Chapter 3

293 134 42
                                    

2:45 PM

Naglakad ako pabalik balik sa corridor ng ospital at tila'y hindi makapali sa mga pangyayari nang lumabas sina Nicole at Ysabel.

"Ano kayang nangyari kay Chezka? Ano ang huli niyang sinabi hanggang sa naputol ang tawag." nag-aalalang sabi ko kina Nicole at Ysabel.

"Masama ang kutob ko dito Xei!" kinakabahang sabi ni Ysabel sa akin.

"Di rin maganda ang pakiramdam ko sa tawag na yon Xeinna." kinakabahang sabi ni Nicole sa akin.

"Tawagan mo kaya ulit?" pagbabasakaling sabi ni Ysabel sa akin.

"Sige, tatawagan ko ulit siya." malumanay kong sabi kay Ysabel.

Franchezka Aleah Imperial ringing . . . . . . .

Nagri-ring ang tawag ko kay Chezka ngunit wala siyang sinagot kahit ni isa sa aking mga tawag.

"Tawagan niyo kaya si Tita Frenchzeiji o kaya si Tito Chaszeus baka alam nila kung nangyari kay Chezka." malumanay na suhestyon ni Nicole sa amin.

"Sige, tatawagan ko si Tita Frenchzeiji." malumanay kong sabi kay Nicole.

Tita Frenchzeiji ringing . . . . . . .

Tita Frenchzeiji: O Xeinna, napatawag ka? May problema ba?

Me: Tita gusto lang kita sanang tanungin kung may nakuwe-kuwento ba sainyo si Chezka?

Tita Frenchzeiji: Wala naman Xeinna, bakit?

Me: Tita hindi kami pumasok ngayon kasi walang kasama sina Nicole at Nathan, nandito po kaming dalawa ni Ysabel pero hindi namin kasama si Chezka kasi hindi niya sinasagot ang mga tawag namin. Isang beses niya lang sinagot pero putol ni kahit anong information wala siyang nabanggit at biglang namatay ang tawag.

Tita Frenchzeiji: Ano? Wala siya sa bahay namin. Hindi siya umuwi sa amin kahapon pa kaya akala ko kasama niyo siya apartment.

Me: Hindi po Tita, lahat kami sa bahay talaga namin ang diretso. Di pa po ba siya umuuwi hanggang ngayon?

Tita Frenchzeiji: Hindi pa.

Me: Sige po, salamat sa pagsagot ng tawag Tita.

"Nasaan na kaya si Chezka? Bakit hindi siya umuwi sakanila?" nagtatakang sabi ni Ysabel sa akin.

"Kahit maging ako Ysabel ay naguguluhan, maayos naman tayo noong huling kita natin diba?" naguguluhang sabi ko kay Ysabel.

"Feeling ko may kakaiba talaga eh, iba ang pakiramdam ko dito." kinakabahang sabi ni Nicole.

"Feeling ko umiiyak siya, may gustong sabihin pero di naamin tapos biglang namatay yung tawag." malumanay na paglalahad ko sakanila.

"Ate Nicole!" muling tawag ni Nathan kay Nicole.

Agad naman na lumingon si Nicole kay Nathan.

"Gising ka na pala ulit, bakit may kailangan ka ba?" malumanay na tanong ni Nicole kay Nathan.

"Ate, naiihi ako. Pwede mo ba akong alalayan papuntang cr?" malumanay na tanong ni Nathan kay Nicole.

"Oo naman, sandali lang." sabay hawak sa lagayan ng dextrose ni Nathan at ito'y itinulak sabay pinabangon at inaalalayan papuntang cr.

Inalalayan ni Nicole si Nathan papuntang banyo at iniayos ang upo sa inidoro nang makatapos ay agad muli itong inalalayan sa paghiga.

"Ate? May tanong lang ako." kalmadong sabi ni Nathan kay Nicole.

"Ano yon?" malumanay na sagot ni Nicole kay Nathan.

"Ate bakit wala si Ate Chezka dito? Friend mo din siya diba?" nagtatakang sabi ni Nathan kay Nicole.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now