Chapter XIII

1.6K 92 11
                                    


DIKE VANESSA OWENS






"Hoy Dike! Umayos ka nga. Ang likot-likot mo." sita sa'kin ni Minerva

Inis na napakamot naman ako sa batok ko. Hindi ako mapakali. At hindi ko din mahanap ang pwesto ko na talaga namang kinakainis ko.

"Parang ka kiti-kiti Owens. Magtigil ka nga sa isang pwesto lang. Nahihilo ako sayo ah." Iritang saad ni Cassandra

Napanguso na lang ako bago pasalampak na nahiga sa sofa. Nandito kami ngayon sa mansion ng bruhilda kong pinsan. Nagkayayaan kasing tumambay dito at namimiss na daw nila. Pero syempre, maliban lang kay Thalia na hindi na pwedeng magpagod ngayon dahil sa maselan ang pagbubuntis nito.

Mabuti na lang at hindi nila kasama ang mga asawa kundi magmumukha na naman akong audience nila.

Napanguso ako bago silipin ang cellphone ko. Nakakaurat talaga 'tong si darling. Nakakailang text na ko sa kanya hindi man lang niya ko magawang replayan ni isa.

Nakakatampo siya. Hindi ba niya na-appreciate na nagtetext ako?

Hindi ba talaga nagana yung charms ko sa kanya?

Anong silbi ng phone niya kung hindi niya ko rereplayan? At saka, wala ba siyang load? May load yun, natawagan niya nga ako noong isang araw ee. Tawagan ko kaya siya?

Ee nahihiya ako.

Anak ng tokwa talaga. Ngayon pa ko nahiya. Kainis!

"Kumain muna kayo."

Pinatong ko na lang muna ang cellphone ko dito sa sofa bago tumayo. Kakain na lang ako. Baka sakaling pagkatapos ko kumain, magtext na siya sa'kin. Baka kasi hindi niya lang alam yung irereplay niya. Alam niyo naman.

Dakilang pabebe din ang isang yun.

"Hoy! Ano yan? Stress eating ka?" taas kilay na tanong naman sa'kin ni Penelope

Inirapan ko lang siya. "Wala kang paki. At saka, wag niyo nga akong pakialaman." Naiinis ako ngayon. Kaya wag nila kong simulan. Ay nako!

"Ay shala highblood. Meron ka?" Selene asked, smirking at me

Umirap akong muli bago batuhin siya ng isang pirasong french fries, pero ang gaga sinambot lang yung hinagis ko tapos kinain niya.

Ibang klase talaga.

"Hey, wag niyong paglaruan ang pagkain." pag-awat sa'min ni Venus

Ngumiti lang ako sa kanya. Mabuti pa ang babaeng ito, mabait. Hindi ako inaasar katulad ng mga witch naming kaibigan. "Sorry po mommy." mapang-asar na sagot naman ni Kendra

Napailing na lang ako. Sipain ko siya dyan ee. Kagabi pa siya namumuro sa'kin. Tss.

"Hey! Uno na ko!" Cassandra hissed

"And so? Edi plus four ka." Athena said to her, smirking.

"What the hell? Ang daya mo ah!"

"Pwede bang maglaro na lang tayo ng hindi nag-iingay? Ang sasakit niyo sa tainga ah." inis na saad naman ni Helen sa kanila

Napailing na lang ako sa kanila bago sunod-sunod na sinubo ang popcorn sa bibig ko. Kaya ayaw kong nakikisali sa laro nilang yan ee. Mag-aaway lang yang mga yan na akala mo'y dalaga at walang mga anak.

AddictedWhere stories live. Discover now