Chapter XII

1.7K 91 22
                                    

DIKE VANESSA OWENS






Napasilip na lang ako sa relos ko habang nasa kalagitnaan ng traffic. Ano ba naman yan! Wala ba talagang kausad-usad 'to? Ganito na ba talaga ang Pilipinas?

Tss. Kasalanan ko din naman. Nakalimutan kong Lunes nga pala ngayon. Hay buhay talaga.

Tinapik-tapik ko lang ang hintuturo ko sa manibela. Kinse minutos pa lang akong naiipit sa dito sa letseng traffic na 'to pero inip na inip na ko. Parang umuusok ang pwet ko dito sa upuan at gusto na agad makarating sa pupuntahan ko.

Baka kasi naiinip na yung pupuntahan ko at gusto na niyang makita ang presensiya ko. At saka, baka mahuli ako ng dating at hindi niya makain ang mga prutas na dala ko.

Ano na? Hindi ba talaga uusad 'to? Nakakapikon na ah. Kaurat! 

Ilang minuto pa kong naghintay bago tuluyang umusad ang traffic. Para lang akong tanga kanina dahil nagawa ko ng kumanta ng bahay kubo dahil sa sobrang inip ko.

Sino ba namang hindi maiinip hindi ba? Mas nakakainip pa ang traffic, kaysa sa paghihintay na sagutin ka ng nililigawan mo.

Ay wow! Naks.

Halos paharurtin ko na ang sasakyan ko para lang makarating sa Hospital. At mabuti na lang, nakarating agad ako.

Buti naman at pinagbigyan na ko ng kapalaran ngayon. Tss.

Kinuha ko lang ang mga gamit at prutas na nasa backseat ng sasakyan bago ako tuluyang pumasok sa loob.

Wala na kong pakialam kung makita pa ko ni Athena o Justine na nandito basta ang mahalaga, makarating agad ako sa kwarto niya.

Wag na kaya ako pumunta sa Bar? Dito na lang kaya ako magpalipas ulit ng gabi? Tss. Magagalit naman sa'kin si Persephone panigurado. Ano ba naman yan.

Dere-deretso lang ako sa paglalakad mula ng makalabas ako sa elevator. Kumatok pa ko ng tatlong beses sa pintuan ng kwarto niya bago ito tuluyang binuksan.

At kagaya ng lagi kong naabutan, tutok na tutok parin siya sa TV. Ano ba talagang meron sa letseng TV na yan? Nasasapawan ang kagandahang taglay ko ah.

"Dike, iha."

I immediately looked at her. "Magandang gabi po nay, mano po." napakagalang ko talagang bata. Hay.

"Kaawaan ka ng diyos iha." she said, smiling at me.

Napasulyap naman ako sa babaeng hindi man lang napansin ang presensiya ko. Napaka suplada talaga ng babaeng 'to. "Ah nay. May dala pala kong mga prutas."

Ngumiti naman sa'kin ang matanda. "Nako. Salamat iha."

I just smile at her. Hindi naman siya nag-atubiling kunin ang dala ko at inayos sa lamesa. Naglakad naman ako papalapit sa kama ng babaeng hindi man lang napansin ang kagandahan ko.

"Darling" I whispered

She looked at me. Hay salamat. Napansin din ako. "What?" and again, she said with cold voice.

Akala mo hindi niya ko tinawagan kanina kung sungitan niya ko ngayon. Hmp! "Nandito na ko." nakangiting saad ko

Daanin natin sa ngiti ang lahat. Baka kasi pati siya madala at hindi na niya ko sungitan pa. "And, so?"

I pout. Ang hirap naman niyang kausapin. Napaka sungit. "Aren't you happy 'cause I'm here?"

She raised her brow at me. "And why would I?" she asked. "Are you even important to me?"

AddictedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt