Prologue

991 167 115
                                    

5:48 PM

Matapos ang graduation ay hanggang ngayon ay iniiwasan ko pa rin siya kahit alam ko sa sarili ko ay anumang oras ay hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko para sakaniya.

Nagsalubong ang mga mata namin ngunit agad akong tumingin sa ibang direksyon upang hindi na magtama muli ang mga aming mga paningin.

Sa tuwing lalapitan niya ako ay agad akong naglalakad palayo mula sakaniya.

Sinusubukan niya akong kausapin pero hindi ko siya iniimikan man lang.

Alam ko naman na hanggang kaibigan lang talaga pero wala e, itong puso ko ay ayaw magpaawat na mahalin ang isang tulad niya.

Sadya pala talagang mapagbiro ang tadhana no? Ganito pala talaga kapag nagmamahal ka ng isang taong alam mong hindi mapapasayo.

Nakita ko siyang kausap ang babaeng mahal niya, ang kaibigan ko.

Nagtatawanan sila sa gitna ng kanilang kuwentuhan at niyakap nila ang isa't isa.

Sana ako nalang siya para ako na lang ang babaeng mahal mo...

Sana ako nalang yung kausap mo para nasa akin lang lahat ng atensyon mo...

Sana ako na lang ang kayakap mo dahil alam ko sa mundong ito, ikaw ang pinaka-ligtas na lugar na mayroon ako...

Sana ako nalang yung katawanan mo para alam ko sa sarili kong yung mga halakhak at ngiti mo ay siyang ako ang dahilan...

Sana ako nalang, ako nalang ang minahal mo...

Nakita ako ng lalaking mahal ko at agad akong umiwas ng tingin sakaniya.

Tumakbo ako papalayo sakanila upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Patuloy ang luha ko sa pag-agos na kay hirap pigilan.

Nakita kong mabilis na tumatakbo ang lalaking mahal ko ngunit mas binilisan ko ang takbo para hindi niya ako maabutan.

Kahit anong bilis ko pala sa pagtakbo ay maaabutan pa rin niya ako. Hinawakan niya ang nagpupumiglas kong braso at ihinarap sakaniya.

"Bakit mo ba ako iniiwasan? Ano bang problema mo? Hindi kita maintindihan." naguguluhang sabi niya sa akin.

"Wala, bitiwan mo na ako. Gusto ko nang umuwi." malamig at walang emosyon kong sagot ko sakaniya.

Tila nakikidalamhati ang langit sa sakit na aking nararamdaman. Umulan ng malakas at parehas kaming nabasa nito.

"Hindi ako naniniwala, tumingin ka sa mga mata ko! Anong problema mo? Sabihin mo naman sa akin oh, hindi yung parang wala na lang ako sayo! Wala na lang yung lahat sa atin!" naiinis niyang sabi sa akin.

"Gusto mong malaman kung bakit kita iniiwasan? Ikaw ang dahilan Jeya! Ikaw! Ikaw ang problema ko!" pinaghahampas ko ang dibdib niya sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko.

"Bakit ako? Ano bang nagawa ko? Hindi kita maintindihan, aminin mo na lang yung totoo!" pinigilan niya ang mga kamay kong pinaghahampas siya at iginapos niya ako sa kaniyang mga bisig upang yakapin nang mahigpit.

"Dahil gusto kita! Gustong-gusto. Hindi ko na kayang maitago pa ang nararamdaman ko para sayo. Alam kong hanggang kaibigan lang ang tingin mo sakin, hayaan mo lang akong mahalin ka kahit sa malayo. Kahit hindi na ako, kahit wala nang tayo sa dulo." naluluha kong pag-amin sakaniya habang nakayakap siya sa akin.

Nakita ko ang gulat at kaba sakaniyang mata. Hindi siya nakapagsalita agad at tinitigan lang akong mabuti.

"H-huwag n-na a-ako, Adrixeinna. May i-iba a-akong g-gusto at alam mong h-hindi i-ikaw i-iyon." nakita ko ang bakas ng kaniyang pagkailang at agad na inalis ang pagkakayakap niya sakin.

"Noong una pa lang eh, alam ko naman na Jeya. Hindi ako ang babaeng mahal mo. Mapilit lang talaga ang puso ko na mahalin ka kahit alam kong una pa lang, talo na ako." nakangiti ngunit may pait na pagkakasabi ko sakaniya.

Unti-unti akong lumakad palayo pero malakas niyang tinatawag ang pangalan ko nang paulit-ulit ngunit hindi ko na siya nilingon pa at patuloy na umaagos ang aking mga luha habang iniintay ko na lang na humupa ang ulan para makauwi na rin ako sa bahay.

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead and actual events are coincidental.

©All Rights Reserved. Bluereinventhusiast, 2020.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon