Chapter 90

17 1 5
                                    

Trigger Warning : Some scenes and language may not suitable for very young readers. Read at your own risk.

4:45 PM

Magsisi-uwian na dapat kami ngunit may isang estyudyanteng lumapit sa akin at pinapatawag daw ako sa faculty.

"Gusto mo samahan na kita?" nakangiting tanong sa akin ni Czheandrei.

"Huwag na, intayin niyo na lang ako sa may gate. Mabilis lang ako sa faculty, don't worry about me okay?" nakangiting sagot ko kay Czheandrei.

"Sure ka ah? Mauuna na kami sa may gate, iintayin kita doon. Bilisan mo ha? Baka mamiss kita agad." nakangiting hirit ni Czheandrei sa akin.

"Eto naman! Napaka-clingy mo eh no? Sige na, umuna na kayo." nakangiting sagot ko kay Czheandrei.

Naglakad na sila palabas at ni-lock ko muna ang Student Council Office bago ako magpunta sa faculty.

Noong naglalakad ako papuntang faculty ay may nagtakip ng mga mata ko at bibig ko. Sapilitan nila akong hinila at kinaladkad kung saan.

Mahigpit ang mga pagkakahawak nila sa akin kaya ang hirap kumawala dito.

Dinala nila ako sa isang madilim na parte na likod ng gymnasium namin.

Ini-upo ako ng mga taong may hawak sa akin sa may silya at itinali ang mga kamay saka paa ko para hindi na ako makawala.

Narinig ko ang mga malalakas na tawa ng mga lalaki't babae na nasa paligid ko kahit hindi ko sila nakikita.

Ilang minuto pa ay nakita ko na ang mga mukha ng mga traydor. 

You can't cancel the queen and king.

A play and an execution.

We were built to beat the best. We've got the DNA to pass on and change the game for a victory.

"Are you enjoying your victory? Sulitin mo na yan dahil iisa-isahin na namin kayo!" natatawa ngunit may gigil niyang sabi sa akin pagkatapos ay tinanggal niya ang tape sa bibig ko.

"Hindi pa kami nage-enjoy, may mga tao pa kasing katulad niyo na hindi matanggap ang pagkatalo. Trying-hard masyado maging top sa school." nakangising sabi ko kay Petianna.

Nakita ko ang baseball bat at inabot ito ni Sylvien kay Petianna upang ihampas sa akin ng malakas.

"Don't talk to me like that! I am the real queen here not you!" pinaghahampas niya ako ng baseball bat at kaagad naman itong namula.

"Real or self-proclaimed queen? It's different sweetheart! Bumalik ka muna sa elementary. Mukhang wala kang pinag-aralan eh!" natatawang biro ko kay Petianna.

"Huwag mong kakausapin ng ganiyan ang girlfriend ko! Wala ka sa teritoryo mo." seryosong sabi sa akin ni Sylvien.

"Wala talaga ako sa teritoryo ko. Ako ay isang angel sa langit, kayo mga demonyo sa impyerno." natatawang biro ko kay Sylvien.

Lumapit sa akin si Sylvien at hinawakan ako sa leeg upang sakalin ng mahigpit. Pinigilan naman siya ni Dominic dahil baka mapatay niya ako kapag nawalan ako ng hangin sa katawan.

"Oh tinatamaan ka Sylvien? Palibhasa kasi plastic ka. Madaling masunog ng maapoy na salita." tumingin ako sakaniya at inasar-asar ko siya gamit ang aking facial expression.

"Matapang ka ha? Huwag mo akong igaya kay Dom na naawa sa mga babae dahil wala akong puso para sa mga katulad mo." maangas na sabi sa akin ni Sylvien.

"Talaga lang ha? Bagay nga talaga kayo ni Petianna. Parehas kayong alagad ni Satanas!" nakangiting asar ko kay Sylvien.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon