Chapter 44

22 9 4
                                    

9:30 AM

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang camera.

Nagpicture ako kasama siya habang tulog.

Nagulat ako ng biglang minulat niya ang kaniyang mata.

"Hey Miss, that's illegal. You may capture my heart." nakangiting sabi niya sa akin.

"Wag ka nga, mamaya may magagalit!" namumulang sagot ko sakaniya.

"Galawan niyo talaga, sinong magagalit? Wala akong girlfriend, I am still single. Para-paraan ka ha!" natatawang sabi niya sa akin.

"Heh! Wala akong interest sayo. Assuming ka rin eh no?" pinandilatan ko siya ng mata at sinamaan ng tingin.

"Sa itsura mong yan, isa ka sa mga studies first na babae sa mundo. Hindi ka pa siguro naiinlove." nakangiting sabi niya sa akin.

"Gusto kong makapagtapos ng pagaaral ko at marami akong plano sa buhay." seryosong sagot ko sakaniya.

"That's my girl. Okay lang kahit matagal akong maghintay para makapang-harot pa ako sayo lalo." sabay kindat sa akin.

Kakaiba talagang mag-isip ang katulad niya.

Ganito ka ba talaga?

"Magtigil ka nga, ang landi-landi mo na." naiinis na sabi ko sakaniya.

"Sayo lang HAHAHAHA!" natatawang sagot niya sa akin.

"Tigilan mo na nga yang panlalandi sakin, di ka nakakatuwa." naiiritang sabi ko sakaniya.

"Bawal ba lumandi sayo? May magagalit? Well, wala akong paki sa magagalit." natatawang sagot niya sa akin.

"Wala pero ayoko ng nilalandi mo ako." seryosong sabi ko sakaniya.

"Pero gusto ko." seryosong sagot niya sa akin.

"Manahimik ka na nga." suway ko sakaniya.

"Di ako nanglalandi, gusto ko ako yung nilalandi pero kapag nilandi kita? You're that special." sabay kindat sa akin.

"So dapat ako pa ang thankful na nilandi mo ako? Sorry, hindi kita type." maarteng sabi ko sakaniya.

"Eto naman, mag-usap na lang tayo ng matino." kalmadong sagot niya sa akin.

"Anong paguusapan?" malumanay na tanong ko sakaniya.

"Future nating dalawa." natatawang sagot niya sa akin.

"Alam mo kung wala kang magandang sasabihin, itikom mo na lang yang bibig mo." masungit na sabi ko sakaniya.

"Ikaw." seryosong sagot niya sa akin.

"Anong ako?" naguguluhang tanong ko sakaniya.

"Sabi mo magsabi ako ng maganda, ikaw. Ang ganda mo!" nakangiting sagot niya sa akin.

"Ganiyan ka ba talaga CJ?" nahihiyang sabi ko sakaniya.

"Now you call me CJ, that's cute." nagpapa-cute na sagot niya.

"Ang haba-haba ng pangalan mo sa ID. Pwede namang nickname na lang." pagdadahilan ko sakaniya.

"Tiningnan mo pala ang ID ko habang natutulog ako. Nice meeting you Miss President!" sabay lahad ng kamay niya for shake-hands.

"Kilala mo ako?" nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napatakip ng bibig.

Natawa siya sa reaksiyon ko.

"Sino ba namang hindi makakakilala sa magandang President ng Lunar Crescent na nagco-comment sa live ko? Hmmm?" nakangiting sabi niya sa akin.

He knew.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now