Chapter 74

12 1 1
                                    

8:35 PM

"Ate, hindi pa ba natin aayusin ang funeral ni Trevyn?" nagtatakang tanong ko kay Ate Cherry.

"May iba pang paraan. Ayaw ni Trevyn ang i-burol siya sa bahay at paglamayan sa kabaong." malumanay na sagot ni Ate Cherry sa akin.

"Sa paanong paraan naman Ate?" naguguluhang tanong ko kay Ate Cherry.

"Sa paglagay sakaniya sa bangka at sunugin ang kaniyang katawan. Magiimbita rin tayo ng pari upang dasalan ang kaniyang katawan." malumanay na sagot ni Ate Cherry sa akin.

"Ngunit kahit sa ilang araw ay hindi na natin siya makakasama sa burol niya dahil kung ngayon natin ito gagawin ay tiyak masusunog na ang kaniyang katawan." malumanay kong sabi kay Ate Cherry.

"Iyon ang kagustuhan ng aking kapatid, ayaw niyang maalala ng mga tao ang pagkamatay niya. Maaring nawala man ang kaniyang presensya pero mananatili ang kaniyang puso bilang isang anghel sa langit." malumanay na sagot sa akin ni Ate Cherry.

"Ate Cherry, saan natin dadalhin ang malamig na bangkay ni Trevyn?" malumanay kong tanong kay Ate Cherry.

"Sa bahay. Huwag kang magalala, ako nang bahala sa medical records ng kapatid ko rito sa ospital." malumanay na sagot ni Ate Cherry sa akin.

"Sige po, ako na lang po muna ang magbabantay kay Trevyn habang kinakausap niyo po ang doctor at nurse." nakangiting sabi ko kay Ate Cherry.

"Ikaw muna bahala sakaniya ah? May kailangan lang ako asikasuhin tungkol sa medical records niya." nakangiting sagot ni Ate Cherry sa akin.

Tumango lamang ako sakaniya at mabilis naman siyang naglakad papuntang nurse station.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Trevyn at napaka-ganda nitong tanawin para sa mga mata kong nangungulila sa pagkawala niya.

"Adrixeinna!" lumingon-lingon ako sa paligid para makita kung sino ang tumatawag sa pangalan ko.

Nakita ko ang kaluluwa ni Trevyn na nakangiti sa akin at unti-unti akong naluha nang lumapit siya sa akin.

Hinaplos niya ang aking mukha at bumulong sa aking tenga.

"Isa na akong anghel na taga-bantay mo sa langit, Adri. Masayang-masaya na ako sa kaharian ng Diyos kaya huwag mong ikulong sa sakit ang sarili mo sa pagkawala ko. Nandito lang ako palagi sa tabi mo. Mahal na mahal kita, huwag ka nang umiyak. Nasasaktan akong makita kang ganiyan, palayain mo na ang sarili mo Milk." nakangiting bulong sa akin ni Trevyn.

"Pero paano ako makakalimot sa taong ni minsan hindi naman naging akin?" naluluha kong tanong kay Trevyn.

"Hindi man ako ang naging unang kasintahan mo pero natitiyak kong hinding-hindi ako mawawalan ng espasyo sa puso mo." nakangiting sagot sa akin ni Trevyn.

"Trevyn, bakit ako ang babaeng pinakamamahal mo?" nakalma ang aking isipan nang matanong ko iyon sakaniya.

"Walang ibang dahilan o rason kung bakit kita minahal bilang ikaw. Mahal kita dahil mahal kita. Wala nang iba pa." nakangiting sagot niya sa akin.

"May sasabihin ako sayo." nakangiting sabi ko kay Trevyn.

"Ano iyon Milk?" nakangiting tanong sa akin ni Trevyn.

"Mahal na mahal kita, Trevyn Chimera Florez." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Mahal na mahal din kita, Adrixeinna Marie Victoria." nakangiting sagot niya sa akin.

Nagyakapan kaming dalawa at nagpaalam na siya sa akin.

"Paalam na Milk, bawi na lang tayo sa susunod nating habang buhay." hinalikan niya ang noo ko.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now