Chapter 45

32 10 1
                                    

12:51 PM

"Sino ba yung kinita mo doon sa coffee shop? Halatang hindi ka pinakain ng maayos. Tingnan mo, nagpass-out ka tuloy." seryosong sabi niya sa akin.

"Isinauli ko lang ang jacket ni Trevyn. Childhood bestfriend ko siya. Ngayon lang ulit kami nagkaroon ng interaction." malumanay kong sagot sakaniya.

"Ay ganun ba? Kamusta naman ang paguusap niyo?" mausisang sabi niya sa akin.

"Sa totoo lang, nagbago siya. Alam mo yun? Lagi kong naiisip sa sarili ko na siya pa rin ba kaya yung Trevyn na kilala ko? Yung childhood bestfriend ko? Hindi ko na alam." malungkot kong sagot sakaniya.

Ang mga katanungan sa isip ko ay nanatiling walang kasagutan.

Lahat ay nagbabago sa paglipas ng panahon.

Maaring makasama o makabuti.

Wala kang pagpipilian kundi harapin at tanggapin na lamang ang lahat ng ito.

"Hindi mo ba siya ko-komprontahin man lang?" kalmadong tanong niya sa akin.

"Humahanap lang ako ng tiyempo. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa likod ng pagkatao niya." malumanay na sagot ko sakaniya.

"Ihanda mo ang sarili mo sa mga maaring mangyari." kalmadong sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa.

Ang tanging nalalaman ko lamang ay ituturo sa akin ng Diyos kung sino ang mga taong karapat-dapat na makapasok sa buhay ko.

"Bahala na, magti-tiwala na lang ako sa mga plano sa akin ng Diyos." malumanay kong sagot sakaniya.

May nag-vibrate sa gilid ng kama ko.

Nakita ko ang phone ko at tumatawag si Trevyn.

Trevyn

Answer            Decline

Agad ko naman itong sinagot at bumungad ang galit na galit na boses nito.

Trevyn

On call

Trevyn: Nasaan ka na ba! Anong oras na hindi ka pa nauwi? Alam mo bang nagaalala na sayo ang pamilya mo? Hindi ka ba nagiisip o sadyang makitid lang ang utak mo?

Me: Pasyensya ka na, nagpass-out lang ako. Dinala ako dito ng bago kong kaibigan, si Czheandrei.

Trevyn: Ang sabihin mo, nanlalaki ka lang! Umuwi ka na sainyo pati ako pine-perwisyo mo!

Me: Nagpass-out ako dahil hindi ako nakakain ng maayos, pwede ba? Wag mo kaming lagyan ng malisya! Sumo-sobra ka na ha!

Trevyn: Sinabi ko naman kasi sayong kainin mo yung sandwich at juice na inorder ko para sayo! Anong ginawa mo? Hindi mo ginagalaw ang pagkain! Ngayon, aarte-arte ka na nagpass-out ka! Kasalanan mo yan!

Kinuha ni Czheandrei ang phone ko at siya ang nakipag-usap kay Trevyn.

Czheandrei: Pre, umayos ka sa pagsasalita mo! Hindi mo gugustuhin ang magalit ako sayo! Huwag mong sagarin ang pasyensya ko.

Nakakatakot ang awra ni Czheandrei sa mga oras na ito, nanatili lamang akong tahimik habang nakikipag-usap  siya kay Trevyn.

Trevyn: Huwag kang makialam sa aming dalawa! Wala akong pakialam sa mga sasabihin mo kaya ibigay mo ang phone sakaniya!

Czheandrei: Huwag mong intayin na pabagsakin kita pre!

Trevyn: Huwag mo akong tawaging pre! Hindi tayo close, ulul ka ba?

Czheandrei: Hindi ko rin naman kayang makipag-close sa taong gaya mo. May pera nga, wala namang pambiling manners.

Pinatay ni Czheandrei ang tawag at shinut-down niya ang phone ko.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now