Chapter XXXI

1.7K 83 14
                                    


DIKE VANESSA OWENS

Mataman akong nakatitig ngayon sa cellphone ko, nakangiti na akala mo'y ako na ang pinaka masayang tao sa mundo.

Katatapos lang namin mag-usap ni darling at talaga namang ikinatuwa ko yun ng husto.

Kung kayo kaya nasa pwesto ko, hindi din kayo sasaya?

Hay buhay. Ang sarap talaga gumising sa umaga kung ganito ang bubungad sa'kin.

Nasa ganun akong pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto nitong kwarto ko at niluwa nun si mommy na may kakaibang ngiti na nakapaskil sa labi.

Anong nangyari s kanya?

"Mom?"

She just smile at me. Weird. "May bisita tayo."

Nangunot naman ang noo ko. Bisita? Sa ganito ka-aga? Wow ah. "Bisita? Sino?" Kunot noong tanong ko sa kanya

Hindi naman niya ko sinagot bagkus dere-deretso lang siyang umalis ng kwarto ko na akala mo'y wala siyang sinabi sa'kin. Dali-dali tuloy akong bumangon para makapag-ayos na ng sarili.

May bisita daw kasi. Imposible namang sa'kin yun dahil nasa Hospital ang darling ko. At kung mga kaibigan ko naman yun, hindi naman ganun ang ngiti ng nanay ko kung sakali.

Nagugulumihanan ako. Shala.

Ng matapos ako sa morning ritual ko, agad na din akong lumabas ng kwarto ko at tinungo ang sala.

At labis ang pagtataka ko ng makita ang babaeng ito na nandito. Prenteng nakaupo sa sofa habang nakatutok ang mata sa cellphone niya.

Calliope Bernadette Morries...

She's really a goddess like her sister.

I cleared my throat to catch her attention na napagtagumpayan ko naman. Pigil ang sariling mapatawa ako  dahil sa pagkagulat na agad na rumehistro sa maganda niyang mukha.

"Hey Cal." I greet her

I saw how she gulped hard. Tss. "H-hello Ate Dike. Good morning." She stuttered.

I just smile at her. Pakiramdam ko, si Cassandra ang kaharap ko ngayon. "What's brings you here Cal?"

"Ahm." She cleared her throat. "Sinusundo ko po si Daphne." Magalang na sagot niya sa'kin.

I nodded slowly. "Where's mom? Nagka-usap na ba kayo?"

Tumango naman siya sa'kin. "Yes po. Pinuntahan niya lang si Dap." She replied. 

Napatango naman ako. Mukhang sinadya ng nanay ko na maka-usap ko siya ng mag-isa. "Have you eaten Calliope?"

"Yes ate Dike." She simply said

I smile. "Want some coffee?"

"Ahm. Th-.."

"I don't take no as an answer." I cut her off. "Follow me Morries." I added

Hindi ko na siya hinayaan pang makasagot at agad akong tumungo sa kusina namin. Hindi naman niya ko binigo dahil talagang nakasunod nga siya.

Mukhang takot sa'kin ang batang ito. Kakausapin ko pala si Cassandra.

"What do you prefer? Milk coffee? Or black coffee?" I asked her

Her lips formed into a slight smile. "Milk coffee Ate Dike."

AddictedWhere stories live. Discover now