Chapter 26

21 12 5
                                    

9:18 AM

"Kamusta naman ang bakasyon niyo mga anak? Naghihintay kami ng mga kwento niyo." nakangiting sabi ni Mommy sa amin.

"Intayin niyo na lang po kami ni Kuya pagkatapos naming magbihis ng pambahay. Aayusin lang din po namin yung mga maletang dinala namin." nakangiting paalam ko kina Mommy pagkatapos ay umakyat ng hagdan papuntang kwarto.

Dala-dala ko ang maleta kong napaka-bigat at agad naman iyong napansin ni Kuya.

"Gusto mo bang tulungan na kitang buhatin yang maleta mo. Sobrang bigat niyan oh!" nagaalalang sabi ni Kuya sa akin.

"May dala ka din Kuya, alam kong mabigat din yan. Hayaan mo na ako dito at akong bahala sa maleta ko. Mauna ka na sa taas." nakangiting sagot ko kay Kuya.

"Hindi Xeinna! Ako na ang magbubuhat niyan, ang bigat-bigat oh. Hindi ka ba naaawa sa mga maliit at payat mong braso?" sabay kuha ng mga maleta habang buhat-buhat ito papunta sa aking kwarto.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa pag-akyat sakaniya.

Huminto kami ni Kuya sa aking kwarto pagkatapos ay binuksan ko ang pinto. Umalis na si Kuya pagkatapos kong hilahin ang maleta papunta sa loob sa aking kwarto.

Naligo at nakapag-ayos naman na ako sa resort bago kami umalis kaya nagpalit na lang ako ng pambahay at hinubad ang pang-alis.

Kumuha ako ng white t-shirt na kaunti lang ang design pagkatapos ay isang maong shorts. Sinuot ko naman ito kaagad.

Nilagay ko ang pinag-hubadan ko ng damit sa isang lagayan ng malibag kong damit.

Umupo ako sa may sahig at inihiga ang aking maleta upang buksan at ilabas ang mga pasalubong ko para kina Mommy at Daddy.

Nagsimula na akong magbalik ng mga damit at gamit kong hindi naman masyadong nagalaw ang pagkakatupi.

Nilagay ko ang mga damit ko sa aking cabinet at doon sa isang lalagyan ay ang mga sapatos at sandals na ginamit ko.

Nilagay ko naman ang mga necessities sa aking cr. Yung ibang gamit ko naman ay ibinalik ko lang sa pagkakalagay.

Sa ilang oras na pagliligpit ng mga gamit ko sa maleta at natapos rin ako.

Nilagay ko ang maleta ko sa gilid ng mga cabinet. Kinuha ko ang mga pasalubong ko kina Mommy at Daddy pagkatapos ay dala ko rin ang camera at phone ko para mapakita ko yung documentation ko sa vacation namin.

Bumaba na ako pagkatapos ay naabutan ko si Kuya na pababa na rin ng hagdan.

Sabay na kaming bumaba at nagpunta ng sala.

"Mommy, eto po yung pasalubong ko para sainyo." inabot ko yung hinabing bag na gawa sa kahoy at mga food delicasies ng lugar na pinuntahan namin.

"Maraming salamat anak! Napaka-ganda naman ng bag na binigay mo sakin! Natitiyak kong masasarap din ang mga food delicasies na dala mo." nakangiting sabi ni Mommy habang kinukuha ang mga pasalubong na bigay ko sakaniya.

"Daddy, eto po yung pasalubong ko para sainyo." inabot ko yung cap at t-shirt na gawa ng mga tao doon tsaka food delicasies ng lugar na pinuntahan namin.

"Maraming salamat anak! Napaka-ganda ng fit ng mga t-shirt at cap sa akin. Sobrang sakto lang. Mukhang masarap din yung mga pagkaing dala ninyo ah." nakangiting sagot sabi ni Daddy habang kinukuha ang mga pasalubong na bigay ko sakaniya.

"You're welcome Mommy and Daddy! Salamat po sa pag-payag na kahit paano po ay makapag-relax at unwind muna kami kahit sandali." nakangiting sagot ko sakanilang dalawa.

Sumunod naman si Kuya na nagbigay ng mga pasalubong niya kina Mommy at Daddy.

Matapos namin magbigay ng mga pasalubong ni Kuya ay agad kong ipinakita ang mga kuha namin sa lugar at ang bond na nabuo namin.

I'M INTO YOU SEASON 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang