Chapter II

2.2K 101 3
                                    


DIKE VANESSA OWENS




"Hala shet! Magpapakamatay yung babae!"

Jusko po. Wag talaga siya magtatangkang tumalon dahil panigurado, hindi ako makakatulog ng ayos. "Babae? Sinong babae?"

Kinakabahang nilingon ko ang buntis kong kaibigan. "Yung babae sa rooftop! Tatalon siya!"

Nagtatakang tiningnan niya ko bago tumayo at sumilip din sa bintana niya. Nandoon parin yung babae, nakatulala. Mukhang pinag-iisipan ang gagastusin ng pamilya niya kung sakaling magpapakamatay nga siya. Jusko. "Relax Dike. Hindi yan magpapakamatay."

My brows furrowed. "Ha? Sure ka?"

She nodded at me, smiling. "Yep. Patient yan ni Justine."

Nakahinga naman ako ng maluwag kahit papaano. Hindi naman pala magpapakamatay. Safe ang konsensiya ko. "Kilala mo ang babaeng yun?"

"Sa pangalan." she simply said. "Pero hindi kami close. Hindi siya nakikipag-usap kahit kanino, maliban kay Justine."

Tumango lang ako bilang tugon bago ibalik ang atensiyon sa babaeng nasa rooftop ngayon. Para akong tanga sa totoo lang, talaga lang nagawa ko pang isipin na magpapakamatay ang babaeng iyon. Napahinga ako ng malalim bago humarap ulit sa kanya. "Pano arte, mauuna na ko. Okay ka lang ba dito?"

She nodded and  looked at me. "Thank you Dike. Nabusog ako."

Napatawa naman ako. Ibang klase talaga ang mga buntis. Saglit ko lang siyang dinampian ng halik sa noo bago tuluyang lumabas ng opisina niya.

Ilang hakbang pa lang nagagawa ko ng mapatigil ako at mapa-isip. Nasa rooftop pa kaya ang babaeng yun?

Hindi ba talaga siya tatalon? Pano kung tumalon nga siya? Edi kargo de konsensya ko nga? Pero sabi naman ni Thalia, hindi naman daw tatalon yun. Pero pano kung tumalon nga siya?

Ee bakit ko ba siya iniisip? Jusko.

"Damn it!" bulong ko. Fine! Sisilipin ko lang siya. Saglit lang ako. Tss.

Mabilis ang paghakbang na ginawa ko para makapasok agad sa elevator. Buti na lang at hindi ko nakasalubong si Minerva o kaya si Justine dahil panigurado, malalaman nila ang agenda ko. Napaka daldal pa naman ng dalawang yun. Tss.

Saglit lang naman akong naghintay bago tuluyang bumukas ang elevator kung saan ako pupunta. Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ko habang paakyat ng hagdan. Sa hindi malamang dahilan, napahinga pa ko ng malalim bago dahan-dahang buksan ang pintuan.

At gaya nga ng inaasahan ko, likod ng babaeng yun ang bumungad sa'kin. Mahaba ang kulay brown niyang buhok. Matangkad din siya, kung ikukumpara sa mga kaibigan ko, kasing tangkad niya si Helen na 5'11 ang height.

Napakamot naman ako sa sintido ko ng marealize ang tunay kong pakay dito. Ngayon ko lang napansin, para akong tangang basta-basta sumugod dito. Jusko. Nakakahiya.

"Who are you?"

Napapitlag pa ko sa gulat ng magsalita siya. Anak ng tokwa.

At sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko na din sa malapitan ang mukha niya. Masasabi kong, maganda siya. Para tuloy akong tuod dito na hindi makapagsalita at ang gusto gawin lang ay ang titigan siya.

She's definitely a goddess.

"Who are you?"

Doon lang ako nabalik sa ulirat ng magsalita ulit siya. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil sa malamang, titig na titig ako sa kanya kani-kanina lang.

AddictedWhere stories live. Discover now