Shadows Of A Silverharth [COM...

By hiddenthirteen

1.6M 63.5K 8.4K

Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, sh... More

HIDDENTHIRTEEN's NOTE
/1/ Martes' Rage
/2/ The Taste of Martes' Wrath
/3/ Weapon Summoner's Cry
/4/ Journey to Academy
/5/ Signus Academy
/6/ Versus Fire And Finnix
/7/ Signus Ring
/8/ Crystal
/9/ The Sleeping King
/10/ 5th Link: Singko
/11/ Meet The Bluebloods
/12/ Joining A Guild
/13/ Viper Guild
/14/ Impossible!
/15/ The Final Test
/16/ Ester's Signus
/17/ Land of Blossom
/18/ Ester's Signus: Uno
/19/ Ester's Signus: Dos & Tres
/20/ Quatro & Singko
/21/ Sais & Siete
/22/ Links United
/23/ The Great Pretender
/24/ His Warm Side
/25/ Lucas Eathren's Gaze
/26/ Truths and Denials
/27/ Lucas' Past
/28/ At Blueblood's HQ
/29/ Signus Improvision
/30/ Fighting Rizka
/31/ Jealous Men
/32/ Bad Night
/33/ Everyone Cares
/34/ Mr. Magnus' Side
/35/ Crazily Evil
/36/ Bluebloods In Danger
/37/ Saved
/38/ Ester's Action
/39/ Lucas' Angel
/40/ Mission Changed
/41/ Southwestern Academy
/42/ Unofficial Confession
/43/ Reen's Nightmare
/44/ The Past
/45/ Love Over Demon
/46/ The Future
/47/ Kidnapped
/48/ Ester Vs. Masked Mistress
/49/ RUN!
/50/ The Shadow's Identity
/51/ I Know
/52/ Love and Broken
/53/ Four Months Later
/54/ Warn Them
/55/ The Game
/56/ Monsters
/57/ Reveal
/58/ Killing Spree
Chapter 60: The Summoner's Wrath
Chapter 61: Death and Tears
Chapter 62: Who's who?
Chapter 63: Truths and History
Chapter 64: Rathro Is Evil?
Chapter 65: Heaven in Evil's Hand
Chapter 66: Truths
Chapter 67: The Chase
Chapter 69: I Am Ester Silverharth
Chapter 68: Otso, Eighth Link
Chapter 70: Battle Preparations
Chapter 71: The Coronation Day
Chapter 72: War in Archania Palace
Chapter 73: The End?
Chapter 74: Death of Life
Chapter 75: Life Versus Death
Chapter 76: The Legend
The Final Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 59: Papa

13.7K 585 100
By hiddenthirteen

Sapat na ang presensiya ni Egar upang takutin silang lahat. "Diefied! He is a diefied summoner!" halos lumuwa ang mga matang bulalas ni Headmistress Alicia. Tama ang hinala niya. Narating na ng lalaki ang diefied rank na tanging mga summoners lamang ang nakakaabot.

Sa isang banda ay naroon si Finnix takap-yakap ang katawanni Ester na walang malay. "Ester! Ester mahal ko! Ester gumising ka" hindi mapigilang mapaluha ni Finnix. "Huy! Huwag mo naman akong takutin ng ganito." ngunit kahit anong gawin niyang pakiusap ay hindi pa rin nagigising si Ester. Kaniyang pinakinggan ang dibdib ni Ester at naririnig niya ang pagtibok nito. Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin siya kampante. Makakampante lamang siya kapang nakita niyang nakabukas ang mga mata ni Ester. Dahan-dahan niyang ihiniga si Ester sa malambot na lupa. Hindi niya mapigilanang pag-init ng kaniyang katawan. Ito ay simbulo ng kusang paglabas ng kaniyang signus dala ng galit.


"Ikaw! Wala akong pakialam kung hari ka ng mga drakos o kung sino ka man. Sapat ng dahilan ang saktan ang taong mahal ko upang patayin kitaaaaaa!" nagngingitngit ang mga ngipin ni Finnix nang sabihin niya ito. Nag-apoy ang kaniyang kamao at sumugod papunta kay Egar. He charged forward with his blazing fist. Sinalubong naman ni Egar ang lalaki. Hinawakan ng kaliwa niyang kamay ang umaabiy na kanang kamay ni Finnix at nakahawak naman ang kaniyang kanan sa leeg nito. Sa bilis ng pangyayari ay hindi napansin ni Finnix na nakalapit na sa kaniya si Egar kaya nagawa siyang mahuli nito sa leeg.


"Bakit? Anong nangyari? Patay na ba ang mahal mo? Kung oo, eh 'di mabuti. Isa pa lang siya sa libo-libong papatayin ko ngayon at ikaw na ang susunod. Yaaaaah!" Tumalon si Egar at ibinagsak niya si Finnix sa lupa habang hawak pa rin ang leeg nito. A crater was created where Finnix's body was slammed.


"Finnix!" sigaw ni Lucas. He commanded the vines to get Egar's attention habang kinukuha ng ibang baging si Finnix. Dinala ng mga baging si Finnix pabalik sa kanila at kaagad siyang ginamot ng mga healers.

Egar waved his hand and a black mist was emitted. Nalanta ang mga baging dahil dito. "Alam kong sinasadya ninyong patagalin ang laban upang maabutan ninyo ang tulong mula sa iba't ibang kaharian. Huwag kayong mag-alala... bibilisan ko ang pagkitil sa buhay ninyo." sarkastiko niyang saad. "Rise again my undead army!" Nabuhay muli sa pangalawang pagkakataon ang kaniyang mga alagad. Kinabahan ang lahat  nang muling bumangon ang patay na drakos.

"Naririnig ko ang bawat tibok ng puso niyo. Malakas. Mabilis. Huwag kayong kabahan! Huwag kayong kabahan dahil lamang sa mga alagad ko. MATAKOT KAYO! Matakot kayo dahil ako ang makakaharap ninyo!" gumawa ng dark energy ball si Egar at itinapon ito sa grupo ng mga Archanians.



"Earth Wall! /Double Shield Barrier!" sabay na sigaw ni Lucas, Crystal at Alicia. An earth wall emerged from the ground at binalutan pa ito ng dalawang purple shield barrier. Binalot ang lahat ng dalawang matibay na panangga ngunit nabasag lang ito nang tamaan ng dark energy ball ni Egar. Sa lakas ng pwersa nito ay tumilapon silang lahat. Hindi sapat ang dalawamg matibay na panangga upang salagin ang atakeng iyon. Kaya tinawag na diefied ang huling ranko dahil dito, dahil sa lakas na taglay nilang walang maikukumpara. Nagkawatak-watak mula sa isa't isa ang mga Archanians. Kaagad na bumangon si Headmistress Alicia at ang mga propesor. Nagtipon-tipon silang muli at nagpakawala ng mga atake.


"Armor of Metal God!" Nabalot ng pulang metal na baluti si Egar at hinayaan niyang tumama roon ang mga atake. Hindi man lang siya napaatras sa mga atakeng iyon.
Tumigil sila sa pag-atake nang makita nilang parang walang epekto ang kanilang ginagawa kay Egar.


"My turn! Hiyaah!" sumabog ang nagkapira-piraso ang baluting suot niya at naging libo-libong sandata ito. Lumulutang ito sa ere na parang hinihintay ang utos ni Egar. "Thousand Swords!" Bumulusok ang mga ito papunta sa kanila.



"Space Curve Manipulation!" sigaw ni Mr. Vector. Nang malapit nang tumama sa kanila ang mga sandata ay kumurba ito pabalik kay Egar. Ibinuka ni Egar ang kaniyang palad at pinahinto ang mga ito. Nang kaniyang ikinuyom ang kaniyang palad ay nahulog ang mga sandata sa lupa.



"Magaling! Ngayon tingnan natin kung kaya mong manipulahin ang espasyo sa gagawin ko. Swords of Infinity!" Mula sa kalangitan a nagsilabasan ang mga portal na naglabas rin ng hindi mabilang na sandata. Sabay-sabay itong bumulusok na parang ulan. Kaniya-kaniyang pagsangga at pag-iwas ang kanilang ginawa.



"Invisible Air Slashes!" Heaven secretly chanted. Naramdaman ni Egar ang tila pagbabago ng direksiyon ng hangin. He summoned a metal shield at kagaya ng kaniyang inaasahan ay tumama doon ang mga air blades na hindi malabong makita ng mga mata. Bumaling kay Heaven ang atensiyon ni Egar. Kinilabutan si Heaven at bahagyang napaatras ngunit may humawak sa kaniyang kamay na nagpatatag sa kaniyang loob. "Hydra!" maluha-luhang sabi ni Heaven.


"Mamaya ka na magdrama kapag natalo na natin siya." sabat ni Hydra.

"Hindi niyo siya matatalo kung kayong dalawa lang. Count me in!" Lumapit sa kanila si Crystal.

"Count us in too!" Lumapit na rin si Ten, Winwin at Lucas.

"Let's fight him together!" isa pang tao ang nagsalita sa kanilang likuran. Finnix joined them while stretching his neck.

"Enough with the chitchat kids! Are you ready to die now?" Egar said creepily.

"How about you, Egar? Ready to die?" mapanghamong saad ni Finnix. " Blue Fireballs!"


"Earth Spikes!" Lucas shouted in unison with Finnix. Huge spikes shoot from the ground while the fireballs is travelling in the air. 

Egar swiped the fireballs using his bare hand. Hinawing niya ang mga fireballs ni Finnix na parang wala lang sa kaniya.  Egar stomped his feet where a dark force was created enough to break the spikes into pieces. They both doubted what they have seen. Those attacks are one of their strongest but... those did not leave even a tiny scratch to Egar.


Nagpakawala rin ng air at water blades ang magpinsan ngunit katulad ng kay Finnix at parang kurtinang hinawing ang mga ito. Even Crystal's spells did not work.


"ULTIMATE ARCHANGEL BLAST!" Winwin shouted as his wings spread wide. Lumipad siya sa himpapawid kung saan sinalubong ng siya ng matinding liwanag. Nagliwanag ang kaniyang buong katawan at parang kometa siyang bumulusok papunta kay Egar. Tumalon si Egar ng napakataas at dinakip ang mga pakpak ni Winwin nang walang kahirap-hirap. Egar swinged Winwin at itinapon niya ito nang buong lakas sa lupa. Heaven controlled the air to minimize Winwin's impact. Dahil dito ay hindi malakas ang pagkakabagsak niya lupa ngunit napapimpit pa rin siya sa sakit.

Ten raised his newly invented two pistols immediately when he saw what happened to his friend. He charged his pistols using his signus at inasinta niya kay Egar ang mga bala nitong katulad ng bomba. Sumabog ang mga ito nang tumama sa kinatatayuan ni Egar ngunit nagulat sila nang wala na siya roon. Nasa isang lugar na siya malayo sa dati niyang kinatatayuan.



"Nice weapons!" Egar said. "Don't you know that I own every weapon in this world? Now, give me that!" the pistols disappeared from Ten's hands at napunta ito kay Egar. "Have a taste with your own signus!" At pinagpupuputok niya ang pistols.


"EARTH WALL!"

"SHIELD BARRIER!"

Magkasabay na pagpapalabas ng signus ni Crystal at Lucas. Tumama sa panangga ang mga bala nitong bomba at nagkaroon ng sunod-sunod na pagsabog. Bagama't hindi sila tinamaan ay ramdam nila ang intensidad ng mga iyon. Dito nila napagtanto ang malaking agwat ng lakas nila sa kanilang kalaban. Reaching the diefied rank is another whole level. Even SS-ranks are ants compared to deifieds. Isa ito sa mga tagong rason kung bakit sinadyang paslangin ang lahi ng mga summoners.


Habang iniiwasan pa rin ng mga propesor at ibang estudyante ang infinite number of swords ay busy naman sa pagkalaban ang bluebloods kay Egar. Lahat ng ginagawang atake nila Finnix ay iniiwasan lang o sinasalag ni Egar nang walang kahirap-hirap.


"I'm done playing with you. Siguro oras na rin para maningil ng utang. Life will be paid by life!" Parang sinapian ng demonyo si Egar na ngumisi sa harap ng bluebloods. "Ako naman ang aatake. REVENGE OF BLADES!" Mula sa likod ni Egar ay nagsilabasan ang pitong naglalakihang mga espada na may bahid ng kamatayan. Pinaghalo ni Egar ang kaniyang signus at ang signus na ipinahiram sa kaniya.

Naramdaman nila Finnix ang kapangyarihang napapaloob sa mga sandata. Kapangyarihang alam nilang hindi nila matatakasan.  Egar waved his hand kasabay ng paglipad ng mga sandata patungo sa bluebloods. Hindi alam ng pito kung ano ang kanilang gagawin. Tila naestatwa silang lahat. Tila dumikit ang mga paa nila sa lula. Lalo pang napapalapit ang mga sandata nang maramdaman ni Ester ang takot na nararamdaman ng kaniyang mga kaibigan na siyang nagpagising sa kaniya. Their fear woke her up. Hindi na nagawang mag-isip ng kaniyang utak at sumabay na lang siya sa iginalaw ng kaniyang katawan.

Humarang siya sa harap ng kaniyang mga kaibigan at ibinuka ang kaniyang braso. Kitang-kita ng mga mata ni Ester ang papalapit na mga sandatang tiyak na gugutay-gutayin ang kaniyang katawan. Ipinikit niya nalang ang kaniyang mga mata upang tanggapin ang kaniyang kamatayan. Ngunit lumipas ang ilang segundo ay wala siyang naramdamang sakit. Ramdam niyang buo pa rin ang kaniyang katawan. Binuksan niya ang kaniyang mga mata at natagpuang lumulutang ang mga sandata sa mismong harap niya. Nakatutok pa sa kaniyang dalawang mata at noo ang dulo nito. Halos bumigay ang kaniyang nanginginig niyang mga tuhod.


Sa mga panahong iyon ay bumuti na ang kalagayan ni Magnus dala ng pinakawalang signus ni Ester. Naghilom ang kaniyang mga sugat, at bumalik sa dati ang kaniyang pangangatawan. Nawala ang mga markang tanda ng lahat ng pinagdaanan niya sa kamay ng mga drakos.

Dali-dali siyang lumabas upang tumulong sa labanan ngunit isang bagay ang kaagad niyang napansin nang makita niya ang sira-sirang field; si Ester ay nakatayo at nakatutok sa kaniya ang pitong naglalakihang espada.



Ester felt a connection between the blades and her body. Egar also felt it. There is a connection between his signus and the lady not far away from him.


"Itigil mo 'yan, Egar! Huwag mong papatayin ang sarili mong anak!" sigaw ni Magnus. Umigting ang tenga ni Ester at ni Egar. Tila nabingi siya ss kaniyang narinig. Nagsihulugan ang mga sandata sa lupa. Nawala rin ang portal kung saan lumalabas ang walang katapusang mga sandata.

Napatulala si Egar sa kaniyang narinig. Lumakas ang tibok ng kaniyang puso. Unti-unti niyang namumukhaan ang babae na malaki ang pagkakahawig sa kaniya.


"Ester?" hindi alam ni Egar kung ano ang kaniyang nararamdaman. Tila nawala ang kaniyang galit nang makita niya ang kaniyang anak. Naging payapa at puno ng kagalakan ang kaniyang puso.

'Ang boses na iyon! Ang paraan niya nang pagsambit ng pangalan ko!' Umiiling na naisip ni Ester. "Papa?" sambit niya kahit alam niyang kahibangan lamang ito.

Tila musika sa tenga ni Egar ang boses ni Ester. Matagal-tagal na rin. Matagal-tagal nang hindi niya naririnig ang boses ng kaniyang na tinatawag siya sa paraang iyon. Nanginginig ang kamay niyang tinanggal ang kaniyang suot na maskara. Egar's face was revealed to everyone. Napasinghap ang lahat nang makitang parang lalaking bersyon ni Ester ang hari ng mga drakos.

Napatunganga ang lahat at hindi nila magawang gumalaw. Napatahimik sila sa kanilang narinig na rebelasyon. Kahit na sila Finnix, Lucas, Winwin, Hydra, Heaven, Ten at Crystal ay napatahimik na rin. Hindi nila alam kung ano dapat ang kanilang maramdaman. Hindi nila alam kung ano ba dapat ang kanilang magiging reaksiyon. Kung dapat ba silang matuwa dahil sa senyales na tapos na ang labanan; kung dapat ba silang matuwa para kay Ester o magalit dahil sa mga lihim na ito ni Ester na ngayon lang nila nalaman.

Sa kabilang banda, lumukso ang puso ni Ester nang makita ang mukha na kamuntikan nang malimot ng kaniyang mga alaala. "PAPA!" Para bang bumagal ang oras. Tumakbo si Ester, nananabik na mayakap ang matagal na niyang pinangungulilaan. Parang isang bata si Ester na abot-langit ang ngiti dahil bumalik na ang kaniyang amang matagal nang nawalay sa kaniya. Umagos ang sariwang luha sa kaniyang mga mata habang tinatahak niya ang distansya nilang dalawa. Nang makalapit ay agad din siya nitong sinunggaban ng mainit na yakap, yakap na puno ng pangungulila at pagmamahal. "Papa, buhay ka!"

Nawala ang nakakatakot na presensiya ni Egar at napalitan ito ng aura ng isang mapagmahal na ama. "Anak, ilang taon kong hinintay ang pagkakataong ito." hindi na napigilan ni Egar ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Hinayaan niya na lang itong dumaloy at niyakap ng mahigpit na mahigpit ang kaniyang anak. "Namiss kita, anak!" at lalo pa niyang hinigpitan ang yakap.

"Akala ko wala na kayo. Akala ko ako na lang ang buhay sa pamilya natin. I've been alone all these years, Papa." Humagulgol si Ester sa balikat ni Egar. Narinig nila Finnix ang pag-iyak ni Ester. Ito ang unang pagkakataong nakita nilang mahina si Ester, ang unang pagkakataong nakita nilang umiiyak si Ester.


Kumalas si Ester sa kanilang pagyakap uoang tanungin ang bagay na kanina pa bumabagabag sa isip niya. "Where have you been, Papa? Anong nangyari sa iyo? At paano...?"

"Mahabang kuwento anak. Mahabang kuwento at hindi sasapat ang isang taong upang maikwento ko sa iyo lahat. At ang rason kung bakit gan'to na ako ay gustong kong ipaghiganti ang kambal mo at ang iyong ina, anak." tapat na sagot ni Egar.

"Papa, kilala kita. Alam kong hindi mo kayang gawin ang pinaplano mo."

"Nagbago na ako anak. Nagbago ako simula nang patayin nila ang pamilya natin at mawalay ka sa akin. Nabalot na ng paghihiganti ang puso ko. Samahan mo ako, Ester. Samahan mo akong bigyang katarungan ang walang hustiyang pagkamatay nila" hinawakan ni Egar ang mga kamay ni Ester at tinitigan niya ito mata sa mata.

"Hindi! Hindi ko kayang gawin iyan, Papa" tinanggal ni Ester ang mga kamay ni Egar nakahawak sa kaniya.

"Bakit Ester? Nakalimutan mo na ba kung ano ang ginawa nila sa atin? Sa pamilya natin? Dahil sa kanila ay wala na ang Mama at kambal mo. Dahil sa kanila..."

"Pero hindi sila 'yon. Maaaring sila ang mga anak nila pero ni minsan ay hindi nila naging kasalanan ang ginawa ng kanilang mga magulang, Papa."

"Tama ka, anak. Hindi nila kasalanan iyon. Pero naaalala ko ang kahayupang ginawa ng mga magulang nila sa Mama mo at kay Kram kapag nakikita ko sila" Egar disappeared for a second at nang magpakita siyang muli ay dala na niya si Rizka habang nakasabunot sa buhok nito. "Katulad ng babaeng ito. Ang signus niya ay katulad ng signus na kumitil sa buhay mismo ng iyong ina, Ester. Hinding-hindi ko sila mapapatawad kahit kailan! Ipaghihiganti ko sila!" nanggigigil na sabi ni Egar. Akmang papatayin na ni Egar si Rizka ay pinigilan siya ni Ester sa pamamagitan ng paghawak sa nakataas niyang mga kamay.

"Noong una ay naisip ko ring maghiganti Papa, pero nagbago ito nang itinuring nila akong pamilya. They loved me without knowing my past. Prinotektahan nila ako kahit na hindi ko naman kailangan. They cared for me. They treat me as a friend. They..."



"...And that is because they did not know that you are a summoner! Pero ngayon. Tingnan mo! TINGNAN MO! Tingnan mo kung paano ka nila titigan!" inilibot ni Ester ang kaniyang paningin tulad ng sinabi ni Egar. Nakita niya ang mapanghusgang mga mata ng iilan sa kanila. Nabaling ang tingin niya sa kaniyang mga kaibigan at nabasa niya ang kanilang iniisip. 'She's a summoner!' Narinig niyang may bahid ito ng takot.


"Pero kahit na!" Umiiling at naguguluhang sigaw ni Ester. Ito ang kinatatakutan niya. Na baka hindi siya matanggap ng kaniyang mga kaibigan kapag nalaman nila ang kaniyang sekreto.

"Ester, pakinggan mo ako. Hindi ka na nila tatanggapin ngayong alam na nila ang pagkatao mo. Sige, hindi na ako maghihiganti sa kanila. Papayag ako. Pero aalis tayo. Aalis ako at isasama kita. Papatayin ka nila Ester kapag mananatili ka rito. Papatayin ka nila katulad ng ginawa nila sa Mama mo at sa kambal mo!" puno ng pag-aalalang saad ni Egar.


"Patawad Pa' dahil hindi ako sasama sa inyo. Tatanggapin ko kung ano man ang ibato nila sa akin. Mananatili ako rito kasama sila." desisyon ni Ester dahil may parte sa kaniyang puso na hindi siya sasaktan ng kaniyang mga kaibigan.


"'Yan ba ang gusto mo, anak? Tatalikuran mo ako para sa kanila?" madiing tanong ni Egar na siyang napaluha muli.


"Patawad Papa!" tumulo ang luha ni Ester. Mahirap. Mahirap pumili sa dalawang panig kapag parehas mo silang mahal.


Nang sinabi ni Ester ang mga salitang iyon ay umiiyak na tumalikod si Egar. Muli siyang humarap at sinunggaban ng yakap si Ester. "Kung 'yan ang gusto mo anak. Papayag ako basta sa ikaliligaya mo. Mag-iingat ka rito. Kapag may problema ka at gusto mong umalis sa lugar na ito, sundan mo lang ang puso mo at dadalhin ka nito sa akin. Laging bukas ang palasyo ko para sa iyo"

Kumalas na si Egar sa pagkakayakap at kaagad na tumalikod. Hindi na siya lumingon pa dahil baka kapag ginawa niya ito ay hindi siya umalis nang hindi kasama si Ester. Naglakad siya habang gumagawa ng portal pabalik sa kaniyang kaharian. Dahil dito ay tila nabunutan ng tinik sa lalamunan ang mga Archanians. They left a sigh of relief. Akmang hahakbang na si Egar sa portal nang may isang boses na pumasok sa isip niya."Sa tingin mo ba gano'n na lang 'yon, Egar?  Hindi ko pinahiram ang kapangyarihan ko sa iyo para dito! Hindi matatapos ang araw na ito nang hindi dumadanak and dugo."

Napahawak si Egar sa kaniyang ulo dahil sa biglang pagsakit nito. Tumindi nang tumindi ang sakit sa bawat segundong lumipas. Sa tingin niya'y para itong binibiyak. Napansin ni Egar ang pagkalat ng itim na marka sa likod ng kaniyang mga palad at umaakyat ito patungo sa kaniyang mukha na labis niyang ikinabahala. Sana'y tatalon na siya sa portal nang hindi niya magawang makontrol ang kaniyang katawan. Naramdaman niya na lang ang pagbabago ng kulay ng kaniyang mga mata at pagbugso ng nag-uumapaw na kapangyarihang hindi niya kayang kontrolin. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Nanuyo ang kaniyang lalamunan at kumalab ang kaniyang sikmura. Siya'y parehas na naging uhaw at gutom. Uhaw sa dugo at gutom sa pagkitil ng buhay.




"Ngayon, patayin mo silang lahat. Kill them all for me!"

Continue Reading

You'll Also Like

2M 44.6K 52
Masked as a nobody in the world he was ruling behind the curtains, Konnar's attention was caught by Sadie's delusions and played along. When romance...
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
364K 27.2K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
6.1M 266K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...