Chapter I

4.1K 109 8
                                    


DIKE VANESSA OWENS

"May meeting pa ba ko ngayong araw?" tanong ko sa sekretarya ko.

Katatapos lang ng pangatlo ko meeting ngayon, at ang masasabi ko lang ay talaga namang nakakapagod.

Nakakapagod ang umupo sa swivel chair pakinggan sila. Ang sakit na nga ng pwet ko ee. "Wala na po Ms. Owens."

Tila nagliwanag naman ang buong awra ko. Shet lang! Makakapagpahinga na ko. Hay salamat! "Sure yan Bea ah? Baka naman prank lang yan."

She chuckled. "Sure po Ms. Owens. Pwede kana makapagpahinga."

My smile widened. "Salamat Bea. At ikaw din, pwede ka ng magpahinga."

She nodded at me. "Thank you Ms."

Tumango lang din ako sa kanya bago dere-deretsong pumasok sa opisina ko. Pasalampak pa kong naupo sa sofa, this day, is fucking tiring day!

Napagod ako. Pakiramdam ko, naubos ang lakas ko. Jusko. Kahit kailan talaga, hindi ko pinangarap na humawak ng malaking kumpanya. Pero dahil panganay ako at isang mabuting anak, sinunod ko ang gusto nila.

Hay buhay. Kailan kaya ako magkakapamilya?

Napanguso naman ako sa kawalan. Yung mga kaibigan ko, may kanya-kanya ng pamilya. Samantala ako, halos mamuti na ang mata sa kakahintay sa taong mapapangasawa ko.

Ang unfair lang ng mundo sa'kin, ako naman ang kauna-unahang nagkajowa noon sa'ming magkakaibigan ah, pero bakit ang olats ko naman ata ngayon?

Maganda naman ako. Mas maganda pa nga ako sa mga pinsan ko ee. Masipag din ako. Sabi ni mommy, ang hardworking ko daw. Dapat daw maghanap na ko ng magiging asawa ko. At saka, mabuti naman akong tao. Ang dami ding nagsasabi sa'kin nun, pero bakit wala akong napupusuan na maging asawa ko?

Mag post kaya ko sa facebook. Ipopost ko, "wala akong jowa, pm kung same."

Napailing ako. Para akong tanga. Mukhang sa'kin mangyayari ang lagi kong sinasabi noon kay Athena na mamatay siyang single.

Napaka-unfair. Tss.

Sana may Jeremiah din ako.

Sana may Odysseus din ako.

Sana may Brier din ako.

Sana may Gwenn Ann Marie din ako.

Sana may Lachesis din ako.

Sana may Autumn din ako.

T-ngina! Puro sana! Sana! Sana! Sana!

Imbes na magmukmok lang ako dito, tumayo na lang ako at kinuha ang bag ko. Uuwi na lang ako. Maglalaro na lang ako ng COD sa bahay. Para naman marelax ang kalamnan ko.

Naabutan ko pa si Bea na subsob sa pagtatrabaho niya. She greet me and I just nodded at her. Dere-deretso lang ang paglalakad ko at hindi na pinansin ang mga empleyadong panay ang bati sa'kin. Hindi naman sa suplada ako, wala lang ako sa mood na batiin sila pabalik.

Saglit lang naman ang ginugol ko sa paglalakad at nakarating ako agad sa parking lot. Akmang papasok na ko sa loob ng sasakyan ko ng may mapansin akong isang pamilyar na pigura papalapit sa pwesto ko.

Nakakainis. Ang labo na ng mata ko.

"Hey Dike."

My eyes widened. "Hey Brook. Sorry, hindi kita napansin agad."

She just smile at me. "It's okay. Pero mukhang kailangan mo na ipatingin yang mata mo."

Nahihiyang napakamot na lang ako sa batok ko. Ang tagal na kong sinasabihan nina mom about dito, pero sadyang wala lang talaga akong time kaya hindi ko magawang magpatingin sa Doctor. "Don't worry magpapatingin na ko."

AddictedWhere stories live. Discover now