Chapter XXIV

1.5K 87 28
                                    


DIKE VANESSA OWENS


Halos nanginginig na kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Lorraine bago ito tuluyang buksan. At gaya nga ng inaasahan ko, nandito siya.

Damn it! Ano bang hangin ang pumasok sa utak niya at talagang naisip niyang pumunta dito? At sa ganoong kalagayan niya pa.

"Owens" Lovely greet at me

I gulped and nodded at her. "Hey"

Napabalik naman ang tingin ko sa dalawang babaeng prenteng nakaupo at matamang nakatingin sa'kin. Napalunok tuloy ako.

Bakit ba ganyan sila? Bakit parang may kasalanan akong nagawa at ngayon nila ko pagpaplanuhing patayin ko? Jusko. Nakakatakot ang mga tingin.

"Ano? Tatayo ka na lang diyan?" and again, si Lovely ulit.

Nahihiyang napakamot naman ako sa kilay ko bago humakbang papalapit sa babaeng mahal kong prenteng nakaupo sa kama niya.

"Hi" I greet and give a peck in her forehead. Hindi naman nakaligtas sa'kin ang pag-ilap ng mga mata niya at mabilis na pagpula ng pisngi niya. Napangiti naman ako.

Bakit ang ganda-ganda niya sa paningin ko?

Napaiwas lang ako ng tingin sa kanya dahil sa pagtikhim ni mapagmahal. Inis na nilingon ko naman ang babaeng nakataas lang ang kilay sa'kin ngayon.

Sabunutan ko kaya ang isang 'to para naman madala. Tss.

"Ang haharot niyo. Baka nakakalimutan niyong dalawa kaming nandito." she rolled her eyes at me. "Fashnea"

Napakagat labi na lamang ako para pigilan ang pagtawag ko. Hanep. Aba'y fan ng Encantadia ang gagang ito.

"Dike"

Pakiramdam ko ng mga oras na 'to, miski sariling laway hirap akong lunukin. Ngayon ko lang naalala na kasama pala namin siya. "H-hey"

She just smile at me. Habang ako, hindi ko na mabilang kung ilang beses na paglunok ang nagawa ko para kalmahin ang sarili. "Anong ginagawa mo dito?" buong lakas na tanong ko sa kanya.

She just shrugged. "Why? Bawal ba?" she paused and looked at Lorraine. "Gusto ko siyang makilala."

Lihim kong naiyukom ang kamao ko. Ano ba talagang gusto niya? At saka, paano niya nalaman ang tungkol kay Lorraine?

"She's Lorraine." saad ko. "Kilala mo na siya."

Hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip niya. Basta ang alam ko, sa mga oras na 'to hindi siya ang babaeng minahal ko sa loob ng ilang taon. At natatakot ako na baka kung anong gawin niya, hindi sa'kin kundi kay Lorraine.

"So, she's your new girl?"

I clenched my fist and glared at her. "Shut up Larisa." I paused. "First, she have a name, and it's Lorraine. Second, she's just not a girl, she's unique and amazing woman despite of her flaws." Buong tapang kong nilingon ang babaeng pinaglalaban ko. "And lastly, I love her. So please, stop this attitude of yours. Hindi nakakatuwa."

"Dike, please calm down." Lorraine said all of sudden. Naramdaman ko pa ang marahang paghaplos niya sa kamay ko para tuluyang kumalma ang sistema ko.

Kahit papaano, unti-unting nawawala ang inis ko. Ayaw kong maging bastos sa kanya dahil may pinagsamahan din naman kaming dalawa, pero hindi ko matatanggap kung harap-harapan niyang gaganituhin ang babaeng mahal ko.

Walang pwedeng magsabi sa kanya ng ganun, miski ako pa.

Hindi naman niya ko sinagot bagkus mataman lang na nakatingin sa'kin. Hindi naman ako nagpatalo at talagang nilabanan ko ang tinging pinupukol niya sa'kin.

Addictedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें