Chapter 63

34 2 3
                                    

4:52 PM

"Noong kabataan ko, isa sa mga pangarap ko ang maging tatay. Magkaroon ng buo at masayang pamilya. Bata pa lamang ako, namulat na ako sa katotohanang hindi lahat ng nagpapakasal ay mahal ang isa't-isa. Hindi lahat ng nagsasama sa isang bahay ay palaging masaya. Sa paglipas ng panahon, nagiiba tayo ng gusto at landas natin sa buhay." kalmadong kwento ni Tito Marcus.

"Habang tumatanda ako, naging iba ang pananaw ko sa pagmamahal noong nakilala ko si Cara. Nagsimula kami sa pagiging mag-bestfriends, nagligawan at naging mag-kasintahan. Siya lahat ang naging kasama ko sa buhay. Iniisip ko, siya na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Siya ang gusto kong maging ina ng anak ko. Siya ang lahat-lahat sa akin." dagdag pa niya.

Paano siya nagawang lokohin ni Tita Cara?

Grabe ang pagmamahal ni Tito Marcus para sa asawa niya.

Halatang mahal na mahal niya pa pero wala na talaga siyang magagawa.

Kailangan niyang unahin kung paano sila mabubuhay ng anak niya.

Kailangan niyang matuto kung paano magpalaki ng isang bata.

Kung paano maging isang ama.

Hindi man madali ang proseso kung paano maging ama sa anak niya.

Alam kong magiging mabuting tao si Cassius.

"Pero nagawa ka pa rin niyang lokohin? Kahit sinong babae, papangarapin ang isang tulad mo na maging asawa at maging ama ng mga anak niya." malumanay kong sabi kay Tito Marcus.

"Gusto kong mabuo ang pamilya namin pero hindi na pwede. Masaya na siya sa bago niyang binuong pamilya. Balang araw, ipaliliwanag ko kay Cassius ang mga nangyari. Sana maintindihan niya ang lahat-lahat paglaki niya. May mga bagay talagang kapag hindi para sa atin, hindi para sa atin. May mga bagay na kayang patawarin pero hindi para pabalikin sa buhay ng isang tao." nakangiting sagot ni Tito Marcus.

"Pero paano po yun? Kasal po kayo sa papel pero may iba siyang pamilya?" malumanay kong tanong kay Tito Marcus.

Marriage is the beginning of the family and a life-long commitment. It also provides an opportunity to grow in selflessness as you serve your wife and children. Marriage is more than a physical union; it is also a spiritual and emotional union. This union mirrors the one between God and His Church.

God considers marriage to be an agreement between a husband and a wife as well as a commitment between the couple and Him. He expects us to dedicate ourselves to the relationship, and to recognize our responsibilities, duties and loyalties both to our spouse and to God.

The purpose of marriage is to ensure the rights of the partners with respect to each other and to ensure the rights and define the relationships of children within a community.

"Nag-file na siya ng annulment para mapawalang-bisa ang kasal namin. Sa ngayon, kasal lang kami sa papel pero sa puso namin. Hindi na." nakangiting sagot ni Tito Marcus.

"Pero mahal mo pa siya Tito Marcus? Umaasa ka pa rin ba na mabubuo ang pamilya niyo ni Tita Cara?" malumanay na tanong ko kay Tito Marcus.

"Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sakaniya. Noong una, umaasa ako na mabubuo pa rin ang pamilya natin kahit paano pero ngayon natanggap ko na hindi talaga kami para sa isa't-isa." nakangiting sagot ni Tito Marcus.

"Eh paano po si Cassius? Ano ang naging usapan niyo Tita Cara para sa bata?" malumanay kong tanong kay Tito Marcus.

"Kung may communication man kami ni Cara, yun ay dahil napag-usapan namin na magkaroon ng co-parents relationship. Kahit para lang sa anak namin, gusto ko pa rin ma-feel niya na kahit nag-separate yung magulang niya. Hindi nawala ang pagmamahal namin sakaniya ng nanay niya." nakangiting sagot ni Tito Marcus.

I'M INTO YOU SEASON 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang