Chapter VIII

1.6K 83 16
                                    

DIKE VANESSA OWENS






Pagkatapos kong iwan yung dalawa dun, dumeretso na lang ako sa opisina. Nawalan na rin kasi ako ng gana kumain. Siguro mamaya na lang pag nakaramdam na ulit ako ng gutom.

Akmang pipihitin ko na sana ang seradura ng opisina ko ng biglang sumulpot si Bea sa tabi ko.  "Ms. Owens."

I just smile at her. "Yes Bea? Do you need anything?"

Alanganin naman siyang ngumiti sa'kin. Bago napunta ang tingin niya sa mga bitbit niya folder.

Napamura naman ako sa loob loob ko. Na naman? Hindi parin ba ubos yan? Tambak na tambak na ko sa mga gagawin ko. Jusko.

Nanghihinang napakamot na lang ako sa batok ko. "Ako na. Ako na magdadala sa loob."

She sighed and smile at me. "Thank you Ms. Owens."

Tumango lang naman ako sa kanya bilang tugon. Napangiwi pa ko dahil sa bigat nitong mga dala ko. Buti nakaya niyang dalhin lahat 'to, mukha pa naman siyang patpatin.

"Salamat Bea. Pwede ka ng bumalik sa upuan mo."

Tinanguan lang niya ako bago sinunod ang sinabi ko. At ako naman, buti na lang at nakagawian ko ang magwork-out kaya hindi ako nahirapan sa pagbubuhat.

I groaned. Ang dami! Bwisit.

May makakapagsabi ba sa'kin kung bakit ako nandito sa kalagayan na 'to?

Hay! Hindi pa nga ako nakakausad, may bago na naman? At ang dami pa ah.

Nag-inat-inat lang ako saglit bago simulan ang trabaho. Nakakahiya sa boss kung hindi ko agad matatapos 'to ee.

Baka sabihin pa nun, napaka iresponsable ko. Tss.

--------

Mariin akong napapikit bago pabagsak na umub-ob sa table ko ng matapos ko lahat. Akalain mong natapos ko dun.

Napasulyap naman ako sa orasan. At nanlalaki ang matang napabangon ako ng makitang ala sais na ng gabi.

Jusko. Ganun ba talaga katagal ang ginugol ko sa pagbabasa at pagpirma sa mga bwisit na folder na 'to?

Hindi lang oras ko ang naubos, pati lakas ko.

Drain na drain ako ampoknat!

Nasa ganun akong posisyon ng marinig ko ang pagbukas sara ng pintuan ng opisina ko. Napakunot noo pa ko ng mukha ni Helen ang nabungaran ko.

Ano namang agenda ng baliw na 'to?

"Oh? Anong meron? Bat nandito ka?"

Inirapan naman niya ko bago pabagsak siyang naupo sa upuang nasa harap ko. "Patambay." she simply said

My brows furrowed. "Bakit? Anong nangyari sayo?"

She inhaled deeply. "Wala lang. Bawal bang tumambay?"

Napailing na lang ako. "Paalis na din ako maya maya ee. Pero dahil dumating ka, sige stay muna ko, samahan kita."

"Aww sana all marunong mag stay." bulong niya pero narinig ko parin naman.

Bakit kaya ganun? May mga taong mahilig bumulong pero pinaparinig naman nila sa mga kausap nila.

Parang basag lang ee, 'no.

"Kung marunong ka lang kasi magpahalaga, malamang magi-stay sayo yun." prangkang sagot ko.

Tama naman sinabi ko.

AddictedWhere stories live. Discover now