Chapter III

2.2K 84 9
                                    


DIKE VANESSA OWENS




"Ms. Dike"

Agad na napabaling ang tingin ko sa sekretarya kong kakapasok lang. "Yes Bea?"

"May meeting po kayo with Mr. Florence Reynold, The CEO of Cevanski Company."

Napasandal naman ako sa swivel chair ko bago marahas na napahilot sa sintido ko. Buong akala ko wala na kong meeting pa, meron pa pala. Jusko.

May pupuntahan pa ko!

I sighed. "What time?"

"3:00 in the afternoon Ms. Dike." pormal na sagot niya sa'kin.

Saglit akong sumulyap sa relos ko at agad na tumulis ang nguso ko ng makitang alas dos ng hapon na. Ano ba naman yan. Hindi ba pwedeng i-reschedule na lang? May pupuntahan pa ko.

"Ms. Dike?"

I let out a heavy sigh. "Please, call Mr. Reynold. Sabihin mo sa kanya na next week na lang ang meeting namin na dapat ay mamaya."

Her brows furrowed. "But, are you sure Ms.?"

I immediately nodded at her. "Yes Bea." I inhaled deeply. "May kailangan pa kasing puntahan."

She just smile at me. "Okay Ms. Copy that." ngumiti na lang din ako pabalik sa kanya. Ito ang pinaka gusto ko kay Bea, hindi lang basta secretary ang turing ko sa kanya, para sa'kin isa din siyang mabuting kaibigan. Alam na alam niya kung kailan ako dapat kulitin at hindi.

At huhulaan ko, iba ang natakbo sa isip niya ngayon.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makalabas na siya ng opisina ko. Napabuga na lang ako ng malakas na hangin bago magpadausdos sa swivel chair ko.

I'm fuking effin tired.

Parang gusto kong bumalik sa nakaraan kung saan umuut-ut lang ako ng chupon. Napaka hirap talagang magbanat ng buto.

Ngayon masasabi ko, alam ko na ang pakiramdam ng mga magulang ko.

Hay buhay.

"Vanessa"  

Napaayos ako ng pagkaka-upo dahil sa biglang pagsulpot ng lalaking una kong minahal. "Mr. Owens." pormal na sagot ko

He just smile at me. "Daughter."

My lips curved into a slight smile. Mukhang hindi usapang kumpanya ang pinunta niya dito. "Have a sit."

Hindi naman siya nag-atubiling umupo sa upuan na nasa harap ko. Mapait akong napangiti. Magkasama kaming nagtatrabaho sa kumpanyang ito, pero hindi man lang kami makapag-usap ng maayos. "How are you Vanessa?"

I cleared my throat. "I'm fine Dad." I paused looked at him, directly in his eyes. "I'm always fine." I added.

He nodded slowly. "Your job, how is it going?"

Peke akong ngumiti sa kanya. "Okay lang naman Dad. Wag kang mag-alala, ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko. Gaya ng gusto mo."

His lips formed into a bitter smile. I just shrugged it. Ayaw ko ng mga bagay na pumapasok ngayon sa isipan ko. He cleared his throat. "Your mom, how is she?" mahinang tanong niya

Wala sa sariling niluwagan ko ang neck tie na suot ko dahil sa biglang pagtatanong niya patungkol sa mommy ko. "Is she doing great?" he added.

I just smile at him. "Yes dad, she's fine. Malaki ang nagbago kay mommy."

"Like?"

AddictedWhere stories live. Discover now