Addicted

By wwiittyyccuuttiiee

84.9K 3.4K 579

Historia# 7 Dike Vanessa Owens Atlanta Lorraine Angelov Date Started: August 11, 2020 Date Finished: October... More

Author's Note
Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVI (II)
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter XXIX

1.7K 82 11
By wwiittyyccuuttiiee


DIKE VANESSA OWENS




Pupungas-pungas kong kinuha ang cellphone ko sa bed side table dahil sa sobrang ingay nito. Sino ba namang bwisit ang natawag sa'kin ng ganitong oras at talagang inistorbo ang mahimbing at masarap kong tulog.

Nako talaga.

Halos hindi ko na maaninagan ang cellphone ko ng sagutin ko ang tawag. "Hello?"

Nakarinig naman ako ng mabining tawa sa kabilang linya. Wala sa sariling  napalunok ako. Ang sweet naman ng boses na yun. ( "Hi Dike. Good morning." )

Doon na natuluyang nagising ang diwa ko at mabilis na napabalikwas ng bangon. Jusme. Kaya naman pala ang sarap sa tainga ng boses na yun ay dahil galing pala yun sa darling ko.

Ano ba yan. Nasabihan ko pa siyang bwisit kanina. Tss.

"Hi darling. Good morning!" I replied.

I heard her chuckled. ( "Mukhang naistorbo ata kita." ) 

Mabilis naman akong umiling kahit na hindi niya nakikita. "Hindi ah. Actually, ang sarap nga ng gising ko at boses mo agad ang napakinggan ko. Hihi."

Oh my gosh. Thank you talaga Cupid or Eros or whatever your name is. Malaki ang utang na loob ko sayo at pinana mo din ang babaeng ito para mahalin ako.

Hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakatong ito.

Kung mahal ko siya noon, mas mamahalin ko pa siya ngayon at hanggang sa magpawalang hanggan.

( "May pasok ka ba ngayon?" ) I asked softly.

Napalunok naman ako. Bakit ba habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog ako sakanya? Boses pa lang niya, hulog na hulog na ko. "Yes darling." I simply said. "And thank you pala at ginising mo ko." sinamahan ko pa yan ng pagtawa.

Mas lalo namang natunaw ang puso ko ng marinig ang tawa niya. Ang sarap sa pakiramdam na ako ang dahilan ng tawang iyon. At hinding-hindi ako magsasawang patawanin siya o pangitiin pa.

( "Bumangon kana diyan. Mag-asikaso kana." )

Tumango naman ako. Bakit kaya ganun? Kahit sa cellphone mo lang kausap yung tao, napapatango ka o kaya napapailing na akala mo'y nakikita niya. "Aye aye darling!" I said, smiling from ear to ear

And again, I heard her beautiful laugh. Wala na. Finish na. In love na in love na ko. ( "Ibaba ko na 'to. Para makakilos kana diyan." )

I bit my lower lips. "Okay okay darling."

( "And Dike." )

Napakunot noo naman ako. "Yes?"

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba ng marinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Hey, okay ka lang ba?"

( "Yes Dike. I just want to greet you." )

My brows furrowed. Greet? Nabati na naman niya ko ah. Diba sabi niya kanina, "good morning".

( "Silly Owens." ) at ayan na naman po tayo, tumawa na naman siya. Nakakainis talaga. ( "Happy birthday darling." ) she paused. ( "I love you so much." )

Literal na umaawang ang labi ko dahil sa narinig. Hindi ako nagulat sa pagbati niya sa'kin, mas nagulat pa ko sa huling sinabi niya. Akmang sasagot na ko ng mabilis niyang patayin ang tawag.

Kaya ang siste, para akong tangang nakatingin ngayon sa cellphone ko habang may nakapaskil na ngiti sa labi ko.

Damn it!

Halos ihagis ko na ang cellphone ko sa kung saan bago agad na tumayo at tingnan ang kalendaryo. At tama nga siya, anak ng tinapa. Birthday ko pala ngayon.

Nakalimutan ko. Ampoknat!

Imbes na bumalik sa kama ko, nag-ayos na lang ako ng sarili. Ginawa ko na ang morning ritual ko bago bumaba sa sala.

At gaya nga ng inaasahan ko, naabutan ko lang si mommy at Daphne na naghahanda ng pagkain. Napangiti ako. Masaya talagang gumising sa umaga kung sila ang maabutan mo.

"Good morning beautiful ladies!" Dinampian ko naman ng marahang halik ang noo ng dalawang babaeng una kong minahal.

"Happy birthday Ate!" Daphne kissed my forehead.

Nakangiting niyakap ko lang siya sa likod niya at bahagyang ginulo ang buhok niya. Nakatanggap naman ako ng kurot sa braso at irap. Napatawa tuloy ako. Napaka taray talaga ng babaeng ito.

"Happy birthday Vanessa." my lips curved into a genuine smile when she kissed my forehead. Walang pag-aatubiling pinugpog ko ng halik si mommy sa buong mukha niya dahilan para tawanan niya lang ako.

Okay na. Isa na lang ang kulang.

Tss. Masaya na naman siguro yun sa bagong pamilya niya. Pero sana, maalala niyang kaarawan ngayon ng panganay niya.

"What's your plan ate?" Daphne asked

I just shrugged and take a sipped in my coffee. "Wala"

Para naman silang ewan na grabe makatingin sa'kin. May nasabi ba kong mali? "Wala?" Daphne asked, wondering.

This time, ako naman ang napakunot ang noo ngayon. Saglit ko lang nilunok ang tinapay na nasa bibig ko bago siya sagutin. "May dapat ba kong gawin?" I paused. "Ah, papasok sa opisina. Uupo sa swivel chair. Makikipag meeting sa board members and clients." simpleng sagot ko

Kroo... Kroo.. Kroo...

Ano ba talagang nangyayari sa kanila? May nasabi ba kong mali? Tama lang naman ang sinabi ko  ahh. Sa pagkakaalam ko, wala namang mali dun.

"Are you serious ate?" tila hindi makapaniwalang tanong sa'kin ng kapatid.

"Oo naman." I sighed. "Bakit ba?"

Sa pagkakataong ito, si mommy na ang sumagot. "Well, nakakapanibago lang. Dati gusto mo laging magpaparty tuwing birthday mo." She take a sipped in her tea. "Akalain mong wala ka atang balak magpaparty ngayon." she added

Napatawa naman ako. Kaya naman pala ganun ang tinging binibigay nila sa'kin. "Nakakasawa ang puro party mom. Mas gusto kong magpahinga lang o kaya naman asikasuhin ang mga dapat na asikasuhin." I replied, smiling at her.

Isang matamis na ngiti lang ang tinugon sa'kin ni mommy. Napangiti na lang din ako bago ipagpatuloy ang pagkain. Saglit lang din kaming nagsalo-salo sa hapag bago tuluyang natapos.

At kagaya ng lagi kong ginagawa, hinatid ko muna si Dap sa school bago tuluyang dumeretso sa kumpanya ko.

"Happy birthday Ms. Owens!"

Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. Aaminin ko, sobra akong nagulat at kasabay nun ay ang pagtunaw ng puso ko. Hindi ko inaakala na ganito ang bubungad sa'kin pagkapasok na pagkapasok sa loob ng kumpanya ko.

"Maraming salamat sa inyo." napatawa pa ko ng mahina dahil sa conffeti na nasubo ko. Jusme.

At dahil sa araw ko ngayon at nag-abala sila, nagpa-order lang ako ng madaming pagkain nila. Halos kabilaan ang bumabati sa'kin habang papunta ako sa opisina ko.

Nakasalubong ko pa si Bea na malaki ang pagkakangiti sa'kin. Mula ng pinaalis ako sa kompanya ng ama ko, umalis na din siya at talagang sinundan niya ko.

Siya na ang loyal na sekretaryang kilala ko. Konti na lang talaga iisipin kong crush ako nito ee. Haha.

Hambog ko na naman.

"Happy birthday Ms. Owens." she greet me

I just smile at her. "Thank you Beatriz."

At ang babaeng ito, inirapan naman ako. Napahagalpak tuloy ako ng tawa habang papasok sa loob ng opisina ko. Hindi ko ba alam kung anong agenda ng babaeng iyon at ayaw na ayaw niyang tatawagin siya sa buo niyang pangalan. Ang ganda kaya ng Beatriz.

Pero syempre, mas maganda yung Atlanta Lorraine. Walang tatalo.

Mabilis namang naglaho ang malaking pagkakangiti ko at agad na napalitan ng pagtataka ng maabutan ko si Mapagmahal na prenteng nakaupo sa sofa at tila inip na inip na nakatingin sa'kin ngayon.

Luh, ina-ano ko siya?

"What are you doing here Mapagmahal?"

Hindi niya ko sinagot ang tanong ko bagkus may hinagis lang siyang sa'kin na kung ano. Syempre, dala ng gulat sinalo ko yun. Halos maging kamukha ko ang ugat ng puno dahil sa sobrang pagkakunot ng noo ko ng makita beer in can yung hinagis niya sa'kin.

Seryoso? Sa ganitong ka-aga?

"Para saan 'to?"

At ang bwisit na 'to, inirapan lamang ako. Ibato ko kaya sa mukha niya 'to. "Happy beerday Owens." she plainly said.

Hindi ko napigilan ang pagngiti ko. Akalain mong may katamis-tamis din pala sa katawan ang babaeng ito. Medyo weird nga lang. Hay.

"Aalis na ko. Enjoy your day."

Hindi man lang niya ko hinayaang makapag salita at talagang agad-agad siyang umalis dito sa opisina ko. Napapailing na tinago ko na lang ang beer in can na regalo niya sa'kin. Ibang klase din ang babaeng iyon. Hindi ko tuloy alam kung iinumin ko ba 'to o itatago ee. Grabehan.

At kagaya ng normal na araw, subsob parin ako sa pagtatrabaho. Pakiramdam ko nga, normal lang ang araw na ito sa'kin. Ang kaibahan lang, ang daming pagkaing nakahain sa harap ko. Mga pagkaing dinadala dito ng mga empleyado ko. Kaya ang siste, nakangiti ako habang nakaharap sa laptop ko.

Napabuga lang ako ng malakas na paghinga bago napasandal sa swivel chair ko at agad na napapikit. Saglit lang na ganun ang pwesto ko bago silipin ang orasan. At grabe ang panlalaki ng mata ko ng makitang alas siyete na ng gabi.

Ampoknat! Seven na agad? Seryoso? Parang kanina ay kakaupo ko lang dito tapos ngayon alas siyete na?

Wow naman.

Napakamot na lang ako sa kilay ko bago nanghihinang napatayo. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang mga pagkaing inorder ko kanina. Mabuti na lang at kahit papaano ay hindi ko nakaligtaan ang pagkain ng tanghalian.

Kahit pagod nagawa ko paring linisin ang lahat ng kalat dito sa opisina ko. At ng masigurong maayos na ang lahat, inayos ko lang ang sarili bago agad na lumabas. Naabutan ko naman ang mga kasamahan ko na hanggang ngayon at nakatapat parin sa laptop nila at ang iba ang nagchichikahan na.

Nakangiting binati ko lang sila bago dere-deretsong naglakad patungo sa elevator.

Hindi din naman nagtagal pa ang oras at agad akong nakarating ng parking lot. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng sasakyan ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba ng makitang si Justine ang natawag.

Totoo naman kasing nakakakaba kung itong babaeng ito ang tatawag sa'kin. Tss.

"Hey, Jus."

( "Where are you Dike?" )

I rolled my eyes. Ano bang problema niya at hirap na hirap siyang banggatin ang word na "hello you too". Tss. "Parking lot. Actually, papunta na ko ngayon diyan sa Hospital. Why?"

( "Go to the Green Lights Park Owens." )

Napakunot noo naman ako. Ano namang gagawin ko sa park na yun? "Ayaw ko Justine. Naghihintay sa'kin si Darling."

I heard her tongue clicking. ( "Just do whatever I said Dike. Pumunta kana dun. Kung gusto mong magkita pa kayo ng darling mo. Ang landi niyo. Jusko." )

Yan lang narinig ko sa kanya bago niya tuluyang patayin ang tawag. Ni hindi man lang niya ko hinayaang makapagsalita. Anak ng patis. Bakit ba walang jowa ang babaeng yun? Tumatandang mainit ang ulo ee.

Kahit nagtataka, sinunod ko na lang ang sinabi niya. Baka bugahan pa ko ng apoy ng babaeng iyon kung sakaling hindi ko siya susundin. Sala pa man din sa init at sala sa lamig ang mood nun.

Mabuti na lang din at hindi traffic ngayon kaya agad akong nakarating sa pupuntahan ko. Ang kaso lang, inabot pala ko ng mahigit kalahating oras. Tss.

Malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa'kin pagkalabas na pagkalabas ko ng sasakyan ko. Mabuti na lang at nakalong sleeve ako ngayon at nakalugay ang buhok ko kaya hindi ako masyadong nilalamig. Ang problema lang ay medyo nagugulo ang buhok ko dahil sa hangin na yun. Hay nako talaga.

Hindi pa ko masyado nakakalayo sa sasakyan ko ng makasalubong ko ang bruha kong kaibigan na nakangisi sa'kin ngayon.

Bigla tuloy sumagi sa isipan ko na hindi pa pala nila ko binati buhat kaninang umaga.

"Hi Dicky! Happy birthday! Muah."

Napangiwi na lang ako ng pugpugin ako ng halik ni  Helen sa buong mukha ko. Kainaman ang babaeng ito. Grabe. "Hey, awat na Helen. Kami naman."

Hindi pa ko lubusang nakakahinga ng maayos ng bigla akong dambahan ng iba ko pang kaibigan. Kaya ang siste, nakiga na ko ngayon sa damo habang nakapatong silang lahat sa'kin.

Awit naman. Ang bibigat nila. Jusme.

"A-alis kayo. Jusko! Ang bibigat n-niyo! Argh!"

Pero ang mg bruhang ito tila walang naririnig at talagang hindi sila naalis sa ibabaw ko.

"Happy birthday Dike! I wuv you so much. Pa-kiss ako bilis!" and fuck, it's Penelope.

Literal na napahinga ako ng malalim ng isa-isa sila umalis sa ibabaw ko. Napangiti pa ko ng halikan nila sa pisngi ko. Napaka sweet ng mga bruhang ito. Grabe ee. Para namang panghuling kaarawan ko na 'to dahil sa pinaggagawa nila.

"Happy birthday Dike Vanessa." hindi na ko naka-angal pa ang dambahan ako ulit ni Venus at halikan sa pisngi ko.

Napuno ng malakas na tawanan ang buong park na 'to. Saglit ko pang nilibot ang tingin ko sa kanila. Wala si Athena at Thalia. Well, hindi na ko magtataka kung bakit dahil bawal mataiban ang mga buntis lalo na si Thalia na medyo maselan ang pagbubuntis.

"Hey Dike"

Mabilis naman akong napatingin kay Vi na nakangiti sa'kin ngayon. Inabot ko naman ang kamay ni Juno para makatayo ako.  "Thanks JC." I give a peck in her cheek na ikinailing na lang niya. Natawa tuloy ako. "Yes Ianthe?"

She just smile at me, genuine smile. "Puntahan mo na ang totoong may pakana ng nangyayari ngayon."

Napakunot noo ako. Pakana? Meron ba? I was about to open my mouth when I saw a beautiful woman, standing infront of me, smiling lovingly.

I gulped hard.

Bakit ba ang ganda-ganda niya kahit sa dilim?

"Aalis na kami Friend. Enjoy your day." Selene kissed my cheek.

Hindi ko na nagawang umangal pa ng tuluyan silang umalis. At ngayon nga, kaming dalawa na lang ng babaeng mahal ko ang natitira dito.

Wala akong inaksayang oras at agad na tinawid ang pagitan naming dalawa at ginawaran siya ng mahigpit na yakap.

Kakakita lang namin kagabi pero pakiramdam ko labis ang pangungulila ko sa kanya.

She hugged me back. "Happy birthday Dike."

Agad naman akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at dinampian siya ng halik sa noo. "Thank you darling."

She just chuckled at me before she immediately kissed my lips. Dampi lang yun pero tila nagwala ang lahat ng lamang loob ko.

Wala na. Finish na.

"Halika"

Hindi na ko umangal pa ng mabilis niya kong hilahin palapit sa isang bench dito. Napangiti na lang ako ng para siyang bata na umupo dun.

Ang cute ng darling ko ee. Mainggit kayo.

Nakangiting tumabi naman ako sa kanya.  Napansin ko din ang suot suot niya ngayon. Nakasuot siya ng high waist pants at jacket na kulay mint green. Napangiti ako. Bakit ang sexy niya?

"Hey"

I gulped. "Hmm?"

"Stop staring Dike. Baka matunaw ako."

I chuckled and held her hand. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at agad itong dinampian ng halik. "Thank you darling. This is the best birthday ever."

At ang babaeng ito, tinawana lang ako. Hindi naman ako nainis bagkus mas lalo lang akong napangiti. Ang sarap talagang pakinggan ang tawa niya. Nakakatanggal ng pagod ko.

"May regalo pala ko sayo." agad na saad niya

Napakunot noo naman ako. Regalo? Hindi naman importante yun, ang mahalaga kasama ko siya. Aangal pa sana ako ng mabilis niyang inabot sa'kin ang regalo daw niya.

"Buksan mo." she said, smiling lovingly at me

Hindi na ko umangal pa at agad na binuksan ang regalo niya. Sino ba naman kasing makakatanggi sa ngiti niya diba? Hay.

Literal na nanlaki ang mata ko ng makita kung ano ang regalo niya. Gulat pa kong napatingin sa kanya halos manginig ang kamay ko.

"W-walkman?"

Oh my gosh. Alam kong makaluma ang bagay na 'to pero hindi ko parin maiwasan ang hindi magulat. At saka, para sa'kin napakahalaga na ng bagay na 'to lalo na't galing sa kanya.

"Yes Dike. Don't you like it?"

Hindi ako sumagot sa kanya bagkus binigyan ko siya ng mahigpit na yakap. "I don't like it darling." I kissed her temple. "I love it."

"Inutusan ko si ate na bumili niyan." she scratched her nose. Napatawa tuloy ako. Kaya siguro wala si Lovely sa kumpanya.

Akalain mong under pala ang gagang yun sa kapatid niya. Ay nako.

"By the way, bakit pala lumabas ka pa? Hindi ba masama sayo ang mataiban?" bigla kasi sumagi sa isip ko na baka bawal sa kanya ang ganito. Lalo na't may kalamigan din ang hangin.

She held my hand and gently squeezed it. "Don't worry Dike, nandiyan lang si Justine at Ate sa tabi-tabi."

Nakangiting napailing na lang ako. Ang mga iyon, talagang pinagtulungan nila ko. Hay nako. Agad ko namang nilagay ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tainga niya dahil sa nahaharangan nito ang maganda niyang mukha. "I love you so much darling." I kissed the bridge of her nose. "I feel like ever since I met you I've been living the best dream of my life."

Isa na lang talaga ang kahilingan ko ngayon. Yun ay ang kaligtasan niya. Kung tuluyan na siyang gagaling, ako na ang pinaka masayang tao sa buong mundo. Ang kaligtasan niya ang mahalag sa'kin ngayon.

"Dike, I love you so much." and before I could even utter a word, she claimed my lips. At katulad kanina, saglit lang din yun pero grabe na naman ang tibok ng puso ko.

Mukha ako nga ata talaga ang may sakit sa'ming dalawa. Jusko.

"Wait." napakunot noo naman ako.

"Why darling?" I asked

Hindi niya ko sinagot bagkus ngumiti lang siya ng matamis sa'kin at agad na kinuha ang walkman na hawak ko. "Hey, anong gagawin mo?" binabawi na niya ba? Aba! Wala namang bawian.

"I have a tape." napatawa naman ako ng talagang iwasiwas niya pa sa harap ko ang tape na hawak niya. Mukhang ready nga talaga siya.

"Anong laman niyan? Pakinggan natin."

Tumango naman siya sa'kin. Kinuha ko naman ang tape at walkman na hawak niya at ako na ang nagpagana nun. Sabay pa kaming napatawa ng maglabas siya ng earphone.

Sabi sa inyo ee. Ready ang darling ko.

"Girl scout?" biro ko

She just laughed at me. "Yes"

Natawa na lang din ako bago ipalsak sa tainga ko ang isang earphone. "Ready?" I asked her.

She bit her lips and nodded at me. "Go ahead darling."

Napakagat labi din tuloy ako. Jusko. Pwede bang wag ko ng patugtugin ito at halikan na lamang siya?

Argh!

Napahinga na lamang ako ng malalim bago simulang patugtugin itong walkman.

Napapikit pa ko ng marinig ang intro ng kanta. Hindi ko alam pero sa intro palang, nagtaasan na agad ang balahibo ko. Jusko.

I am not the only traveler
Who has not repaid his debt
I've been searching for a trail to follow again
Take me back to the night we met

Naimulat ko naman ang mata ko ng maramdaman ang pagsandal ng ulo ni Lorraine sa balikat ko. I just smile at wrapped my arms in her shoulder. I also kissed her head.

And then I can tell myself
What the hell I'm supposed to do
And then I can tell myself
Not to ride along with you

"Don't you like the song?" she whispered but enough for me to hear

I chuckled and leaned her. "I love the song darling. Ang sarap pakinggan."

Kahit nasa ganung pwesto kami, nagawa parin niyang tumango. "You're right." she inhaled deeply. "Actually, that's my favorite song." she said

I had all and then most of you
Some and now none of you
Take me back to the night we met
I don't know what I'm supposed to do
Haunted by the ghost of you
Oh, take me back to the night we met

Napapikit akong muli para damhin ang kanta. Hindi ko alam, pero dahil sa pinapahiwatig ng lyrics, nakaramdam ako ng sakit.

When the night was full of terrors
And your eyes were filled with tears
When you had not touched me yet
Oh, take me back to the night we met

"Dike"

I gulped. "Hmm?"

"Kung maibabalik ko lang ang oras, pipiliin ko paring magpapansin sayo hanggang sa tuluyan kong makuha ang atensiyon mo." she said calmly

Pakiramdam ko, nahirapan akong makahinga ngayon.

Kung maibabalik ko lang din ang oras, ikaw ang pagtutuonan ko ng pansin at hindi ang ibang tao.

"Me too darling." I gulped hard. "Kung maibabalik ko lang din ang oras at panahon." I looked at her. "Ikaw ang pipiliin kong mahalin at pag-alayan ng puso ko."


I had all and then most of you
Some and now none of you
Take me back to the night we met
I don't know what I'm supposed to do
Haunted by the ghost of you

Please fate... Or cupid or Cronus.


Please...





Take me back to the night we met




Please...








--------------

a/n: Guys! Hehe. Gusto ko lang i-share sa inyo yung kanta. Entitled: The Night We Met by: Lord Huron.

Sobra kasi akong nagandahan sa kantang 'yan. Theme song yan nina Clay Jensen at Hannah Baker sa series na 13Reasons Why. Pag pinapakinggan ko kasi yang kantang yan, hindi ko alam kung masasaktan ba ko o ano. Haha. Basta ang sarap sa pakiramdam na marinig yan. Nakakarelax ba.

So, kung gusto niyo ding masaktan, pakinggan niyo din. Wag na kayong mahiya pa.

Salamat sa patuloy na pagbabasa. Mahal ko kayo! Muaps :*:*

Continue Reading

You'll Also Like

39.2K 973 35
๐™ˆ๐™ค๐™ค๐™ฃ ๐™ž๐™จ ๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ๐™จ ๐™ค๐™ฃ๐™š ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ค๐™ฃ๐™ก๐™ฎ ๐™ฌ๐™š๐™–๐™ ๐™ฃ๐™š๐™จ๐™จ In which Moon never really thought she was lovable. But that thought disappeared...
12.1K 199 20
the characters arent all mine. credit goes to the mean girls movie.
88K 3.1K 10
in which bonnie bennett and kol mikaelson find friendship and comfort in one another. COMPLETED
15.1K 572 42
This is a story about Jessica Capshaw and Sara Ramirez. They've been best friends for so many years. It took them a very long time to realise how muc...