Chapter XXI

1.6K 87 5
                                    


DIKE VANESSA OWENS


"Dike?"

I just smile at her. "Yes darling, ako nga."

Hindi naman niya ko sinagot at mataman lang na nakatingin sa'kin. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Nakakailang ee. Para kasing pati kaluluwa ko nakikita niya sa paraan ng pagtingin niya.

"Darling?"

Napatingin naman ako sa babaeng prenteng nakaupo sa sofa dito, may hawak-hawak na diyarno na akala mo'y lolo ko.

"Oy mapagmahal. Good morning." I greet her

She just raised her brow at me. "Mapagmahal?"

I smirked. Medyo slow siya sa part na yun. Tss. "Oo, ikaw si mapagmahal, hindi ba?"

"Shut up! I'm Lovely, not mapagmahal." irap naman niya

Natawa tuloy ako. Akala mo naman may pagkakaiba yung dalawang word na yun. Ay nako.

Dahil maganda ako, hindi ko na siya pinansin pa at dumeretso na dito sa babaeng nakaupo lang sa kama niya habang nakatingin parin sa'kin.

Mukhang nai-inlove na sa'kin ang darling ko. Tinititigan na niya ko ee.

"Hey, how are you?"

She just sighed. "Kakaalis mo lang kanina. Tapos nandito kana ulit." she paused. "Hindi ka ba papasok sa trabaho?"

Agad naman akong nag-iwas ng tingin. "Tinatamad ako." I lied

Her brows furrowed. "Why? May nangyari ba?"

I just shook my head. "I'm fine darling. You have nothing to worry about me." I give my best smile to assure her that everything's alright.

"Napapansin ko lang, this past few days panay ang absent mo sa trabaho mo." she seriously said "Ayaw kong maging abala sayo Dike."

"Hey. Kahit kailan hindi ka naging abala sa'kin." maagap na sagot ko.

Mas nagiging abala pa nga yung trabaho ko sa'ming dalawa. Charot lang.

"Napaka haharot niyo. Ang aga-aga ee." sabat naman ng isa.

Imbes na irapan at asarin siya, napatawa na lang ako. Aba. Kasalanan ko bang mas pinili niyang maging audience. Choice na niya yan 'no.

"Lalabas na muna ako. Nakakairita kayong panoorin." dagdag pa niya

Tuluyan na kong napatawa ng malakas. Hindi nga nakatiis ang gaga. Bahala siya. Basta ako, masaya.

"Dike"

I immediately looked at her. "Hmm?"

She didn't answer me instead she's staring at me intently. Lihim naman akong napalunok. Bakit ba ganito siya kung makatitig? Parang lagi niyang binabasa ang kilos ko na akala mo'y nakagawa ako ng kasalanan sa kanya.

Nakakatakot talaga siya.

"How are you?" she finally asked

I gulped hard. "I'm great darling."

She nodded slowly. "Kumain kana ba?"

Napatango naman ako. "Oo, kanina pa."

AddictedWhere stories live. Discover now