Chapter VI

1.7K 97 4
                                    


DIKE VANESSA OWENS




Mariin akong napapikit ng tuluyan kong maihinto ang sasakyan ko dito sa parking lot ng Hospital.

Buong akala ko, matatanggal ang stress at pagod sa katawan ko kaya naisipan kong magkape, pero hindi ganun ang nangyari. Mas lalo lang akong nastress.

Bakit ba may mga taong babalik para guluhin ang tahimik mong buhay? Sana hindi na lang sila umalis sa una palang kung babalik din naman pala sila sa huli.

Tss. Buhay nga naman, parang life.

Ilang minuto din ang nilaan ko para sa pagmumunin ko ng mapagdesisyunan kong lumabas na ng sasakyan. Hindi pa naman malalim ang gabi, gusto ko lang siyang dalawin.

Kinuha ko na din ang pagkain na binili ko sa daan kanina. Sabi ko naman kasi kahapon diba, hindi ako pupunta dito ng walang dalang kahit na ano.

Hindi pa ko nakakalayo ng biglang may sumanggi sa'kin. Mabuti na lang at mabilis ang kilos ko kaya hindi ko nabitawan ang mga pagkaing dala ko.

Anak talaga ng tokwa.

Ano bang meron ngayon at saksakan naman ata ng malas ang araw na 'to?

"Dike?!"

Napakunot noo ako. Kanina pa pinagtatagpo ang landas naming dalawa ah. "Ikaw na naman Kend? Ano bang ginagawa mo dito?"

Mas lalong kumunot ang noo ng agad siyang mag-iwas ng tingin sa'kin. "Hoy Selene Kendra, tinatanong kita. Ano kakong ginagawa mo dito?"

"Dinalaw ko si Athena. Oo, dinalaw ko siya. Bakit ba? Kanina ka pa tanong ng tanong ah."

Dinalaw daw. Nako talaga. "Dinalaw? Wews? May sakit ba si Minerva?"

"Alam mo, ang dami mong tanong. Aalis na ko. Bahala ka dyan."

Napangisi na lang ako habang pinagmamasdan siyang nagmamadaling umalis sa harapan ko. Ni isang sulyap hindi man lang niya binigay sa'kin. "Si Athena ba talaga dinalaw mo? O yung ex mo?" nakangising turan ko

Pero ang bruha, inirapan lang ako. "Shut up dumbass!"

Natatawang napailing na lang ako. Isa pa ang babaeng iyon, wag na wag siyang dadagdag sa mga samahan ng taong tanga. Hay nako.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ko imbes na isipin pa yun. Malaki na ang kaibigan kong yun, alam na niya ang tama sa mali.

Mabilis ang paghakbang na ginawa ko. Iniwasan ko pang magtagpo ang landas namin ni Athena. Mahirap na at baka ma-issue pa ko ng babaeng iyon. Saksakan ng daldal ang bruhang iyon ee.

Napahinga pa ko ng malalim ng huminto ako sa tapat ng pintuan ng room niya. Ito na naman ang kakaibang pakiramdam na hindi ko mawari kung ano. Ganito nga talaga siguro kapag kasing sungit ni Ianthe ang makakausap mo. Jusko.

Kumatok lang ako ng tatlong beses bago dahan-dahan buksan ang pinto. At gaya ng inaasahan ko, siya agad ang nakita ko. Tutok na tutok sa TV. Maganda naman talaga siya, pero sa tingin ko mas gaganda siya kung ngingiti siya.

"Dike, iha."

Napangiti ako. "Mano po nay." shet. Ang galang ko talaga. "Magandang gabi po."

"Kaawaan ka diyos iha. Ginabi ka ata." malambing na tugon niya.

Konti na lang mapupunit na ang labi ko dahil sa laki ng pagkakangiti ko ngayon. Bigla ko tuloy na-miss si mommy. "Sorry po kung ginabi ako. May mga inasikaso pa po kasi ako." I paused. "Ahm, may dala po pala akong pagkain, kumain na po ba kayo?"

AddictedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang