La Cuevas #3: Beautiful Scars

By Jojissi

1.5M 48.9K 15.5K

COMPLETED | UNEDITED After an unfortunate incident 18 years ago, Sadie Trinity is now back in La Cuevas, to f... More

BEAUTIFUL SCARS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
EPILOGUE 1/2
EPILOGUE 2/2
Special Chapter

Chapter 7

29.2K 1K 153
By Jojissi

Kagaya ng sinabi ni Luke, umalis siya bago ang lunes at lumipad patungong Palawan. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit atat na atat siyang umalis, may tinataguan ba siya?


Isang lingo na mula noong araw na iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Wala naman ako g pakielam, naaalala ko lang talaga siya sa tuwing magsusuot ako ng piercings pagkauwi galing sa school.


Nagsimula ang renovation ng studio ni Sage sa second floor noong lunes at by next month ay siguradong tapos na iyon. Hindi ko naman siya tinatanong kung ano ang dahilan pero mukhang babalik na sila sa pag tugtog. Nahinto ito noon dahil nagkaproblema si Sage sa El Nido. I think it has something to do with his girl there, balita ko ay may binabalik-balikan siya doon e.


Si Luke din ay hindi mapirmi dito kaya nagpasya silang ipagpaliban na muna ang pagtugtog dahil sa mga personal na dahilan— which is wala na naman akong pakielam.


Biyernes ngayon at maaga ang klase ko kaya maaga rin akong umalis ng mansiyon. Nakasuot lang ako ng puting round neck shirt at high waist denim jeans dahil wala namang uniform ang mga estudyante ng LCIU. Ang lab coat namin ay isinusuot lang kapag papasok kami ng lab or kapag kailangan.


Inabot din ng isang lingo bago makalimutan ng mga kaklase ko ang pagpaparticipate ni Luke sa practicals namin bilang pasyente ko. Noon ko narealize na iba pala talaga ang impact ng banda nila sa La Cuevas.


Marami ang nagtangkang kausapin ako, hindi lang dahil kay Luke at sa katotohanang Eleanor ako, kundi dahil usap-usapan ang 'comeback' ng 5pm na wala naman akong alam. As usual ay hindi ko sila sinasagot, ni hindi ko sila tinatapunan ng tingin.


Sigurado akong walang mabuting impression ang mga tao sa akin dahil sa ugali ko, pero ang nakakalungkot lang ay hindi ko mahanap ang kakarampot na pake ko. Magalit sila hangga't gusto nila, hindi naman ako papatayin ng mga salita nila, at isa pa, hindi nila iyon masasabi sa harapan ko dahil sa apelyido ko.


Marami ang nagsasabi na nakakatakot daw ang mga mata ko. Madilim, blangko at masungit kung titignan. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit pa nila ako tinitignan kung ayaw nila akong makita? Hindi ko bnga sila sinusulyapan dahil bukod sa hindi sila magandang tanawin ay tinatamad din akong igalaw ang mga mata ko.


Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao, iba ang sinasabi nila sa ikinikilos ng katawan nila. Kung legal lang ang pag dukot ng mga mata at pagpunit ng mga bibig ay baga ako nalang ang natitirang may mukha sa La Cuevas. Sayang.


Natapos ang klase ko ng bago magtanghalian. Umuwi ako sa bahay nang bagsak ang mga balikat dahil sa pagod kong utak. Naiimagine ko na ang kama ko habang naglalakad papasok ng mansiyon. Gustong-gusto ko nang humiga kahit nakailang kape ako kagabi at kaninang umaga.


Ngunit ang kagustuhan kong matulog ay tila gumuho nang salubungin ako ng pilyong ngiti ni Vincent. Bumuntong hininga ako at nilagpasan siya.


"Uy grabe, wala man lang hi!" Sinundan niya ako pero hindi ko siya nilingon. "Sorry hindi kita nasundo, may dala ka raw kotse e—"


"Hindi ako nagpapasundo."


"It's the thought that counts. Anyway wala ka nang pasok? Labas tayo,"


"Mamamo labas."


"Mama ko? Wait, Sadie perfect score ka ba?"


Hindi ko siya pinansin. Hindi naman ako iritado sa kaniya, sadyang wala lang akong maramdaman sa presensiya niya. Tamad akong naglakad paakyat ng hagdanan at ang damuho ay nakasunod pa rin.


"Uy tanongin mo 'bakit'"


Nang hindi ako sumagot ay tumikhim siya at nagpatuloy sa kaniyang kahibangan. Mabilis akong nakaakyat at natunton ang pintuan ng aking kuwarto.


"Kasi gusto kitang i-uwi tapos ipagmalaki kay mama. Boom! Saide boom! Sadie! Sadi—"


Isinara ko ang pintuan at kinain ng pader ang boses niya. Napangisi ako nang makita ang kama kaya ipinatong ko ang aking bag sa upoan bago padapang humiga sa kama. Hindi naman kami pumasok ng lab ngayon kaya ayos lang na hindi ako maligo bago matulog. Mamaya nalang pag gising ko at antok na atok na ako.


Alas dos nang mag mulat ako ng mata. Dalawang oras ang naging tulog ko at medyo masakit pa ang ulo ko pag gising. Nagpahinga ako sandali sa kama bago nagpasyang maligo. Hayun at napako na naman ang tingin ko sa aking peklat na walang kasing pangit.


Sinubukan ko namang gamitan ito ng mga sabon, lotion, ointment o kung anu-ano noon pero hindi siya naalis. Siguro kung ipapa scar laser ko ay may pag-asa pa itong mawala pero ayokong may makakita nito maliban kay nanay Ida.


Speaking of nanay Ida, namimiss ko na siya. Hindi ko na siya napapadalhan nitong mga nakaraang araw ah. Kamusta na kaya siya sa Maynila? Dibale, sabado bukas at padadalhan ko siya. Naligo na ako at nagsuot ng army green na turtle neck long sleeves at black leggings. Hanggang sa ilalim ng puwet nagtatapos ang damit ko kaya ayos lang na mag leggings ako.


Naramdaman ko ang pag kalam ng sikmura ko dahil sa gutom kaya't dali-dali na akong bumaba para kumain. Narinig kong nag-uusap sina Sage kasama ang mga kabanda niyang dumating na pala bukod kay Vincent. Dahil madadaanan ang sala papuntang kusina ay hindi maiiwasang matuon sa akin ang atensiyon nila habang nag-uusap.


Nakita kong hinampas ni Sage ng diyaryo ang ulo ni Vincent at nagtawanan sila bago ako tuluyang makapasok ng kusina. Naghanap ako ng makakain at hinayaan ang mga maids na dalhin ito sa lamesa. Kumain ako ng madami dahil gutom talaga ako, nang matapos ay bumalik ako sa sala.


"Nakita mo ba 'yung babae?"


"Hindi, pero si tita Paula galit na galit. Hinahanap si Luke,"


"Oh anong sabi mo?"


"Sabi ko baka nasa kuwarto lang, nagpapa pogi."


Humalakhak sila sa sagot ni Andrei at napatingin ulit sa akin. Pinagtaasan ko sila ng kilay.


"Hi Sadie!" Bati ni Andrei.


Ngumiti at tumango si Ricci habang kinindatan naman ako ni Vincent. Walang gana ko silang tinignan bago tinalikuran at muling umakyat sa kuwarto. Mag-aaral pa ako.


Kinabukasan, nandito na naman si Vincent. Nakabihis ako ng high neck white shirt at black jeans dahil mag-go-grocery ako ngayon para kay nanay Ida. Nakabihis rin si Vincent na animo'y may lakad kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.


"Sabi ko na nga ba gusto mo akong maka date e,"


Inirapan ko siya at diretsong naglakad palabas.


"I think I can make you happy Sadie,"


"Why? You're leaving?"


"Damn."


Ngumisi ako at pinatunog ang mercedes ko bago binuksan, "Uy teka san nga punta mo? Sama ako!"


Binuhay ko ang makina matapos kong isara ang pinto. Humarang naman siya sa harap habang nagmamakaawa akong tinitignan. Tinted ang sasakiyan pero alam niya kung nasaan ang mga mata ko.


Bumusina ako ng dalawang beses pero mariin siyang umiling kaya pinaandar ko na ang sasakiyan at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang muntik na siyang masagasaan.


Inihinto ko ang sasakiyan ilang centimetro ang layo sa paa niya. Gulat na gulat ang kaniyang mukha kaya halos humagalpak ako sa tawa. Binuksan ko ang bintana ng sasakiyan ko at sumigaw.


"Bilisan mo!" Sabi ko at mabilis na isinara ulit.


Nagliwanag naman ang mukha niya at mabilis na sumakay sa front seat. Abot tenga ang kaniyang ngiti habang nag si-seat belt kaya napailing ako at nagmaneho na paalis. Puwede ko siyang gawing taga buhat ng mga bibilhin ko mamaya.


"K-kung hindi lang kita gusto, hindi na ako ulit sasakay dito.." bulong niya nang ihinto ko ang sasakiyan sa isang mall.


Nagtaas ako ng kilay sa halos magutay na niyang mukha. Mahigpit ang kapit sa dashboard at seatbelt habang mabibigat ang kaniyang hininga.


"Puta, ako na mag da-drive mamaya."


"No way, sumama ka kaya panindigan mo 'yan. Baba,"


Wala na siyang nagawa nang bumaba ako at pumasok sa loob. Tila hilo siya kung maglakad kaya lihim akong napapangisi. Dumiretso ako sa grocery store at naghila ng cart. Pinatulak ko iyon sa kaniya habang lagay lang ako ng lagay.


"Akala ko mag de-date tayo, may maids naman kayo bakit ikaw pa gagawa nito?"


"Manahimik ka."


Itinikom niya ang kaniyang bibig. Inabot ng isang oras ang pamimili ko, dalawang cart ang tulak ni Vincent nang makuntento ako at kinailangan pa naming pumila para magbayad.


Gusto ko sanang mag overtake at panlakihan ng mata ang mga naka pila pero naisip ko na masyado na yata akong walang puso kapag ginawa ko iyon, kaya naman ginawa ko pa din.


"Sadie, mauna ka na lang sa sasakiyan kung gusto mo, ako na dito—"


"Shut.. up." Bulong ko nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking nasa harap ko. Siya ang nauuna sa akin at pagkatapos ng nasa harap niya ay siya na kaya gusto ko siyang unahan.


"You don't have to— fuck!"


Tinapakan ko ang sapatos niya at diniinan pa ang paa ko doon. Sakto namang napalingon sa akin ang lalaki sa harapan ko na tila nagulat nang makita kami ni Vincent. Pinagtaasan ko siya ng kilay at sinipat ang cashier, pagkatapos ay ibinalik ko sa kaniya ang mataray kong tingin kaya napalunok siya at hindi malaman ang gagawin.


"G-gusto niyo po mauna na kayo?" Tanong niya na nakapagpangiti sa akin.


Matamis ko siyang nginitian at marahang tumango habang nakahalukipkip kaya naman aligaga niyang binitbit ang basket na naglalaman ng mga pinamili niya at nagtungo sa likod namin.


Hindi na ako nagpasalamat at isinenyas nalang kay Vincent na umusad na siya at huwag nang mag-inarte sa paa niya dahil kami na ang susunod na magbabayad. Nakasimangot naman siyang dumadaing habang pinanlilisikan ako ng mata kaya lumawak ang ngiti ko.


Tinulungan pa si Vincent ng dalawang staff mula sa grocery store na iyon para magbuhat ng mga boxes and plastics patungo sa parking. Nauuna akong maglakad habang nilalaro ang susi sa kamay ko hanggang sa buksan ko ang mercedes na siyang nakapagpatigil sa mga staff. Pinagmasdan pa muna nila ang itim na sasakiyan bago kumilos at ipasok ang mga pinamili ko.


"Salamat ho," rinig kong paalam ni Vincent sa kanila bago sumakay sa front seat.


"Grabe ka dun sa lalaki kanina, konti lang naman ang pinamili niya hindi mo pa hinayaan—"


"Edi sana hindi ka na sumama kung papangaralan mo lang ako,"


Bumuntong hininga siya at tamad na tumingin sa akin.


"Sadie, mas matanda pa rin ako sa'yo—"


"Ng one year? Si Loren nga sampung taon ang tanda sa akin—"


"Exactly. Ang laki ng age gap niyo pero hindi mo siya ginagalang—"


"I respect him."


"Why are you so cold hearted?"


Natigilan ako. Napako ang paningin ko sa mga mata niyang nangungusap at tila pagod. Nakatingin siya sa akin na tila kinakatok ang pagkatao ko. Why am I.. so cold hearted? Am I? Alam kong hindi ako mabait, pero bakit parang iba ang tama sa akin ngayong tinatanong niya kung bakit ako ganito?


Dahil ba nabuhay ako ng walang pamilya kundi si nanay Ida? Dahil namulat ako sa kahirapan at hindi sa karangyaan na ipinagkait sa akin ng tadhana? Dahil ang dami ko nang pinagdaanan at walang puwang ang pagiging mahina? Ayokong maging mabait ulit. Ayokong magpakita ng emosyon dahil sawa na akong umiyak.


Ayoko nang bumalik sa dati na hindi ko alam kung buhay pa ako kinabukasan dahil sumusuko na rin ang emosyon at pag-iisip ko. Ang lahat ng iyon ay naghatid sa akin sa kung ano ang ipinapakita ko ngayon. Matigas. Mailap. Malamig, at mas malakas.


"Puwede ka nang bumaba." Iyon lang ang naisagot ko sa tagal ng pagkakatitig ko sa kaniya.


Marahan siyang umiling habang pagod pa rin na nakatingin sa akin. "Hindi mo kayang buhatin iyon lahat,"


"Kaya ko."


"Huwag ka nang makulit, halika na."


"Bumaba ka sabi—"


"Sadie please." Natigilan ako. "Alam kong hindi ka talaga ganito katigas. Huwag mong pahirapan ang sarili mo dahil baka sa kaka-panggap mo, hindi mo na rin mahanap ang sarili mo."


Humigpit ang kapit ko sa manibela habang tiim bagang akong nakatitig sa kaniya. Walang katiting sa sinabi niya ang hindi totoo. Nag-iwas siya ng tingin at nagsuot ng seatbelt habang ako ay tulala pa rin at iniisip ang sinabi niya.


Sa huli ay tumikhim ako at walang sabing nagmaneho. Lumulutang ang isip sa bawat mga salitang sinambit niya. Sa huli ay hindi naging komportable ang paghinga ko dahil sa hindi maipaliwanag na pagkabahala.


Ipapadala namin ang mga ito sa address ni nanay Ida sa Maynila. May kasama iyong pera at sinulatan ko rin siya dahil hindi siya gumagamit ng cellphone.


Nang makauwi kami ay walang imik ko siyang ibinaba sa mansiyon. Nang hindi ako bumaba ay nagtataka siyang tumingin sa akin.


"Salamat sa pag sama, may lalakarin pa 'ko." Sabi ko na lang at isinara na ang pintuan.


Kumunot naman ang noo  niya sa pagtataka at nakita ko sa bibig niya na tinawag niya ang pangalan ko pero pinaandar ko na ang sasakiyan.


JOJISSI

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 90 14
"I'll wrap you in my arms Gal, night or day... I will never get tired of you... And in any other life time, by chance... I will still wrap my arms in...
7.7M 223K 52
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
20.2K 411 38
FLIGHT ATTENDANT SERIES #2: Chandria Lopez. A brave, terrific, ferocious woman and a good fighter at all. She's the type of woman that don't let anyo...
11.9K 478 17
Julia don't believe in love, not until Aries effortlessly sent her tingling sensations. Eventually, even without trying, she fell. Aries Chase was th...