Chapter XXII

1.5K 69 3
                                    


DIKE VANESSA OWENS





"Hey Owens!"

Napa-angat ang tingin ko mula sa pagbabasa para matingnan ang taong tumawag sa napaka ganda kong pangalan.

And there he is, standing infront of me, smiling from ear to ear.

Napangiti na lang din ako. Ang gwapo na nga ni ungas. "Hey, Valencia."

He just chuckled. "Pwede maki-upo?"

Nakangiting tumango ako sa kanya. Hindi naman siya nag-atubili pa at agad siyang umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Naitiklop ko tuloy yung binabasa kong story. "So, what's up?"

I just shrugged. "Nothing new Andrew." I paused and take a sipped in my coffee. "You know, this past few days I felt ecstatic." I said, smiling from ear to ear.

Isang matamis na ngiti lang ang tinugon niya sa'kin. Kitang-kita ko tuloy yung mga ngipin niyang mas maputi pa sa puti. Naks. Kintab ah.

"I'm glad to hear that Dike." He take a sipped in his coffee. "Me too. I'm felt great."

I chuckled. "Really?"

He nodded immediately. "Yes. Nakita na kasi kita."

Napatawa na lamang ako. Masyado siyang smooth sa part na yun. Pero kahit gaano parin ka-smooth ang sinabi niya, hindi parin tatalab yun sa'kin.

Hindi parin siya ang gusto ko.

Hindi ko siya sinagot bagkus tinuon ko lang ang pansin ko sa librong binabasa ko kani-kanina lang. Pinahiram sa'kin 'to ni darling kaya syempre, todo basa ako.

At infairness, magaling siya pumili ng mga librong babasahin niya. Ang ganda ee. Kahit ako na hindi mahilig magbasa, nagkaroon ng intensiyon basahin ito.

"Dike"

"Hmm?" I response without looking at him.

"Ahm. Gusto sana kitang yayain mamaya." he cleared his throat. "Are you free tonight?"

Mabilis akong napatingin sa kanya. Hindi naman sa ayaw ko kay Andrew. Ayaw ko lang na paulit-ulit sa mga bagay na alam kong tapos na. "Andrew, I'll be honest with you." I sighed. "I don't want to go out with you." prangkang sagot ko

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya. Nakaramdam ako kahit papaano ng konsensiya pero tulad ng lagi kong sinasabi sa babaeng mahal ko, nagbago na ko.

I took a deep breath. "Listen man, I already love someone." I paused. "At ayaw kong madungisan ng kahit anong kasalanan ang pangalan ko."

He nodded slowly. "I get it." his lips curved into a slight smile

I gulped hard. "Gusto kong mapasakin ang babaeng mahal ko. Gusto kong magsimula ng bagong buhay kasama ang babaeng yun. At gusto ko, kung papasok ako sa isang relasyon kasama siya, walang espasyo ang salitang 'panloloko' sa aming dalawa." deretsong dagdag ko

Napahinga ako ng malalim bago hawakan ang baso ko. Napatuon din ang pansin ko sa kapeng hindi ko pa nauubos.

"Naiintindihan ko Dike."

Napa-angat naman ang tingin ko sa kanya. Kung kanino, balot na balot siya ng malungkot na awra, ngayon naman nakangiti na siya. Pati nga mata nakangiti din.

Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ba ko sa ngiti niyan yun o hindi.

Napaka galing talaga niya magtago ng nararamdaman.

AddictedWhere stories live. Discover now