Shadows Of A Silverharth [COM...

Af hiddenthirteen

1.6M 63.6K 8.4K

Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, sh... Mere

HIDDENTHIRTEEN's NOTE
/1/ Martes' Rage
/2/ The Taste of Martes' Wrath
/3/ Weapon Summoner's Cry
/4/ Journey to Academy
/5/ Signus Academy
/6/ Versus Fire And Finnix
/7/ Signus Ring
/8/ Crystal
/9/ The Sleeping King
/10/ 5th Link: Singko
/11/ Meet The Bluebloods
/12/ Joining A Guild
/13/ Viper Guild
/14/ Impossible!
/15/ The Final Test
/16/ Ester's Signus
/17/ Land of Blossom
/18/ Ester's Signus: Uno
/19/ Ester's Signus: Dos & Tres
/20/ Quatro & Singko
/21/ Sais & Siete
/22/ Links United
/23/ The Great Pretender
/24/ His Warm Side
/25/ Lucas Eathren's Gaze
/26/ Truths and Denials
/27/ Lucas' Past
/28/ At Blueblood's HQ
/29/ Signus Improvision
/30/ Fighting Rizka
/31/ Jealous Men
/32/ Bad Night
/33/ Everyone Cares
/34/ Mr. Magnus' Side
/35/ Crazily Evil
/36/ Bluebloods In Danger
/37/ Saved
/38/ Ester's Action
/39/ Lucas' Angel
/40/ Mission Changed
/41/ Southwestern Academy
/42/ Unofficial Confession
/43/ Reen's Nightmare
/44/ The Past
/45/ Love Over Demon
/46/ The Future
/47/ Kidnapped
/48/ Ester Vs. Masked Mistress
/49/ RUN!
/50/ The Shadow's Identity
/51/ I Know
/52/ Love and Broken
/53/ Four Months Later
/54/ Warn Them
/55/ The Game
/56/ Monsters
/57/ Reveal
/58/ Killing Spree
Chapter 59: Papa
Chapter 60: The Summoner's Wrath
Chapter 61: Death and Tears
Chapter 63: Truths and History
Chapter 64: Rathro Is Evil?
Chapter 65: Heaven in Evil's Hand
Chapter 66: Truths
Chapter 67: The Chase
Chapter 69: I Am Ester Silverharth
Chapter 68: Otso, Eighth Link
Chapter 70: Battle Preparations
Chapter 71: The Coronation Day
Chapter 72: War in Archania Palace
Chapter 73: The End?
Chapter 74: Death of Life
Chapter 75: Life Versus Death
Chapter 76: The Legend
The Final Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 62: Who's who?

12.9K 677 149
Af hiddenthirteen

Ester's POV

Masarap sa pakiramdam. Isang kamay ang humahaplos sa akin, mula sa  buhok hanggang sa balikat. Mainit ngunit pinapakalma nito ang aking pakiramdam. Para bang pamilyar sa akin ang init na ito.  Ganitong-ganito ang natatandaan kong mga init ng yakap ni Mama.

"Mama!"

"Mama!"

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Kaagad na bumungad ang mukha ng napakagandang nilalang kung saan ko namana ang aking mukha. Nakakurba ang kaniyang labing nakangiti at tila nagniningning ang kaniyang mga mata.

"Mama?"paninigurado ko sa aking nakikita. Ngunit hindi siya tumugon. Nawala ang kaniyang ngiti. "Mama. Panaginip ka lang ba?" Muli kong tanong.

"Hindi. Hindi ako panaginip at lalong hindi ako ang iyong ina" sagot niya. Mayroon siyang inabot sa gilid at kaniya itong itinakip sa kaniyang mukha. Isang itim na maskara na tanda ng kaniyang pagkakilanlan.

"Masked Mistress?" kaagad na naalerto ang katawan ko at napatayo mula sa pagkakahiga. Lumayo ako mula sa kaniya ngunit napahinto ako nang bumangga ang likod ko sa isang pader. 'It's a dead end.' Pinadaloy ko ang aking signus sa aking pangamba na baka sugurin niya ako nang wala sa oras ngunit nadismaya ako nang wala akong naramdamang signus na dumaloy sa aking mga ugat.

"Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon. Hindi gagana ang kapangyarihan mo sa lugar kung nasaan tayo ngayon" sabi niya habang nanatiling nakaupo. Inilibot ko ang aking paningin. Tatlong konkretong pader at rehas ang bumubuo sa lugar. Nasa isang bilangguan ako ngayon. Nasa isang bilangguan ako kasama si Masked Mistress, ang pinakakinatatakutang nilalang sa balat ng Archania. Nanatili akong alerto. Minamasdan ko ang bawat galaw niya. Kilala ko kung sino siya. Ang numero unong mamamatay tao sa balat ng Archania.

"Ganyan ka na ba katakot sa akin?" sabi niya habang prenteng nakaupo at tila hindi alintana ang presensiya ko. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at nagmeditate

"A--anong ginawa mo sa akin?" biglang bigkas ng bibig ko dahil sa kaba.

"Hindi ba dapat ay sinasagot mo muna ang tanong ko bago ka magtanong?" Kahit pa nakatago sa maskara ang kaniyang mukha ay nakita ko pa rin ang pagtaas ng kaniyang kilay. "Pero sige, sasagutin ko ang tanong mo. Wala akong ginawa sa iyo. Hindi ko nga rin alam kung bakit ginawa kong yakapin ka at hayaan kang matulog sa mga hita ko sa loob ng isang linggo."

"Isang linggo?"

Iminulat niya ang kaniyang mga mata at nagsalita. "Oo, isang linggo na tayong nakakulong dito. Isang linggo ka na ring tulog. Hindi ko alam pero this body of mine made me do it. I took care of you for 7 days. Maybe it  felt you. Bakit? Totoo ba? Totoo bang ikaw ang anak ng may-ari ng katawang ito?"

Hindi ako nagsalita o gumalaw. Baka isa itong patibong upang mahulog ako sa aking sariling kapahamakan. Lalo pa't alam ko ang sitwasyon ko ngayon. Baka ipinadala siya rito upang mangalap ng impormasyon mula sa akin. At kapag nakumpirma nila na anak ako ni Martes at Egar ay ipapatay nila ako.

"Sasagot ka o hindi?" May bahid ng pagbabanta niyang bigkas. Ngunit hindi pa rin ako nagsalita. Bigla na lamang siyang tumayo at sinugod ako. Hinawakan niya ako sa leeg at idinikit ang likod sa pader.

"Sumagot ka!" sigaw niya. "Ikaw ba ang anak ng may-ari ng katawang ito?" tanong niya habang unti-unting tinatanggal ang maskara. Nang kaniya itong ibinaba ay bumungad sa mismong mga mata ko ang mukha ni Mama. Dahil nauubusan na rin ako ng hangin ay napaluha ako. Binitawan niya ako at natumba ako sa sahig. Napagapang ako. Umuubo rin ako habang pinupunan ng hangin ang baga ko.

"Totoo nga! Base sa reaksiyon mo, ikaw nga ang anak ng katawang ito. Kung gayon, ikaw rin ang anak ni Egar."  Bahagya kong nilingon ang nagsasalitang mag-isa na si Masked Mistress. Nakatayo siya sa tabi ko and she seems to be thinking very deep. "At kung ikaw ang anak ni Egar, baka ikaw rin ang totoo kong misyon"

Humarap siya sa akin at awtomatiko namang pinanangga ko ang aking mga kamay sa aking ulo. Pero lumipas ang ilang segundo ay hindi ako nakadama ng sakit katulad ng inaakala kong sasaktan niya akong muli. Sumilip ako sa siwang na likha ng mga daliri ko. Nasilip kong tila iniaabot ni Masked Mistress ang kaniyang kamay upang tulungan akong bumangon.

"Grab it. I don't have any intention to kill you", walang emosyon niyang saad.

Nag-aalangan man ay inabot ko pa rin ang kaniyang kamay. Tinulungan niya akong tumayo bago muling umupo sa kaninang kinauupuan niya.

Akmang lalapit na ako sa kaniya ay isang boses ang umagaw ng aking atensyon.

"So hindi ka pa patay." mataray na sabi nito. Nang akin itong lingunin ay nahagip ng mga mata ko ang mukha ni Heaven sa labas ng kulungan.

"Heaven!" ang tanging sambit ko.

"Tama nga ako. Lahat ng ipinakita mo ay palabas lang. Balewala lang sa iyo lahat ng pinagsamahan natin. Hindi ko alam na ito pala ang lihim na ayaw mong sabihin sa amin. Akala ko masaya ka sa piling namin pero ang totoo, tumutulong ka sa ama mo para makapaghiganti sa amin. Ikaw ang tumulong upang makapasok sila sa barrier ng academy! Ikaw ang rason kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Ikaw ang rason kung bakit maraming namatay. Ikaw ang rason kung bakit namatay si Lucas!" saad niyang may bahid ng galit.

"Hindi totoo 'yan! Wala kayong patunay na ginawa ko ang bagay na iyan. Kailanman ay hindi ko inisip na sirain ang lugar na itinuring kong tahanan. Walang katotohanan ang sinabi mo, Heaven." bawi ko.

"Totoo Ester! Alam mo ba kung bakit kayo ang magkasama sa kulungang ito? Iyan ay upang malaman namin ang totoong pagkatao mo! Si Finnix mismo ang may suhestyon ng ideyang ito! Kapag nagkasugat-sugat o namatay ka dahil kasama mo si Masked Mistress sa loob ng kulungan, maniniwala kaming wala kang alam sa plano ng iyong ama at hindi ka nila kakampi, pero heto ka at walang kagalos-galos. Make sense?  Ano? Did you have a great time staying with your accomplice?"

"Paniwalaan mo ako Heaven. Wala akong alam! Hindi ko alam na buhay ang Papa ko. Hindi ko alam ang plano nila. Hindi ko alam...wala akong alam! Maniwala ka naman Heaven!" Nagsimulang mag-unahan sa pagdaloy ang mga luha ko. Hindi ko na alam kung paano sila mapapaniwalang totoo ang lahat ng sinabi ko.

"How fake! Don't cry, Ester. Stop your fake tears. Nailibing na namin nang payapa si Lucas. Alam mo?... Naisip ko na kung sumama ka nalang sana sa ama mo, eh 'di sana buhay pa si Lucas. Itigil mo na 'yang pag-iyak mo. Wala kang kaparatang umiyak sa pagkamatay ni Lucas...dahil parte ka sa rason kung bakit siya namatay.". Natigil ang mundo ko. Tila mga bala ang mga salita ni Heaven na tumagos sa puso ko. Sobrang sakit. Ang sakit sakit.

"Paalam Ester. Umaasa akong ito na ang huli nating pag-uusap." sabi niya bago tumalikod at umalis.

Lalo pang bumugso ang mga luha ko. Heaven. 'Heaven'. Gusto kong tawagin ang pangalan niya ngunit wala na akong lakas ng loob na gawin ito hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Kasalanan ko ito! Kasalanan ko! Kasalanan ko ang lahat!" ang tanging inilabas ng bibig ko. Dumako ako sa pinakadulong parte ng kulungan at doon nagmukmok. Umupo ako sa lupa at niyakap ang aking mga tuhod. "Kasalanan ko kung bakit namatay si Lucas. Tama nga si Heaven. Kung sumama lang ako kay Papa, sana ay buhay pa siya ngayon"

"Everything happens for a reason"biglang sabi ni Masked Mistress na nasa kabilang sulok.

"If that is true, then for what reason did Lucas die?", bulyaw ko sa kaniya na parang nakalimutan kong takot na takot ako sa kaniya kanina lamang. Dahil tama naman ako. Ano ang rason upang mamatay si Lucas?

"Maaaring hindi mo pa alam sa ngayon pero unti-unting magpapakita ang rasong ito sa paglipas ng panahon" seyoso niyang tugon. "Si Lucas ba ang nagbigay sa iyo ng asul na rosas na iyan?" pag-iiba niya ng usapan. Tinuro niya ang pulseras ko na may asul na rosas na agaw-pansin.

"O'o" tipid kong sagot habang pinupunasan ko ang umaagos na luha sa aking psingi.

"Kawawa naman ang batang iyon. Namatay siyang hindi naibalik ang pagmamahal niya sa iyo" ikinataas ito ng kilay ko. Paano niya nalamang may gusto sa akin si Lucas?

"Nagtataka ka siguro kung paano ko nalaman ang bagay na ito. Do you know what blue rose means?" tanong niya. "Blue rose means mystery and unattainable. He gave that to you to say that you are his mystery and his unattainable love. Alam kong may iba nang tinitibok ang puso mo kaya hindi mo siya gusto. Hindi ko lang lubos maisip kung bakit ikaw ang misteryo ng buhay niya. Sa tingin ko ay alam mo ang rason sa bagay na iyon." nagulat ako sa lalim ng sinabi niya. Hindi ko man lang naisip na may nakatagong mensahe sa rosas na ito. Ako nga ang misteryo ng buhay niya. Mula pagkabata ay umibig siya sa iisang babae at ako iyon. Nakakalungkot dahil hindi ko nagawang maibalik sa kaniya ang pagmamahal na sa aki'y kaniyang binigay. Nakakadurog ng puso. Lalo pa akong nalungkit dahil nakokonsensya akong hindi ko siya minahal tulad ng pagmamahal niya sa akin.

"Huwag ka nang umiyak, Ester. Let me ask you this, did he die happy?"

"I don't know. But he died smiling" Bago tuluyang magsara ang mga mata ni Lucas ay ngumiti siya nang napakatamis sa amin. Ito ay base sa pagkaka-alala ko.

"That's good to hear. He died smiling because he accepted his death. If he accepted it, why can't you? Be happy for him because he is now finally in peace." Alam kong ginagawa niya ito para pagaanin ang nadarama ko pero nakakapanibago lang dahil si Masled Mitress ang gumagawa nito. Ang babaeng ilang beses nang pinagtangkaang kunin ang buhay ko. Ang nakakamangha lang ay nagagawa niyang pakalamahin ang emosyon ko kahit papaano. Pinahid ko ang huling luhang namumuo sa mga mata ko.

"S--salamat" sabi ko kay Masked Mistress.


"Buti nga siya namatay nang payapa. Samantalang ako, namatay akong may takot at pangamba" sambit niya sa paraang humihina nang humihina ang kaniyang boses sa bawat salitang kaniyang binigkas.

"Huh?" Pagkunot ng noo ko.

"Forget it. This is not the time for my drama" saad niya. Dito ko nakita ang kakaibang Masked Mistress na saliwat sa pagkakakilala ko. Binalot ako ng kuryosidad at hindi ko naiwasang magtanong.

"Masked Mistress, sino ka ba talaga?"

Dahil sa tanong ko ay ipinikit niyang muli ang kaniyang mga mata. Huminga siya ng malalim at ibininuga ito. Sa pagdilat muli ng kaniyang mga mata ay saka siya nagsalita, "Siguro panahon na upang may makaalam ng tunay na nakaraan ko. At dahil ikaw ang tunay na mission ko, sa iyo ko ipapakita kung sino talaga ako. Come, let me show you"

Hindi ako nakinig sa sinabi niya. Hindi ako gumalaw. Nanatili lang ako sa kabilang sulok ng kulungan at wala akong balak na lumapit sa kaniya.

"Huwag kang matakot sa akin. Kung gusto kitang patayin, sana ginawa ko na iyon pagkakulong pa lamang sa ating dalawa dito. But look at you now, you're still alive. Kaya huwag kang matakot sa akin. Hindi ako masamang tao. May rason kung bakit ko ginawa ang lahat ng ginawa ko. Hayaan mo akong ipakita sa iyo ito"

Hindi siya masamang tao? Pero bakit siya pumapatay? Bakit siya pumatay ng napakaraming tao? Bakit siya walang awang kumikitil ng buhay?

"Kung ayaw mong lumapit sa akin, ako ang lalapit sa iyo", saad niya. Tumayo nga siya at lumapit sa akin. Umupo siya sa harap ko. Pinakiramdaman ko ng mabuti ang aura niya. Mabuti naman at wala akong naramdamang killing intent na inilalabas niya. Kinuha niya ang kanang kamay ko na nakayakap sa aking tuhod at ipinatong ito sa kaniyang kaliwang palad. "Sana ay maintindihan mo ang istorya ng buhay ko"

Nakadama ako ng init sa aking palad hanggang sa dumaloy ito papunta sa aking buong katawan. Sa pagkisap ng aking mata ay nasa ibang lugar na ako.


Sandali! Pamilyar sa akin ang lugar na ito! Ito ang lugar na nasa panaginip ni Reen. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ang makalumang disenyo ng silid kung nasaan ako. May labindandalawang taong nakaupo sa pabilog ng mesa. Lahat sila ay nakasuot ng maroon robe at nakikinig sa babaeng nasa harap nila.

"Nagbigay ng babala ang propesiya! Kailangan niyong patayin ang buong lahi ng mga summoners!", sabi niya nang nababalisa. Siya si Oracle Minea sa pagkakatanda ko. Parehas na parehas nga ang ipinapakita ni Masked Mistress sa akin sa nakita ko sa panaginip ni Reen. Pero bakit? Hindi kaya...

"Bakit Oracle Minea?" tanong ng isa sa labindalawang nakaupo.

"Because a child will be born fated to kill everyone. A child who will destroy Archania and that child will have the blood of the summoners!"

Bumilis ang pagtibok ng puso at ang paghinga ko. Naramdaman ko na lang ang sarili kong hinihigop paalis sa lugar na ito. Bumalik ako sa kulungan nang naghihikahos na parang tumakbo ako ng ilang milya.

"Why did you leave my past? I'm showing it to you for you to know me" kaagad niyang tanong.

"I already had seen it from someone's dream." Tapat kong tugon.

"From whom? Maybe you met one of Historian Rene's descendants!" she said. So tama nga ang hinala ko. Reen's nightmare is a part of unwritten history.

"Sino ka ba talaga Masked Mistress? Huwag mong sabihing..."

"Mukhang may ideya ka na kung sino ako." Pagputol na sa aking sasabihin.  "O'o, ako nga si Oracle Minea.", she verified without looking at me. Mas mabuting sabihin na iniiwas niya ang kaniyang paningin sa akin.

"Kung ganon ikaw ang dahilan kung bakit..."

"Patawad Ester. Napakalaki ng kasalanan ko. Ako ang puno't dulo ng pagkamatay ng pamilya mo. Patawad. Patawad dahil sa pagiging makasarili ko ay napatay ang lahat ng summoners at nabuo ang malaking gulong ito. Kung sinabi ko lang sana ang totoong propesiya nang mga panahong iyon. Kung hindi lang ako nagpatinag sa pananakot ni Rathro...sana, sana...." napakagat-labi siya na tila hindi niya kayang sabihin ang karugtong ng kaniyang dapat na sasabihin.

"Siguro tama lang na ibigay sa akin ang parusang ito. Para kahit papaano ay makabawi ako sa mga kasalanan ko. Para makatulong akong ibalik sa dating payapang mundo ang Archania" batid ko ang sinseridad ng kaniyang mga salita.

"Gusto mo palang magbago, bakit ka patuloy na pumapatay?"

"Pumapatay ako para sa kabutihan ng lahat. Mahirap mang paniwalaan pero para sa ikakabuti ng lahat ang ginawa ko. Nang panahong pinatay si Elven Dysia at si Historian Rene ay pinaghahabol rin ako ng mga kawal upang patayin. Anong magagawa ko na isang manghuhula ng hinaharap upang kalabanin sila? Pinatay nila ako. Ramdam ko hanggang sa ngayon ang sakit ng pagtarak ng sandata sa puso ko na siyang kumitil sa akin. Pagkamatay ay dinala ako sa isang lugar na purong liwanag. Walang ibang makikita kundi liwanag. Kinausap ako ng isang boses na sa tingin ko'y kayang lusawin ang kaluluwa ko kung bibigkasin lang. Pinakita niya sa akin ang hinaharap. Nakita kong isa na lang ang may buhay sa Archania at si Rathro iyon. Lahat ay namatay na at nasa ilalim na ng kaniyang kapangyarihan. Everyone is obeying him like puppets. Hindi lang 'yan. Ang buong kapaligiran ay nababalot na ng enerhiya ng kamatayan. Nakakatakot ang aking nasaksihan."

"Alam mo ba na isang mortal na kasalanan para sa aming mga oracle ang magsinungaling tungkol sa hinaharap. Kaya pinarusahan niya ako. Ibinalik niya ako dito sa mundo para sa isang misyon. Iyon ay ang pigilang mangyari ang hinaharap na nakita ko at hanapin ang iisang taong makapaliligtas sa mundo mula sa kasamaan. Dalawamg paraan lang ang naisip ko upang magawa ko ang aking misyon. Ito ay ang gisingin ng mas maaga si Rathro habang hindi pa tuluyang sumasapi sa kaniya ang kabuuang kapangyarihan ng kamatayan. At ang pangalawa ay hanapin at palakasin ang taong makapagliligtas sa lahat at ikaw iyon Ester. Ikaw ang misyon ko. Panahon na upang ibigay ko sa iyo ang bagay na ito.", mula sa kaniyang mga palad ay lumabas ang espadang lagi niyang dala. She snapped her hand and the sword became a bottle with yellow liquid inside.

"This is the vial of life. Ito ang koleksiyon ng lahat ng buhay na kinitil ko." paliwanag niya habang tinititigan ang vial.

"Bakit ko tatanggapin ang bagay na iyan, Masked...Oracle Minea? Sa loob niyan ang buhay ng mga taong pinatay mo! Kung tatanggapin ko iyan ay para lang naman akong pumatay ng maraming tao"sigaw ng konsensiya ko na inilabas sa bibig ko.

"Huwag mong isipin 'yan. I killed not only for this but for a double purpose. There are two energies living inside a person, the energy of life and death. This vial is where life goes but do you know where the energy of death goes? Alam mo naman siguro kung sino ang kalaban natin ngayon. Si Rathro at kakampi niya ang kamatayan. Kaya ako kumampi kay Egar upang mabahiran ako ng kapangyarihan ni Rathro at sa ganoon ay sa bawat taong mapapatay ko ay ang pag-galing ng katawan ni Rathro na magpapagising sa kaniya nang mas maaga. Pinili kong pumatay kahit labag sa kalooban ko upang gisingin siya habang hindi pa nakukumpleto ang buong kapangyarihan niya. Kapag mas maraming tao ang mapapatay ko ay mas mapapaaga ang kaniyang pag-gising. Mabuti at natupad ko ang unang msiyon ko, ang gisingin siya. Masaya ako dahil ramdam ko ang kapangyarihan niya na hindi ito kasinlakas tulad ng kapangyarihan niyang pinakita sa akin sa hinaharap ng boses na iyon." Mahabang eksplanasyon niya. Akala ko ay doon na nagtatapos pero may idinugtong pa siya rito.


"Kaya sa iyo ko ito ibinibigay dahil may kakayahan itong palakasin ang signus ninuman sa pinakamataas na ranko nito.  Only you, a summoner can use the best of it dahil ikaw lang ang may kakayahang abutin ang diefied rank. Isa pang rason kung bakit sigurado akong ikaw na ang misyon ko ay dahil sa signus mo. Alam mo rin ba kung bakit kakaiba ka sa lahat, Ester? You can summon life. Hindi mo man napapansin pero may buhay ang mga nilalang na naisusummon mo. And I believe that only life defeats death and death defeats life. Sa tulong nito ay matatapatan mo ang signus ni Rathro. Only you have the chance to defeat him, Ester. Only you can defeat Rathro."

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

10.3M 476K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
149K 8.8K 55
Rhia Zacharius yearns for nothing more than peace for her family, striving to lift them out of poverty and provide them with the basic necessities to...
1.9M 110K 60
A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creature exists. And a single Grimoire can destroy it. Genre...
3.5M 113K 69
In the Land of Divine Continent, there's a renowned myth about the mysterious demigod who bears crystal blue eyes. It was foretold by the oracle that...