Chapter 100

61 2 12
                                    

4:45 AM

Magkahawak-kamay kami ni Czheandrei na naglalakad papuntang sakayan ng jeep. Ihahatid niya ako sa bahay namin upang mag-ayos ng sarili ko sa magiging unang date namin.

"First time mo magkakaroon ng date sa buong buhay mo?" mausisang tanong ni Czheandrei sa akin.

"Romantically? Yes." nakangiting sagot ko kay Czheandrei.

"Do you like my surprises a while ago?" nakangiting tanong ni Czheandrei sa akin.

"No, I don't like it!" pagsisinungaling ko kay Czheandrei.

"But why?" nakangusong tanong ni Czheandrei sa akin.

"I love it!" nakangiting sagot ko kay Czheandrei.

"You supposed to give me a mini heart attack! Akala ko hindi mo nagustuhan ang mga surprises ko sayo kanina." tila'y parang batang sabi ni Czheandrei sa akin.

"Do you have plans on our date?" nakangiting tanong ko kay Czheandrei.

"We'll see." nakangiting sagot ni Czheandrei sa akin.

"Paano nga pala kayo nag-come up sa idea ng birthday surprise niyo para sa akin?" mausisa kong tanong kay Czheandrei.

"Matagal-tagal ko nang plano iyon at kinausap ko lang yung family mo saka yung mga friends natin para mai-execute ko yung gusto kong mangyari sa pinaka-espesyal na araw kung saan pinanganak ang babaeng mahal ko." nakangiting sagot ni Czheandrei sa akin.

"Yung akala ko iba ang isu-surprise pero ako pala ang dapat ang ma-surprise." natatawang sabi ko kay Czheandrei.

"Always expect the unexpected ika nga nila." nakangiting sagot sa akin ni Czheandrei.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad papuntang sakayan ng jeep at nag-kwentuhan lang kami hanggang sa makarating kami sa aming paroroonan.

5:00 AM

Nakarating na kami ni Czheandrei sa sakayan ng jeep at kaagad naman kaming sumakay roon upang makauwi na kami sa bahay para sa date naming dalawa ngayong araw.

"Masikip ba diyan sa pwesto mo? Palit tayo, gusto mo?" nagaalalang tanong ni Czheandrei sa akin.

"Hindi, huwag na. Manatili ka na lang sa tabi ko." nakangiting sagot ko kay Czheandrei.

"Nandito lang ako ha? Sandal ka muna sa balikat ko, wala ka pang pahinga diba?" nakangiting sabi sa akin ni Czheandrei.

"Paano ka?" nagaalalang tanong ko kay Czheandrei.

"Huwag kang magaalala madam, ikaw ang pahinga ko." nakangiting sagot ni Czheandrei sa akin.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Czheandrei at unti-unting pinikit ang mga mata ko upang magpahinga.

5:48 AM

Nagising ako sa mahinang pagtapik ni Czheandrei sa mga balikat ko.

"Malapit na tayo makauwi madam, isang metro na lang." nakangiting bungad ni Czheandrei sa akin.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at umayos ako ng pwesto sa jeep.

"Nasaan na ba tayo?" mausisang tanong ko kay Czheandrei.

"Nasa village na tayo ng bahay niyo." nakangiting sagot ni Czheandrei sa akin.

Mabilis ang naging biyahe namin dahil isang metro na lang.

Bumaba na kami ni Czheandrei sa bahay namin at pinapunta ko muna siya sa guest room.

"Dito ka muna sa guest room, pwede kang mag-ayos ng sarili mo dito." nakangiting sabi ko kay Czheandrei.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon