am just overthinking," bawi naman niya. Pansin niya siguro ang panginginig ng kamay ko.




"But what if those are true? We have to get out of here! Reen might be in danger right now katulad ng iniisip mo!" Pati labi ko ay nanginginig na rin sa pangamba. Hindi ko lubos na maatim kapag may mangyaring masama kay Reen.


Inilibot ko ang paningin ko baka sakaling may makita akong butas na maaaring magamit ko upang makatakas kami rito. Ngunit wala akong nakitang loophole sa selyong ginamit upang panatilihing hindi gumagana ang signus sa loob nito. The cell is equipped to imprison even the strongest man alive.



Si Finnix!

Biglang sumagi sa isip ko ang pangalan niya na siyang nagpabilis pa lalo sa tibok ng puso ko. Pero hindi ito ang panahon upang ispin ang mga bagay na ito. Reen's life is what matters right now. Kung may iisang tao man na poprotekta kay Reen ay si Finnix iyon. I know he would protect her.

Kung narito man siya ngayon, sana naman ay maisipan niyang dalawin ako rito. Sana maisipan niya man lang na alamin ang kalagayan ko ngayon. Sana pumunta siya rito. Handa akong tanggapin lahat ng panunumbat niya mabalaan ko lang siya tungkol kay Reen.





At the Conference Hall.

Third Person's POV

Hindi man lang nakaramdam ng pagka-inip ang bawat isa sa loob ng conference hall kahit ilang oras na silang naghihintay. Bagkus, sila ay na-eexcite nang makita ang tunay na hari ng Archania. Ang siyang nagligtas sa napakaraming tao noong unang panahon hanggang sa ngayon.

Lahat sila ay nakaramdam ng napakalakas na presensiya na papalapit sa kanila.



"This is the presence of a diefied being! King Rathro is coming!" King Feugo exclaimed. Kahit na ang ibang hari ay natutuwa din dahil papalapit na ang taong kanilang hinihintay.

Nagpakita ang pigura ni Rathro sa pintuan. Nakangiti ito nang matiwasay na tila isang anghel.



"Greetings to the rightful king!" Kaagad na tumayo ang lahat at yumuko upang bigyang pugay ang pagdating ni Rathro. Sa mata ng mga nakakataas ay tila isang diyos si Rathro. Nagulat naman ang mga kawal na nakatayo sa pintuan. For them it is an odd scene. The kings, queens, princes and princesses are bowing to one person. They are all bowing to Rathro. But the warriors  soon thought that Rathro is truly higher than any of them.

"No need for formalities. You may all stand up straight and act to your titles as royals of  Archania." Rathro said while smiling. Tumayo naman nang tuwid ang lahat dahil sa sinabi ng lalaki. "You may now seat" dagdag pa nito. Parang mga manika namang sumunod ang mga royals at umupo sa kanilang upuan.

Between them is a long table na walang kahit na anong bagay na nakapatong. Tumingin si Rathro sa isang kawal at sumenyas. Tumango naman ito at umalis. Pagbalik ng kawal ay nakasunod naman ang mga nakaunipormeng babae na may dalang pagkain. Maingat nila itong inilapag sa mesa na kahit tunog ng pagpatong ng mga kubyertos sa mesa ay hindi maririnig.

Naguluhan naman ang lahat ng naroon dahil sa biglang pagbabago at napansin ito ni Rathro. "Ah! I want this meeting to be as friendly as possible. I don't want you to feel awkward with me. And besides, my advisor said that this is how meeting is done nowadays" then Rathro displayed a smile.

One of the queens saw something strange behind Rathro's smile. Napansin niyang tila pilit na mga ngiti ang mga ito. There is no sincerity behind those smile. Ngunit hindi niya na ito pinansin dahil baka pinipilit lang talagang ngumiti ni Rathro upang mapalapit sa kanila.



Nang kumpleto nang mailagay sa mesa ang lahat ng pagkain ay nagningning ang mga mata ni Ten. Hindi na niya napigilan ang sarili at nilantakan ang pagkaing nasa harap niya. Pinanliitan naman siya ng mata ng papa niya dahil dito. Paglingon niya kay Rathro ay sakto namang nakatingin ito sa kaniya kaya nilunok niya ang laman ng kaniyang bibig kahit hindi pa ito nadudurog ng kaniyang mga ngipin.


"Sorry King Rathro." Paghingi ng tawad ng papa ni Ten kay Rathro.



"No, it's fine." Rathro faked a chuckle. "You don't really need my permission if you want to eat"


Nang marinig nila ito ay isa-isa na nilang ginalaw ang kanilang kubyertos at kumain.
Pansin ni Rathro ang isang reyna na hindi ginagalaw ang kaniyabg pagkain. "Don't you want the food, Queen Hera?" kaagad na tanong niya sa reyna.

Nabaling ang atensiyon ng lahat kay Queen Hera na tila naluluha habang tinititigan ang pagkain. Kaagad na nakuha nina Finnix, Ten, Winwin, Hydra, Heaven at Crystal ang rason kung bakit ganito ang reaksiyon ni Queen Hera at maging sila ay nalungkot din.



"Sorry King Rathro. I just remembered my son, Lucas. He loved foods very much. It was my hobby watching him eat and now I don't have any chance to see that scene again." pumipiyok na sabi ni Queen Hera. Kinagat niya ang kaniyang labi at bumuntong hininga upang alisin nararamdaman.


"Ah sorry Queen Hera. I give you my deepest condolence" Rathro said and he faked a frown para kunwari'y makipagsimpatya.


"Thank you King Rathro." Pasasalamat ni Queen Hera at sinubukang kumain sa kabila ng kaniyang nadarama. Nabalot ng katahimikan ang paligid at tanging tunog lang ng pagtatama ng kubyertos sa pinggan ang naririnig.


Rathro felt the defeaning silence and he thought maybe it's time for him to open up the real reason why he arranged this meeting. "Anyway, the reason why I called you here today because I want you to tell me more about what is happening to Archania... And I also want to talk about my coronation day."



1 and half an hour later.





Natapos na rin ang pagpupulong paglipas ng mahigit tatlong oras. Mag-aalas tres na ng hapon at babalik na sa kani-kanilang kaharian ang mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa. Ngunit biglang naisipan ng magkakaibigan na magpaiwan na muna.



"We have to visit someone here." Pagpapaalam nila sa kanilang magulang.



"Okay. Just make sure to not cause a problem here, okay?" Pagpapaalala ni Feugo sa bawat isa sa kanila.



"Don't worry about us, Dad. We'll take care of ourselves" Finnix assured his Dad.




"Let's go!" Pag-aaya ni Ten.




The group waved goodbye to their parents. Lahat sila ay tumungo sa likod ng palasyo kung saan matatagpuan ang kulungan ng palasyo. Narating nila ang gate ng Prison Grounds kung nasaan nakakulong si Ester. As Princes and Princesses, they are free to go inside pero hinarang sila ni Hydra bago makapasok sa gate. "Sandali. Heaven, are you sure you want to come with us?" Paninigurado ni Hydra sa pinsan. Alam niya kasi na may galit pa rin si Heaven kay Ester.



"Honestly, I have been there before the meeting. I already talked to her so wala na akong dapat pang sabihin sa kaniya. I think kayo na lang ang pumunta. I'll just roam around the palace. I'll send you a voice message to where you can find me." Malumanay na sagot ni Heaven.



"We respect your decision. Just don't go so far lalo na sa labas ng boundary ng palasyo, okay?" Finnix said. Ang palasyo kasi ay walang nagtataasang pader katulad ng ibang kaharian. Bagkus, mayroon lamang itong boundary barrier kung saan sa labas nito ay ang purong kagubatan na.




Heaven did a nod as a response. Nagpatuloy naman ang grupo na pumasok sa Prison Grounds. Nagtanong sila sa mga kawal kung saan ang kulungan ng mga taong dinakip matapos ng digmaan sa Signus Academy.



Naiwang mag-isa si Heaven. Ang una niyang ginawa ay maghanap ng payapang lugar kung saan puwede niyang mapakalma ang kaniyang sarili. Naglibot-libot siya sa palasyo. Sa kaniyang paglilibot, napag-alaman niyang napakaraming magagandang lugar sa Archania Palace.


Ito ang una niyang tuntong sa palasyo ng Archania, ang sentro ng lahat ng kaharian. Simula bata ay hindi sila nakapunta sa Archania Palace dahil itinuturing ito bilang isang sagradong lugar. Tanging mga tapat na kawal at tagasunod ni Rathro lamang ang maaaring makalabas-masok sa palasyo upang panatilihin ang kaayusan ng loob nito. Ngayong nakarating na siya at nalibot pa niya ang Archania Palace, napatunayang ang palasyo ay iba sa ibang kaharian. This is really the home of the true king.




Ilang minuto pa siyang nagpaikot-ikot hanggang sa mapadpad siya sa lugar kung saan may mga nagtataasang pader na nababalutan ng mga vines. Muli niyang naalala si Lucas dahil sa luntiang kulay nito. She smiled to herself at sinabing, "Hindi ko man lang nasabi sa kaniya ang nararamdaman ko."

Ipinatong niya ang kaniyang kaliwang kamay sa nagluluntiang mga baging at nagsimulang maglakad. "Sana sa pamamagitan nito ay maramdaman mo kung gaano ako naapektuhan sa pagkawala mo." bulong niya habang pinagpapatuloy ang kaniyang ginagawa.




Hindi pa siya nangangalahati sa haba ng pader nang biglang sumabit ang kamay niya sa isang baging. Laking gulat niya nang nagkaroon parte ng pader na bigla na lang umusli nang bahagya. Para itong isang pinto.


"Ano ito?"mahinang bulong niya sa kaniyang sarili. She is about to open it when she heard voices from the other side of the wall.


"Ano ang pinag-usapan niyo sa pagpupulong, Rathro?" rinig ni Heaven. Kaagad na binalot ng kuryosidad ang kaniyang isip.



'Rathro? As in King Rathro? Is King Rathro really behind this wall?' she thought. Sumilip siya sa nakausling parte ng pader. Nakita niya ang nakatalikod na pigura ng isang lalaki na kinakausap ang isang matanda.


'That physique! I'm sure he is King Rathro.' Heaven masked her presence as soon as she confirmed the identity of King Rathro but not the old man.


"We talked about my coronation day. Five days from now and I will become a King like what I wanted." nakatalikod man mula kay Heaven ay ramdam niya pa rin ang labis na tuwa base lamang sa tono ng boses ni Rathro.


"Huwag kang pakampante Rathro. Nararamdaman ko. Hindi lahat ay natutuwa sa pagiging hari mo. I can feel a threat who might stole the throne soon. Tandaan mo. That crown was just stolen by you. It is not rightfully yours." sabi ng matanda na ikinataka ni Heaven.


"Huh? Hindi ba't ayon sa history, he got the throne because he saved Archania? Why did he say na ninakaw ito ni Rathro' tanong ni Heaven sa kaniyang isip. 'Isn't he afraid that he might offend King Rathro?'



"Alam ko. I killed my brother to get this crown." sagot ni Rathro. Heaven felt like her heart skipped a beat. Napailing si Heaven sa kaniyang narinig. 'He agreed about him stealing the throne? No, I must be hearing things' she told to herself at pinagpatuloy ang pakikinig sa dalawang nag-uusap kahit alam niyang hindi ito dapat.



"Pinaniwala ko ang lahat na isa akong bayani. Hahahaha! Hindi ko lubos maisip na sa pangalawang pagkakataon ay iisipin muli ng mundo na isa akong bayani. Hahaha! Egar was a good bait. He is a fool to be easily manipulated my me." muling banggit ni Rathro na ikinalaki ng mata niya.



'Tama ba ang narinig ko?' Lumakas ng lumakas ang tibok ng puso ni Heaven. 'King Rathro is just pretending to be a hero? But I saw it with my own eyes. He has the power of diefied being and he saved us from Egar. Why is he saying that Egar was just his puppet? Naguguluhan na ako! This is enough. Aalis na ako. Hindi dapat ako nakikinig sa kanila. Kapag nalaman ni Rathro na narinig ko lahat ng pinag-usapan nila ay tiyak na malilintikan ako'  akmang aalis na si Heaven at nakaisang hakbang na siya nang marinig niya ang sunod na sinabi ni Rathro na siyang nagpabalik sa kaniya.









***
A/N:

Thanks hekkonchhu for the wattpad cover that you made for SA. I highly appreciated it. 💚💚💚.

I am happy na malapit ng mag-300K reads ang Signus Academy. Thanks for all of your support. Sana ay supportahan niyo ang istoryang ito hanggang sa huli.





Continue lendo

Você também vai gostar

2M 44.6K 52
Masked as a nobody in the world he was ruling behind the curtains, Konnar's attention was caught by Sadie's delusions and played along. When romance...
100K 9.5K 52
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] Reverie races against time to finish the Grand Quest and request for Hiraeth's freedom, but the mission only uncover...
367K 27.4K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
2.7M 59K 68
Hindi ko alam kung anong pinasok ko. Basta ang alam ko, sinundan ko ang best friend ko kung saan man sya dinala ng mga lalaking naka-tuxedo. Basta an...