Chapter 7

199 116 11
                                    

6:15 AM

Isang maliwanag na sinag ng araw ang gumising sa akin sa pagkakatulog, narinig ko agad ang mga kaluskos galing sa ibaba na tila'y naghahanda na ng pagkain si Mommy upang makain na namin sa breakfast.

Agad akong bumangon pagkatapos ay nagpunta ng cr upang mag-hilamos at ayusin ang aking mukha mula sa pagkakatulog nang mahimbing kagabi.

Narinig ko ang sigaw ni Kuya na tila'y ginigising na naman ako sa pagkakatulog.

"Xeinna bangon na diyan! Mag bre-breakfast na tayo!" malakas na sigaw ni Kuya mula sa aking kwarto.

"Opo Kuya! Bababa na din ako, mauna ka na. Susunod ako." malakas kong sigaw na tugon kay Kuya.

"Sige! Bilisan mo dyan!" malakas pa ring sigaw ni Kuya.

Agad ko nang inayos ang aking sarili at binuksan ang aking pinto. Lumabas at bumababa na ako ng hagdan upang pumunta sa kusina upang makasabay na ako sakanila sa breakfast.

"Oh anak gising ka na pala! Good morning." sabay beso sa akin ni Mommy.

"Good morning Mommy!" sabay beso din pabalik kay Mommy.

"Good morning Daddy!" sabay beso kay Daddy na nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape.

"Good morning Princess!" sabay beso pabalik ni Daddy sakin.

"Oh siya siya, heto na kumain na tayo. Tapos na kong mag-hain ng mga niluto ko." malumanay na sabi ni Mommy sa amin.

"Xennus, lead the prayer." malumanay na sabi ni Mommy may Kuya.

"In the Name of The Father and of the Son and of the Holy Spirit." kasabay nito ang pag-Sign of the Cross ng lahat.

"Bless us O'Lord and these thy gifts which we are about to receive from thy bounty through Christ, Our Lord. Amen." taimtim na dasal ni Kuya at nag Sign of the Cross muli.

"O tara na, kumain na tayo. Heto ang pagkain." malumanay na sabi ni Mommy habang iniaabot ang mga pagkain samin.

Agad kong kinuha ang pancakes na luto ni Mommy at nilagyan ito ng butter saka mapple syrup, kumuha din ako ng tatlong bacon strip para sa aking breakfast today.

Kinuha naman agad ni Kuya ang kanin atkumuha rin ng egg saka bacon para naman sakaniyang breakfast today.

Kinuha naman ni Daddy ang tinapay at pinalamanan ito ng egg dahil nagkape na siya kanina.

Si Mommy naman ay kinuha ang salad niya kinakain tuwing umaga para sa kaniyang breakfast araw araw.

Agad namang nagsalita si Mommy at kinamusta kami ni Kuya about schooling namin.

"Xeinna tsaka ikaw Xennus kamusta school niyo?" malumanay na tanong ni Mommy sa amin.

"Okay lang naman sakin mi, medyo stressful lang talaga pero kaya pa naman." nakangiti ngunit magalang na sagot ni Kuya sa tanong ni Mommy.

"Okay lang din naman sakin mi, may mga ita-take lang ako na ilang quizzes pero sure naman ako na kakayanin ko iyon." nakangiti kong sagot sa tanong ni Mommy.

"Mabuti naman, mag-aral kayong mabuti mga anak dahil yan ang manang hindi mananakaw sainyo nang kung sinuman." nakangiting sabi ni Mommy sa amin.

"Oo naman mi, palagi naman naming isinasabuhay ang mga paalala niyo sa amin ni Xeinna." nakangiting sabi ni Kuya kay Mommy.

"May balita na ba sa vacation niyo Xeinna?" kalmadong sabi ni Daddy sa akin.

"Wala pa kaming balita Daddy pero i-uupdate po namin kayo kung meron nang update sa vacation, pag-uusapan pa kasi namin kung saan at kung ano yung mga pwede naming gawin para mag-handa." nakangiting sagot ko kay Daddy.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now