Chapter 1

614 148 64
                                    

Adrixeinna Marie Victoria, a girl who is simple and look so ordinary, her long black hair highlighted on grayish color, she's a brown eyed girl that a man can stare everyday, she has an attractive lips but a kissable one and a perfect sexy body that every man could dream of.

In other hand, Czheandrei Jeya Pagkaliwagan, a man who have a cold-hearted attitude and many others say that he's a man of few words, his soft black hair highlighted on blond color, his gray eyes are expressive, he has an appealing lips and he has a well-built body but a seductive one that every girls would fanstasize him.

A charming young man and an alluring young lady meets.

Their personalities and appearances may be different but they are still connected to each other.

How will each other's destiny change when they meet? Is it going to be a nightmare that will leave a scar to their past or will it cause them to find a genuine happiness and to feel unconditional love from each other?

5:30 AM

Panibagong araw na naman, papasok na naman ako sa school. Kay bilis ng araw at parang dumaan lang ang Sabado't Linggo at heto Lunes na naman.

"Anak bumangon ka na dyan! Maligo at mag-ayos ka na, magha-handa lang ako ng almusal natin." malumanay na paalala sa akin ni Mommy sabay labas ng aking kwarto.

Kumilos na ako para maligo at magbihis. Inayusan ko na rin ang sarili ko upang maging presentable ang aking itsura.

"Anak bilisan mo! Male-late na kayo ng Kuya mo sa school! Anong oras na? Labas na diyan!" malakas na sigaw ni Mommy sa akin.

"Opo, eto na po lalabas na!" sabay sukbit ng bag sa aking likod pagkatapos ay sinarado ko ang pinto ng aking kwarto.

Bumaba na ako ng hagdan upang kumain ng almusal at nakita ko si Mommy na naghahain ng pagkain nang mapabaling ang kanyang tingin sa akin at kay Kuya na sumasandok ng sinangag.

"Mommy, nasaan po si Daddy?" nagtatakang tanong ko habang pinagsasandukan ako ng pagkain ni Mommy sa aking plato.

"Maaga siyang umalis kanina anak, mayroon daw siyang meeting with Mr. Velasco na kailangang asikasuhin at may mahalagang gagawin sa opisina." mahinanong paliwanag sa akin ni Mommy habang kumakain kami ng almusal.

Matapos ang ilang minuto ng aming kwentuhan at kainan sa kusina ay nagpaalam na kami kay Mommy upang pumasok sa school.

"Mommy, we have to go na po baka malate na kami eh." sabay beso kay Mommy at lumabas na kami papuntang gate para magpahatid kay Manong Ernesto sa school.

"Manong tara na po!" masiglang tawag ko kay Manong Ernesto at sumakay na sa kotse.

"Teka parang masaya ka yata ngayon hija, anong meron?" nagtatakang tanong ni Manong Ernesto habang nagmamaneho ng kotse.

"Siguro Manong, makikita na naman ni Adri yung crush niya kaya ang sigla-siglang pumasok!" pabirong sabi ni Kuya kay Manong Ernesto.

"Kuya, wala nga akong crush sa school puro mga artista lang!" napipikon kong sabi kay Kuya.

"Wala naman po Manong, gusto ko lang mag-share ng positivity and good vibes Manong." nakangiting kong sagot kay Manong Ernesto habang ipinapasak ang headset ko sa aking tenga upang makinig muna sa aking random playlist for today.

Nasa kalagitnaan kami ng traffic at labis akong naiinip sa byahe ay naisip kong maglaro muna ng games para malibang naman ako habang nagdri-drive si Manong Ernesto ng sasakyan.

"Uy si Adri inip na inip! Excited ka na namang makita yung crush mo no?" pabirong sabi ni Kuya habang nagga-games ako.

"Tumigil ka na nga Kuya, nakakapikon ka na!" seryoso kong sagot kay Kuya.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now