I'M INTO YOU SEASON 1

By bluereinventhusiast

6.4K 2.1K 1.2K

They say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels l... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Author's Note

Chapter 5

247 124 19
By bluereinventhusiast

5:30 AM

Nagising na lamang ako sa malamig na simoy ng hangin at tila'y hindi ako makatulog, nagulat ako nang makita ko si Ysabel na nakatayo sa may pasilya nitong building.

Agad namang napalingon si Ysabel sa akin at nagsalita.

"Di ka pa makatulog?" usisang tanong ni Ysabel sa akin.

"Oo eh, hindi pa ako makatulog. Sobrang daming bagay lang din talaga ang gumugulo sa isip ko ngayong gabi." kalmadong sabi ko kay Ysabel.

"Ako din, hirap akong makatulog. Tila'y sa isang linggo na nakalipas ay napakaraming naganap sa buhay natin." tulalang sabi ni Ysabel sa akin.

"Wala na talaga akong maintindihan, sa ating apat mukha ako na ata ang susunod na mabibiktima kasi isipin mo lang naman Ysabel. Ikaw nagkaroon ng little misunderstanding ang parents mo tapos tanda mo noong P.E naten? Nadisgrasya ka at nahimatay. Si Nicole naman, si Nathan ay bigla namang nahimatay at isinugod sa ospital tapos malala pa nito wala magbantay at mag-intindi sakanilang magkapatid dahil parehas nasa business trip ang magulang nila tapos si Chezka ang sumunod na nanakawan at sinaktan pa ng holdaper para mawalan ng malay." naguguluhang salaysay ko kay Ysabel ng makaraan ang linggong ito sa amin.

"Hindi na talaga tayo maubusan ng problema no? Sabi nga nila, kung gaano karaming pagsubok o problema ang dala dala mo ganun din ang kalakasan at katapangan mo sa buhay. Hindi mo maiiwasang madapa sa reyalidad ng buhay pero dapat natututo na tayo sa mga pagkakamali natin at natututong bumangon para itama ang lahat." nakangiting sabi ni Ysabel sa akin.

"Lahat naman tayo nahihirapan, lahat tayo napapagod at nasasaktan. Ang pinagkaiba lang natin sa kanila yung iba sumusuko na hindi pa lumalaban." tulalang sabi ko habang nakatitig sa buwan.

"Tama, laban lang palagi. Huwag susuko. Alam ko hindi man marami ang aalalay sayo sa pagbasak mo. Kahit isang tao lang na naniniwala na kaya mo na handa kang saluhin at aalalayan ka kapag nadadapa ka, masasabi ko hangga't may isang tao na nagmamahal sayo. Kakayanin mo kahit nakakapagod, nakakasakit at kahit mahirapan ka kase alam mong may taong may pagmamahal sayo at nakasuporta siya sayo." nakangiting sabi sa akin ni Ysabel.

"Pero isipin mo no? Ang tatag ng mga taong kahit wala yung mga taong sasalo sa kanila kahit bumagsak sila, okay lang sakanila. Nabibilib lang talaga ko sakanila kase nung mga panahon na dapat may sasalo sakanila wala silang ganon." tulala kong sabi kay Ysabel.

"Nagiging negative effect din sa tao dahil doon pwedeng maging bato ang mga puso nila, nagkakaron ng pader na humaharang sa mga makakasalamuha nila. Mawawalan sila ng ganang magtiwala sa mga taong gustong makapasok sa buhay nila." nakangiting paliwanag ni Ysabel sa akin.

"Ang hirap mapunta sa ganoong sitwasyon, kung ako yata yon parang mababaliw ata ako." naguguluhang sabi ko sabay lingon ko sakaniya.

"Maswerte na lang tayo Xei dahil may mga magulang, kapatid at mga kaibigan tayong masasandalan sa oras ng pangangailangan na may aakay satin kapag nadadapa tayo na may gagawa upang makabangon tayo sa pagkakadapa dulot ng problema." nakangiting ni Ysabel sa akin.

"Oo naman Ysabel, sana nga hanggang sa tumanda tayo nina Nicole. Sana walang magbago kahit anong mangyari. Kung may magbago man sana sa mabuting paraan mangyari yon, di ko kayang mawala kayo sa buhay ko. Yun lang isa sa mga masisigurado ko ngayon sa buhay ko." nakangiting sabi ko kay Ysabel.

"Masaya ako sa mga bagay na nae-experience ko kasama kayo na natutunan ko gawin kahit hindi ko pa alam kung paano at masaya ako sa kung anong meron tayong apat. Sana hanggang dulo, tayo pa rin. Hindi mabuwag, walang umalis." nakangiting sabi sa akin ni Ysabel.

"I will pray for this friendship that it will not ends as the time passes by." nakangiting sabi ko kay Ysabel.

"The friendship will lasts longer if we have same connection of our relationship with God." nakangiting sabi ni Ysabel sa akin.

Nakikita na namin ang muling pagsikat ng araw. Napalingon ako kay Ysabel at nakangiti ito sa akin.

"Anong nginingiti mo dyan Ysabel?" nagtataka kong sabi kay Ysabel.

"Wala naman, sumikat na naman ang araw ibig sabihin isang panibagong araw na naman ang haharapin natin." nakangiting sabi sa akin ni Ysabel.

Magsasalita na sana ako ngunit biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Nicole.

"Good morning girls! Ang aga niyo namang magising." nakangiting bati sa amin ni Nicole sabay beso sa amin.

"Good morning! Oo, ang aga ko nga kasing nagising tapos yun biglang sumulpot dyan si Xei kaya nag-kuwentuhan muna kami sa mga bagay bagay at sa mga di inaasahang nangyayari satin." nakangiting bati ni Ysabel kay Nicole.

"Good morning!" nakangiting sabi ko kay Nicole.

Bumukas muli ang pinto at niluwa naman noon ay si Chezka.

"Good morning girls!" nakangiting bati sa amin ni Chezka sabay beso.

"Good morning! Himala, ang aga niyong magising ngayon ah?" nakangiting bati ni Ysabel pabalik kay Chezka.

"Good morning! Tulog na tulog ka buong magdamag ah, bawing-bawi yarn?" nakangiting bati ni Nicole pabalik kay Chezka.

"Good morning! Kamusta ka? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" nakangiting bati ko pabalik kay Chezka.

"Grabe parang ngayong linggo, sunod-sunod ang problema ah. I think we need a vacation sa lahat ng pangyayari. Sobrang occupied ng mga utak natin this week, we need to chill and relax naman." malumanay na sabi ni Chezka sa amin.

"Teka ayos ka na ba talaga Chezka? Baka mamaya kung ano na naman ang mangyari sayo, nag-aalala lang kami." nag-aalalang sabi ni Nicole kay Chezka.

"Girl, chill ka lang. Ayos lang ako, huwag na kayong mag-aalala sa akin okay? Itatanong ko lang, bakit nasa ospital kayo ni Nathan? Hindi mo pa kasi nasasabi sa akin ang mga bagay na yun dahil tulog pa ako at kailangan ko bumawi ng lakas saka pahinga galing sa pinagdaanan ko sa holdaper na yun." usisang tanong ni Chezka kay Nicole.

"Nung umaga tinutulungan ko si Manang magluto para sa breakfast namin ni Nathan pagkatapos ay inasikaso ko na rin ang gamit niya sa school at mga isusuot niya. Pinaligo ko na para makapagbihis na siya ng uniform. Pinababa ko na siya tapos kumain na kami ng breakfast kaya lang noong tatayo na siya bigla na lang siyang bumagsak. Buti nalang at nasalo agad siya ni Manang. Nataranta ako noon kaya tinawag ko agad ang driver namin at nagpunta kami ng ospital kaya habang papunta kami doon ay tinatawagan ko kayong tatlo at si Xeinna ang unang sumagot sa tawag ko tapos ayun binalita ko agad sakaniya ang mga nangyari tapos sumunod si Ysabel ang nakaalam ng tungkol kay Nathan. Hindi ka naman makontak kaya hinayaan ka muna namin tapos ayun nagpa-assist kami sa mga Nurses dito and syempre ayun may mga tests na ginawa kay Nathan tapos ayun dinala kami sa private roon. Noong hindi ka pa nagising kausap na namin ang doctor ni Nathan at sinabing wala namang nakitang masama sa tests ni Nathan kay pwede na siyang ilabas pero dahil gabi na rin kagabi ay sabi ko ngayon ko na lang idi-discharge si Nathan sa ospital." mahabang salaysay ni Nicole kay Chezka.

"Ah ganun ba? Mabuti naman kung ganon at walang nangyaring masama sakaniya,  alam na ba nina Tita't Tito ang nangyari kay Nathan?" usisang tanong ni Chezka kay Nicole.

"Actually hindi ko pa nasasabi kina Mommy at Daddy dahil nasa business trip sila ngayon siguro balak ko naman sabihin sakanila kapag nakauwi na sila dito pero kung may nangyari kay Nathan na hindi maganda sasabihin ko na agad ngayon para malaman na nila kung anong nangyari." malumanay na sagot ni Nicole sa tanong ni Chezka.

"Chezka igagala natin ngayon si Nathan since kalalabas lang niya tsaka pangako namin yun sakaniya na igagala natin siyang apat." nakangiting paalala ni Nicole kay Chezka.

"Ah, yun ba yung kagabing nabanggit sa akin ni Nathan na mamasyal tayo?" nakangiting tanong ni Chezka kay Nicole.

"Oo, yun nga. Si Xeinna kasi ang nagpromise nun kay Nathan na kapag nagpagaling siya agad ipapasyal natin siya kasama tayong tatlo kasi miss na miss na siguro tayo ng kapatid ko. Ang tagal na rin nga kasi nung huling bisita niyo sa bahay namin, namiss niya siguro tayong kalaro since private yung village natin ay walang masyadong bata tapos may curfew pa kaya siguro nasabik satin ang kapatid ko kaya gusto niyang mamasyal at maglaro kasama tayo." nakangiting paliwanag ni Nicole kay Chezka.

"Maganda rin yun para makapagrelax and chill muna tayo sa mga ganap ngayong linggong ito tsaka para makapag-unwind muna tayo, sobrang occupied na natin this week dahil sa lahat ng mga nangyari." nakangiting sabi ko sakanila.

"Tama ka dyan Xei! Sa sobrang occupied natin baka maging absent minded lang tayo sa klase kung pipilitin natin pumasok ngayon." nakangiting sabi ni Ysabel sa aming tatlo.

Absent-minded is someone forgets things or does not pay attention to what they are doing, often because they are thinking about something else. 

It can have three different causes: a low level of attention ("blanking" or "zoning out") intense attention to a single object of focus (hyperfocus) that makes a person oblivious to events around them; unwarranted distraction of attention from the object of focus by irrelevant thoughts or environmental events.

Bumukas muli ang pinto at niluwa nito si Tita Frenchzeiji.

"Good morning anak!" nakangiting bati ni Tita Frenchzeiji kay Chezka sabay yakap dito.

"Good morning Mommy!" nakangiting bati ni Chezka pabalik kay Tita Frenchzeiji sabay yumakap din ng mahigpit.

"Good morning girls! Kamusta mga tulog niyo?" nakangiting bati sa amin ni Tita Frenchzeiji sabay beso.

"Good morning Tita! Okay naman po, medyo ang aga lang pong nagising." nakangiting bati ni Ysabel kay Tita Frenchzeiji sabay beso pabalik.

"Good morning Tita! Okay lang naman po, sakto lang." nakangiting bati ni Nicole kay Tita Frenchzeiji sabay beso pabalik.

"Good morning Tita! Okay lang, maaga din po akong nagising kagaya ni Ysabel." nakangiting bati ko kay Tita Frenchzeiji sabay beso pabalik.

"Namiss ko kayo sa bahay namin girls! Ang tagal niyo rin kasing hindi nagpupunta sa mga bahay ng isa't isa eh." nakangiting sabi ni Tita Frenchzeiji sa aming tatlo.

"Oo nga, welcome naman kayo sa bahay namin anytime girls. Just tell me kung kailan para makapag-prepare lang kami." nakangiting sabi ni Chezka sa aming tatlo.

"Sige kapag okay na ang lahat, magsleep over tayo sa bahay nina Chezka." nakangiting sabi ni Ysabel sa aming lahat.

"Oo nga, namiss ko din kasi ang bonding nating apat na magkakasama." nakangiting sabi ko naman sakanilang lahat.

"O siya siya, pumasok na kayo dito sa loob at bantayan niyo si Nathan. Pupunta lang ako sa baba para bayaran yung bill ni Chezka." nakangiting sabi ni Tita Frenchzeiji sa aming apat.

"Tita, pasabay na po sana nung kay Nathan. Heto po ang bayad, sabihin niyo nalang po sakin kung kulang. Salamat po!" nakangiting sabi ni Nicole kay Tita Frenchzeiji sabay abot ng pera.

Pumasok na kami sa loob ng kwarto at bumaba naman na si Tita Frenchzeiji para magbayad nang naging bill sa ospital.

Nag-kuwentuhan muna kaming apat habang iniintay naming magising si Nathan.

"Ate Nicole!" masiglang sabi ni Nathan kay Nicole sabay yakap ng mahigpit kay Nicole.

"Awww! Good morning Nathan! How was your sleep with Luke?" nakangiting tanong ni Nicole kay Nathan sabay yakap din ng mahigpit pabalik kay Nathan.

"Okay lang naman po Ate, ang lambot niya po Ate. Ang sarap niyang katabi pag tulog tapos yakap-yakap mo siya." nakangiting kwento ni Nathan tungkol kay Luke na bago niyang stufftoy na bigay kahapon ni Nicole sakaniya.

Agad na naputol ang usapan nang bumukas ang pinto at niluwa nito si Tita Frenchzeiji na may kasamang nurse at may hawak na resibo.

Agad na inassist ng Nurse si Nathan upang matanggal ang dextrose nito sakaniyang braso. Nang matanggal ay nagpasama si Nathan kay Nicole sa cr upang umihi muna.

Nang makatapos ay agad na inayos namin ang mga kalat namin sa kwarto pagkatapos ay niligpit na rin namin ang mga gamit namin upang makaalis.

Naglalakad na kami papuntang labas ng ospital upang kumain ng breakfast namin at pumara ng masasakyan.

"Kuya pasakay po kami!" malakas na tawag ni Ysabel sa mga dumadaang tricycle drivers.

Agad namang may humintong isa sa mga tricycle driver at tinanong kung saan ang punta namin.

"Ma'am saan po kayo?" kalmadong sabi ng tricycle driver sa aming lahat.

"Dyan lang po sa SM North." nakangiting sabi ni Ysabel sa tricycle na pinara ni Ysabel.

"Sige po, sumakay na po kayo." nakangiting sabi ng tricycle driver na pinara ni Ysabel.

Agad naman kaming sumakay sa tricycle at nagsimula na itong umandar.

"Saan kaya magandang kumain ng umagahan? Tiyak akong gutom na ang mga kasama namin dahil ni isa satin wala pang kumakain." nakangiting sabi ni Ysabel na katabi ko sa tricycle.

"Wala pa rin akong maisip e tapos ipapasayal pa natin si Nathan diba?" nakangiting sabi ko Ysabel na katabi ko sa tricycle na aming sinasakyan.

"Oo nga pala no? May plano na kaya sina Nicole?" nakangiting sabi ni Ysabel sa akin.

"Tanungin nalang natin pagbaba natin sa tricycle or kaya tanungin nalang natin si Nathan kung saan niya gustong pumunta and magbonding tas sabihin nalang natin doon sa dalawa." nakangiting sabi ko kay Ysabel.

"Ang sarap magbakasyon ngayon no Xei? Siguro naman, sa lahat pinagdaanan natin ay deserve natin mag-unwind kahit sandali man lang diba?" nakangiting sabi Ysabel sa akin.

"Oo naman. Lahat ng tao deserve ng rewward sa pag-survive sa reyalidad ng mundo. Maganda sana kung sa Sabado gaganapin ang vacation natin. Makapag-beach man lang tayo tapos tayo-tayo lang magkakasama sa isang mapayapang lugar, wala munang social media life and all. Makapag-chill and relax muna tayo for a while, taking awesome pictures at yung favorite part ko na paglubog ng araw pagsapit ng ala-sais ng hapon." nakangiting sabi ko kay Ysabel.

"Favorite mo talaga yung scenery ng isang sunset no? Kunsabagay, kung titingnan mo ito ng malalim talagang ma-appreciate mo ang paglubog niya hanggang sa lumitaw muli ang buwan tapos magkaroon ng bituin sa langit tapos ang muling pagsikat ng araw." nakangiting sabi ni Ysabel sa akin.

"Oo naman lalo na kapag naririnig ko ang hampas ng alon sa dalampasigan, sobrang napapakalma ako nito kasabay ang malakas at malamig na simoy ng hangin." nakangiting sabi ko kay Ysabel.

"Ang ganda naman talaga pagmasdan ng paglubog ng araw lalo na kapag kasama mo yung mga taong pinakamamahal mo sa buhay yung tipo na sabay sabay kayong magkuwe-kuwentuhan saka magtatawanan sa napaka-gandang scenery na matatanaw ng mga mata mo." nakangiting sabi ni Ysabel sa akin.

"Sana this week mangyari talaga yung bakasyon na yun, masaya talaga akong makapunta muli ng dagat tapos masaksihan ang paglubog ng araw tapos boodle fight tapos magkakaron tayo ng bon fire o star gazing sa gabi saka kung ano pang magandang activities na pwedeng gawin." nakangiting sabi ko kay Ysabel.

"Tanungin na lang natin dun sa dalawa kung payag sila tapos kung pwede magsama pa tayo ng iba para mas marami, mas masaya diba? Planuhin natin kung saan tsaka kailan saka yung mga kailangan nating dalhin kung sakali papayagan tayo sa bakasyon." nakangiting sabi ni Ysabel sa akin.

"Mahaba pa naman ang week na darating kaya mapapagplanuhan pa natin ang lahat para masagawa natin ang bakasyon na gusto nating mangyari. Nararamdaman ko rin naman papayag din ang dalawang yun dahil talaga namang sobrang nakaka-stress at nakakapagod itong sitwasyon natin nitong mga nakaraang araw!' nakangiting sabi ko kay Ysabel.

"Tama ka! Ang daming nangyayari na tila'y parang naubos ang lakas ko sa lahat ng pinagdaanan natin. Buti nalang hindi tayo pinapabayaan ng Diyos kahit anong mangyari satin diba? Basta manalangin lang tayo Sakaniya at sigurado akong hindi tayo mapapahamak." nakangiting sabi ni Ysabel sa akin.

"Thankful pa rin ako kay God dahil kahit ang dami-daming nangyayari ay hindi niya tayo pinabayaang apat lalo na yung pamilya natin, lagi silang malusog at malakas. Pagsubok lang ito, kakayanin natin ito ng magkakasama." nakangiting sabi ko kay Ysabel.

Agad namang naputol ang usapan dahil sa paghinto ng tricycle na sinakyan namin.

"Mga Ma'am, nandito na po tayo sa mall." magalang na sabi ng tricycle driver sa amin.

Agad naman kaming nagsisibabaan nina Ysabel sa tricycle matapos sabihin ng tricycle driver na nandito na kami sa mall.

"Heto po ang bayad." inilahad ni Tita Frenchzeiji ang bayad.

"Ngunit Ma'am sobra-sobra naman po itong binigay niyong bayad, heto po ang sukli." nahihiyang sabi ng tricycle driver kay Tita Frenchzeiji.

"Tanggapin mo na yan Kuya, alam kong kailangan yan ng family mo." singit ni Chezka sa usapan ng tricycle driver at ni Tita Frenchzeiji.

"Maraming-maraming salamat po mga Ma'am, napakabubuti niyo po. Pagpalain po sana kayo lalo ng Diyos." nakangiting sabi ng tricycle driver sa aming lahat.

"Walang anuman po yun Kuya, masaya po kaming nakatulong kami kahit sa maliit na bagay lamang. Maraming salamat din po sa paghatid samin ng safe dito sa mall, ingat po kayo lagi sa pagmamaneho." nakangiting sabi ni Chezka sa tricycle driver.

Agad na nagmaneho papalayo ang tricycle driver na naghatid sa amin at kita namin ang ngiti sakaniyang labi dahilan siguro ng tip namin sakaniya kanina sa paghatid samn ng safe dito sa mall.

Naglakad na kami nina Tita Frenchzeiji, Chezka, Nicole, Ysabel at Nathan paloob ng mall.

"May balak ka na kung saan natin ipapasyal si Nathan?" kalmado kong tanong kay Nicole habang naglalakad kami paloob ng mall.

"Wala pa nga akong naiisip, kayo ba?" kalmadong sabi ni Nicole sa amin.

"Wala pa din saka mamaya kapag nakahanap na tayo ng makakainan, may sasabihin kami sayo ni Ysabel tsaka kay Chezka." nakangiting sabi ko kay Nicole.

"Sige lang. For now, humanap muna tayo ng makakainan kasi talagang nagugutom na ko kanina pa talagang kumukulo ang tiyan ko sa gutom." nakangiting sabi ni Nicole sa akin nang makapasok na kami sa entrance ng mall.

Nag-stroll muna kami sa mall hanggang sa nakahanap na kami ng makakainan. Sa wakas, makakain na din kami ng breakfast sa layo ng narating namin.

Pumasok na kami sa loob ng The Coffee Bean and Tea Leaf upang humanap ng table tapos umorder ng kakainin namin for breakfast.

Agad naman kaming inassist nitong guard para pagbuksan ng pinto kaya agad kaming binati ng crew nila doon pagkatapos ay inihanap kami ng mauupuan at binigyan kami ng menu upang makapili na kami ng oorderin namin sa food at drinks nila dito.

Pinagmasdan ko naman ang menu ng The Coffee Bean and Tea Leaf. They have coffee, tea, ice-blended and their gourmet offerings.

"Anong gusto niyong orderin?" nakangiting tanong ni Tita Frenchzeiji sa aming lahat.

"Egg Ben and Coffee Mocha Latte po Tita." nakangiting sabi ni Nicole kay Tita Frenchzeiji.

"Brek O'Day and Moroccan Mint Tea Latte po Tita." nakangiting sabi ni Ysabel kay Tita Frenchzeiji.

"Ham and Cheese Croissant and Hot Vanilla po Tita." masiglang sabi ni Nathan kay Tita Frenchzeiji.

"Blueberry Bagel with cream cheese and Caramel Macchiato po Mommy." nakangiting sabi ni Chezka kay Tita Frenchzeiji.

"Sardine and Garlic Linguine Pasta and Pure Hazelnut Chocolate po Tita." nakangiting sabi ko kay Tita Frenchzeiji.

Tinawag na ni Tita Frenchzeiji ang isang crew upang ibigay ang aming order sakanila.

"Ma'am what's your orders for today?" nakangiti ngunit magalang na tanong ng crew kay Tita Frenchzeiji habang isa isa kinukuha ang menu na ibinigay nila kanina sa amin.

"1 Egg Ben and Coffee Mocha drink, 1 Brek O'Day and Morrocan Mint Tea Latte drink, 1 Ham and Cheese with Hot Vanilla drink, 1 Blueberry Bagel with cream cheese and Caramel Macchiato drink, 1 Sardine and Garlic Linguine Pasta with Pure Hazelnut Chocolate drink." nakangiting sabi ni Tita Frenchzeiji habang isa-isa niyang inoorder ang mga pagkain na nais namin.

"Okay Ma'am. May I repeat your order? 1 Egg Ben and Coffee Mocha drink, 1 Brek O'Day and Morrocan Mint Tea Lattedrink, 1 Ham and Cheese with Hot Vanilla drink, 1 Blueberry Bagel with cream cheese and Caramel Macchiato drink, 1 Sardine and Garlic Linguine Pasta with Pure Hazelnut Chocolate drink. Did I get it right Ma'am?" nakangiti ngunit magalang na tanong ng crew na ito kay Tita Frenchzeiji.

"Yes. You got my orders right!" nakangiting sabi ni Tita Frenchzeiji sa crew.

"Okay Ma'am, your food and drinks will be served in a couple of minutes. Thank you." nakangiting sabi ng crew sa amin.

Agad na nagtungo ang crew na iyon sa counter upang ibigay ang mga orders namin at maihatid ang orders namin sa chef nila and para makwenta ang bill namin.

"So, ano bang sasabihin mo kanina Xeinna?" malumanay na tanong ni Nicole sa akin.

"Nagbabalak sana kaming mag-beach tayo this week. Mag-chill and relax muna tayo sa mga nagdaang nangyari, I think we deserved naman na magbakasyon kahit saglit lang diba? Paalam muna tayo sa parents natin at kung sakali ay mag-sama tayo ng iba para mas marami, mas masaya." nakangiting sabi ko kay Nicole.

"Tara mag-beach this week, paalam lang ako kay Mommy! Tutal nandito na rin naman siya, edi di-diretsuhin ko na siya sa magiging plano nating bakasyon." nakangiting sabi sa akin ni Chezka.

"This week napag-isipan namin nina Xeinna na magkaroon ng bakasyon muna. Sa beach, will you allow me to go with them Mommy?" nakangiting paalam ni Chezka kay Tita Frenchzeiji.

"As long as wala naman kayong gagawing mali na magdadala sainyo sa kapahamakan, edi sige. Walang problema, I will allow you." nakangiting sabi ni Tita Frenchzeiji kay Chezka.

"Mababait kami Tita, we just want to unwind kahit sandali lang." nakangiting sabi ni Ysabel kay Tita Frenchzeiji.

Naputol ang aming planong usapan para sa bakasyon ng i-serve na sa amin ang food and drinks na inorder namin kanina.

Kumain na kami at nagkwentuhan tungkol sa plano naming bakasyon, excited na kami kung saan man kami mapadpad.

It's better to see something at once than hear about it on a thousand times.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so I can read it! Lovelots!

Ps. I've been busy this past few weeks so I don't have updates. I hope that y'all understands me. Thank you and All His Glory. I'll make it up to you guys.

Your author, bluereinventhusiastwp

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 91 40
Joey's dream was to become a basketball star. She's willing to do everything in order to get that. Even though she come to the point that she would h...
146K 5K 29
Historia #2 Penelope Andrea Smith Odysseus Miller Date started: May 21, 2020 Date finished: June 27, 2020
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
9.4K 149 18
It's fun to play but to play with others' life is not fun anymore. What if, there's the time when you will be the PLAYER in this Game of Death... Wha...