Chapter XXVIII

1.5K 77 22
                                    


DIKE VANESSA OWENS


Nanginginig na nagpapabalik-balik ako sa paglalakad. Panay din ang paglunok ko na akala mo'y mababawasan nun ang kabang nararamdaman ko.

Halos maiyak na ko dito sa labas ng kwarto niya habang itong kasama ko, ay prenteng nakaupo lang na parang hindi man lang natakot sa nalaman.

Napailing na lang ako bago ipagpatuloy ang pagpaparoo't parito ko. Paano niya kayang nagagawang maging kalmado sa mga oras na 'to?

"Pwede bang maupo kana muna. Nahihilo ako sayo." she said coldly.

Napabuntong hininga lang ako bago gawin ang sinabi niya at umupo nga sa tabi niya. Napahilamos na lamang ako ng mukha gamit ang palad ko.

Kasalanan ko 'to ee. Kung hindi dahil sa ginawa ko, hindi magkakaganito ang babaeng mahal ko. Ako dapat ang sisihin sa nangyari sa kanya ngayon. Nakakainis. Dapat hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko. Dapat inalala ko ang kalagayan niya.

Ang tanga tanga ko. Jusme!

"Don't blame yourself Owens. Hindi pa natin alam kung ano ang totoong nangyari sa kanya." she said not looking at me

I gulped hard. Nako mapagmahal. Kung alam mo lang baka tuktukan mo pa ko kapag nalaman mo ang kagagahang ginawa ko.

Sorry naman kasi, diba. I just can't resist her. She's freaking gorgeous and hot as hell.  At hindi ako santa para hindi makaramdam ng init sa katawan.

Dapat talaga, iwas-iwasan ko na ang paghalik sa kanya. Natatakot ako ng baka hindi ko makontrol ang sarili ko at baka mas malala pa ang magawa ko.

Saglit pa kaming naghintay na dalawa sa labas bago tuluyang lumabas si Justine na may pag-aalala sa mukha. Mabilis tuloy akong napatayo mula sa pagkakaupo ko at agad na sinalubong siya. Habang si Lovely naman, parang tanga lang dun na nakaupo parin at talagang nagde-kwatro pa.

Siya na talaga.

Siya na talaga ang siga. Tss.

"What happened Justine? How is she?"  I asked worrieldy.

She inhaled deeply. "Okay na siya ngayon. Nakaramdam lang siya kanina ng paninikip ng dibdib dahilan para hindi siya makahinga." she paused and looked at me intently. "Sobrang bilis din ng tibok ng puso ni Lorraine na akala mo'y pagod na pagod siya kaya nagkaganun ang pakiramdam niya."

Napalunok tuloy ako bago lihim na napamura. Ano ba naman yan! Sabi na ee. Kasalanan ko lahat ee! Bwisit talaga.

"Sabihin mo nga sa'min Dike, ano ba talagang nangyari?" kunot noong tanong sa'kin ni Justine

Mabilis naman ako ng nag-iwas ng tingin sa kanya. Napansin ko pa ang kakaibang tinging binibigay sa'kin ni Lovely dahilan para mas lalo akong kabahan.

Jusko. Kapatid niya nga pala ang nilapastangan ko.

Oras ko na ba? Bwisit ah

"Dike Owens." Justine warned

I gulped hard. Pano ba 'to? Argh! "Ano.. ahm... kasi." I cleared my throat. "I kissed her." mahinang saad ko sapat lang para marinig nila.

Nahihiyang napakamot naman ako sa kilay ko bago napayuko. Tatanggapin ko lahat ng sasabihin sa'kin ng dalawang ito pero wag lang nilang ipag-uutos sa'kin na layuan ko si Lorraine. Dahil hindi ko gagawin ang bagay na yun.

"Just a peck?" Lovely asked suddenly. "Or torrid?"

Sunod-sunod naman ang paglunok na nagawa ko. Kailangan ba talagang itanong yun? At kailangan ba talagang sagutin ang tanong na yun?

AddictedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora