Chapter 25

30 11 10
                                    

7:45 PM

"Oh bakit ka ganiyan makatingin? May dumi ba sa mukha ko?" inosenteng tanong sa akin ni Trevyn.

Natawa ako nang bahagya ng makita ang reaksyon niya.

"Wala, gusto lang kitang titigan habang papalubog ang araw." nakangiting sagot ko kay Trevyn.

"Natatandaan mo pa ba noong mga bata tayo? Yung pumupunta tayo sa may malapit na dagat tapos may mga dala tayong gatas na may choco. Sobrang nakaka-miss ang mga araw na doon lang umiikot ang mga mundo natin. Yung wala kang prino-problema sa bawat araw na nalipas." nakangiting sabi ni Trevyn sa akin.

"Totoo. Kapag tumatanda ka na ay unti-unti mo ng nakikita ang reyalidad ng mundo. Marami kang bagay na makakaligtaan lalo na kung wala kang alam pero at the end of the day, you'll learn something and grow like a beautiful flower." nakangiting sagot ko kay Trevyn.

"That's why I love talking to you." nakangiting sabi ni Trevyn.

"Heh! Tara na nga! May gagawin pa daw tayong activities sabi ni Kuya." namumulang sagot ko kay Trevyn.

Nag-sagwan si Trevyn at inalalayan ako pagbaba ng bangka.

"How's the ride?" kalmadong tanong ni Kuya Zach.

"Masaya naman Kuya Zach, marami kaming napag-usapan ni Trev. Nakapag-bonding din kami kahit saglit sa bangka. Ang ganda ng sunset pagkatapos ay marami kaming nakuhang pictures." nakangiting sagot ko kay Trevyn.

"Oo nga, sobrang lap-" tinakpan ko ang bibig ni Ysabel para patahimikin ang napaka-ingay niyang bunganga.

"Hoy ano yan, may tinatago na naman kayo no? Sabihin niyo na ang chika, tayo-tayo lang naman." mapanuksong sabi sa akin ni Nicole.

"Wala! Sobrang daldal lang talaga ni Ysabel. Kung ano-ano sinasabi." buntong-hiningang sagot ko kay Nicole.

"Totoo naman kasi, sobrang lapi-" tinakpan ko ulit ang bibig niya dahil napaka-ingay niya.

"Ang dami mong chika Ysabel ha. Eme." natatawang saway ko kay Ysabel.

"Opo master, tatahimik na ako para sa ikakabuti ng kaluluwa mo." natatawang sabi sa akin ni Ysabel.

"Okay, sino ba naman kami para sabihin yung chika? Parang di kaibigan at kapamilya e no?" mala-sadboy na sabi ni Kuya Zach upang ako ay mautas ng pagtawa.

"Ako nga na kapatid hindi sinabihan, kayo pa? Nagdadalaga na talaga siya, ayaw ng sabihin secrets kay Kuya." malungkot na sabi sa akin ni Kuya.

"Magsi-tigil nga kayo! Wala lang yun, wag na kayo nagooverthink. Nakakabawas pogi yan. Sige kayo." natatawang biro ko kay Kuya at Kuya Zach.

"Mga sadboy na sila ng taon HAHAHAHA!" natatawang biro ni Yohannes kina Kuya at Kuya Zach.

"Grabe kayo ah, gusto lang naman namin malaman ang chika. Ysabel spill it!" nakangising sabi ni Kuya Zach kay Ysabel.

Tinignan ko si Ysabel at pinapahiwatig na huwag sabihin ang mga nakita niya kaya umiling lamang ito kay Kuya Zach.

"Ay ang dadamot ha! Minsan lang chumika sainyo." nagtatampong sabi ni Kuya Zach sa amin.

"Wag ka na magtampo Kuya Zach, walang susuyo sayo remember?" natatawang biro ko kay Kuya Zach.

Tawang-tawa lang si Kuya Zach na tila'y nakaka-relate sa sinabi ko.

"Totoo naman, wala pa kasing dumating na tamang tao." malungkot na sagot ni Kuya Zach sa akin.

"Kapag hindi kayo nagwork sa isang relasyon ibig sabihin noon ay hindi kayo para sa isa't-isa. Sa pag-ibig walang tama o maling tao. Sa buhay lang natin ay may nakatakdang umalis at dumating. Hindi natin mapipigilan yun." nakangiting sabi ko kay Kuya Zach.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now