Chapter XXVI

1.5K 80 4
                                    


DIKE VANESSA OWENS




"Nasan siya?"

Isang sulyap lang ang tinugon sa'kin ni Lovely bago muling ibalik ang tingin niya sa diyaryong nasa harap niya.

Kung masungit at suplada si darling, mas lalo na siya. Talagang magkapatid nga silang dalawa. Parehong-pareho ng ugali.

"Hoy mapagmahal. Nasaan kako ang kapatid mo?" pag-uulit ko. Baka kasi bingi na siya ee. Tss.

At ang bruhang ito, aba inirapan lang ako. Napaka taray talaga. "Nasa rooftop. Yun ang sabi mo hindi ba?"

I smirked and crossed my arms over my chest. "No, yun ang 'utos' ko sayo." talagang in-emphasize ko pa yung word na utos. Wala lang. Trip ko lang siya asarin. Haha

She glared at me. "You midget."

Napatawa na lang ako. Bukod sa masungit ang isang 'to, napaka pikon din. Tss tss. "Hindi ka ba pupunta dun?"

Hindi naman niya ko sinagot bagkus binalik lang ang atensiyon sa dyaryong binabasa niya kanina. Napailing na lang ako bago tapikin siya sa balikat at umalis na sa kwartong yun.

Alam ko, deep inside masaya yan. Masaya siya para sa kapatid niya. At alam ko din, kahit gaano kalamig ang pakikitungo niya sa ibang tao, napaka buti ng loob niya.

Hindi niya maitatago sa'kin yun.

Tinungo ko lang ang lugar kung saan una kaming nagkakilala ni Lorraine. Napangiti tuloy ako habang pinagmamasdan ang repleksiyon sa pintuan ng elevator kung nasaan ako ngayon.

May bitbit din akong extra jacket just incase na kakailanganin niya. Mahina ang katawan ni Lorraine kaya malamang, hindi niya kakayanin ang lamig mamaya.

Pero wala siyang dapat ikapag-alala dahil nandito ako. Hinding-hindi ko siya papabayaan.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa elevator, bumungad lang sa'kin ang mag-asawang seryosong nag-uusap. Napakunot noo tuloy ako. Nagtatalo ba sila?

"Hey! Couple!"

Hindi naman ako nabigo sa pagtawag ko at agad nila kong nilingon. Hindi pa nakaligtas sa'kin ang mapulang mata ni Athena na sa tingin ko ay galing lang sa  pag-iyak. Anyare?

"What happened?" I looked at Lache. "Nag-away ba kayo?"

Mabilis naman siyang umiling sa'kin. "No, hindi kami nag-aaway."

I raised my brow to her. "Really ah?"

Pero ang kaibigan ko, inirapan lang ako. Parang silang mga tanga. Ano bang agenda ng mga ito at dito pa nagdadrama?

"It's just a tears of joy Owens." Athena said, sniffles

My brows furrowed. "Tears of joy?"

"I'm pregnant dumbass." barumbadong sagot ng dakila kong Ex

Literal na nanlaki ang mata ko, isama mo pa na naka-awang din ang bibig ko ngayon. Anak ng tokwa! Buntis ang gaga!

"Seryoso ka?" gulat na tanong ko

Pero ang isang 'to, aba inirapan ako. Sinamaan ko naman ng tingin ang asawa niyang tinawanan lang kaming dalawa. Para talaga silang mga tanga. Jusko. "Mukha ba kong nagbibiro Owens?"

Alanganin naman akong napatawa bago nahihiyang napakamot sa ulo ko. Edi oo na. Buntis nga siya. Galit na galit agad ee.

"Nice one Lache, sharp shooter ka talagang babae ka." Natatawang bati ko

AddictedWhere stories live. Discover now