Chapter 75

11 1 1
                                    

11:45 PM

Nakauwi na ako ng bahay at kaagad akong umakyat ng hagdan para maghanda sa aking pagtulog.

Nilapag ko ang bag na dala ko sa study table ko.

Kumuha ako ng damit-pantulog sa aking closet at kumuha ako ng wardrobe para sa aking pag-shower.

Nagpunta na ako ng bathroom at isinukbit ko ang wardrobe sa pinto katabi ng towel ko.

Ini-on ko na ang shower at hinayaan kong basain ako nito.

Kinuha ko ang shampoo at inikalat ko iyon sa aking ulo upang malinis lahat ng dumi sa buhok ko pagkatapos ay kaagad naman akong nag-banlaw.

Kinuha ko ang body-soap ko at nilagay ko ito sa body scrub upang kuskusin lahat ng parte ng katawan ko.

Binanlawan ko na ang katawan ko upang maalis lahat ng sabon sa akin.

Kinuha ko na ang wardrobe ko at kaagad ko naman iyong isinuot.

Inibalot ko naman ang aking towel sa ulo upang mabilis itong matuyo.

Lumabas ako ng bathroom at naglagay ako ng lotion sa katawan.

Kinuha ko ang mga skin care ko at ginawa ang night routine ko.

Naglagay na rin ako ng lotion sa katawan pagkatapos ay nagbihis na rin ako ng aking damit-pantulog.

Nagsuklay ako ng buhok at kinuha ang phone ko sa bag.

Icha-charge ko na sana ang phone ko ngunit biglang may isang notification ang nakaagaw ng atensyon ko.

Ito ay galing kay Czheandrei.

Czheandrei Jeya Pagkaliwagan
• Active Now

Czheandrei: Malapit na ang pasukan, pwede ba tayong mag-bond as squad? Ilang araw na lang ang natitira sa bakasyon natin. Aayain ko na silang lahat. Sasama ka?

Adrixeinna: Sure! Sabihan mo na lang ako kung kailan at titingnan ko sa schedule ko kung makakasama ako.

Czheandrei: Bukas sana ang balak ko, dalawang araw na lang at pasukan na ulit ng mga SHS 12 ngayong taon.

Adrixeinna: Free naman siguro ako bukas, what time ba?

Czheandrei: Mga 9 AM.

Adrixeinna: Saan mo naman balak maggala?

Czheandrei: Sa Mall.

Adrixeinna: Maganda ang suggestion mo, matagal na rin nung huli akong pumunta ng mall para gumala.

Czheandrei: Yup! We'll do arcade games, eating lunch, prepare snacks, watch a movie and witnessing sunset again.

Adrixeinna: Planadong-planado na ah? Naks naman!

Czheandrei: G na daw silang lahat, paano ba yan? See you tomorrow!

Adrixeinna: See you tomorrow! Goodnight, sleep well and sweet dreams.

Czheandrei: Goodnight, sleep well and sweet dreams. Pray ka bago matulog ah?

Adrixeinna: Sure! Ikaw din, mag-pray ka bago matulog para hindi ka bangungutin.

Czheandrei: Sige, magpahinga ka nang mabuti ah. Marami tayong gagawin bukas at dapat may energy ka para sa lahat ng iyon.

Adrixeinna: Oo naman, ako pa ba? O siya, matulog ka na rin. Malalim na ang gabi.

Czheandrei: Ayaw mo ba munang mag-late night talks muna tayo?

Adrixeinna: At para saan aber?

Czheandrei: Wala lang, hindi pa rin ako makatulog ngayon eh.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon