Chapter 46

27 11 2
                                    

Trigger Warning : Some scenes and language may not suitable for very young readers. Read at your own risk.

3:14 PM

Nagulat ako nang i-abot niya sa akin ang bulaklak at ngumiti lamang siya ng malapad sa akin.

"Paano ka nakabili ng bulaklak? Lagi mo naman akong kasama kanina ah." naguguluhang sabi ko sakaniya.

"Noong nakatulog ka." maikli nitong sagot sa akin.

"Maraming salamat sa bulaklak!" nakangiting pasasalamat ko sakaniya.

"Sabi nila, nagiging daan daw ang pagbibigay ng bulaklak sa isang pasyente upang maka-konekta sila sa kalikasan. Nakakatulong ito upang maging mas mabuti ang pakiramdam nito. Ang mga bulaklak ay maaring magsilbing distraksyon mula sa sakit." nakangiting kwento niya sa akin.

"Ahh, ganoon ba? Ang ganda talaga ng mga bulaklak pagkatapos ay meaningful pa." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Kasing ganda mo." nakangiting puri nito sa akin.

Hindi talaga siya paawat sa mga hirit niya! Grabe ha!

"Pero mas naging meaningful ang araw na ito dahil sayo." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Naks! Saan nga pala kita ihahatid?" nakangiting tanong niya sa akin.

Sinabi ko sakaniya ang address ko at naglakad kami malapit sa sakayan ng jeep.

"Walang jeep pa ang nabalik, paano kaya yan?" nagaalalang tanong ko sakaniya.

"Edi pumara tayo at sumabit sa jeep, why not?" natatawang sagot niya sa akin.

"Sure ka ba? Kaya mo sumampa ng jeep?" paninigurado ko sakaniya.

"Oo naman, ilang taon na din naman akong nagco-commute. Madalas kapag rush hours, ang daming nasakay. Siksikan talaga. May mga oras pang makikipaggitgitan ka sa mga pasahero. Sanay ako diyan, wag kang magalala." nakangiting sabi niya sa akin.

"Ilagay mo yung backpack mo sa harapan mo, mahirap na. Mamaya may kasabay pala tayong magnanakaw. Mabuti na yung nagiingat tayo kahit saan man tayo mapunta." malumanay na utos ko sakaniya.

Sinunod naman niya kaagad ang utos ko. Nilagay niya ang backpack niya sa harapan at inayos ang kaniyang posisyon.

"Ayan ayos na master! Solve ka na ba?" nakangiting sabi niya sa akin.

"Master ka diyan! Tumingin ka sa daan, mamaya maiwan tayo ng jeep na paparahin natin." tumingin lang ako sa daan upang magabang-abang ng jeep.

Ilang minuto pa kaming nag-antay at pinara na ang jeep na dumaan sa kalsada.

Sumampa agad kami ni Czheandrei para makasakay ng jeep.

"Ano, ayos ka lang ba diyan sa posisyon mo?" kalmadong tanong niya sa akin.

"Hirap, medyo masikip. Titiisin ko na lang, gusto ko nang makauwi." nahihirapang sagot ko sakaniya.

"Si tiis naman. Palit na lang tayo ng pwesto, mas komportable dito." kalmadong sabi niya sa akin.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagaalala sa akin pero hindi ako pumayag.

Matitiis ko pa naman ito hanggang mamaya.

Normal lang na siksikan talaga sa jeep kapag maraming pasahero.

"Huwag ka ng makulit, ayos lang sa akin." nakangiting sagot ko sakaniya.

"Makulit ako, halika dito ka na." nakangiting alok nito sa akin.

Sa bandang huli ay wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang alok niya.

I'M INTO YOU SEASON 1Kde žijí příběhy. Začni objevovat