Chapter XVI

1.5K 85 5
                                    


DIKE VANESSA OWENS


"Justine"

Napatuwid ako ng makita siya. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil nagpakita siya kahit na ayaw niya.

"Dike, what the hell are you doing here?"

I took a deep breath. "Sorry kung naabala kita. Gusto ko lang malaman kung kamusta na siya?"

Pagkatapos ng pag-uusap namin ng dalawa kong kaibigan sa mansion, dito na agad ako dumeretso. Hindi ko na kasi kaya. Hindi ko na kayang hindi siya nakikita.

"She's fine Dike. Nothing to worry about her." she seriously said

I nodded slowly and sighed in relief. "Can I see her?"

"She doesn't want to see you." walang kagatol-gatol na tugon niya

Napayuko ako. Napaka prangka talaga ng babaeng 'to. Wala talagang paliguy-ligoy at talagang sinupalpal sa'kin ang salitang yun.

Nakakasakit siya ng damdamin. Tss.

"Please, I just want to see her."

Hindi naman niya ko sinagot at pinakatitigan lang ako ng mariin. Hindi ako nagpatalo sa kanya at nilabanan ko ang tinging binibigay niya sa'kin.

Ngayon pa ba ko susuko? Kung kailan sigurado na ko sa nararamdaman ko?

Hindi ko titigilan si Lorraine hangga't hindi ko nasasabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.

Kung noon, hindi ko alam ang sagot sa tanong niyang "bakit ko ginagawa ang lahat ng 'to". Ngayon, alam na alam ko na.

At gusto kong sabihin sa kanya iyon. Ngayon mismo. Hindi ako papayag na matapos ang araw na 'to na hindi ko man lang masabi sa kanya ang totoo.

"Can you please be honest with me?" she paused. "Why are you doing this to her?"

I gulped hard. "She's special to me Justine."

She nodded slowly. "Me too, she's special to me." her lips curved into a slight smile before she leaned in my car. "Hindi lang siya basta pasyente para sa'kin. 'Cause in my heart she's my sister." she added and looked at me. "At kapag mahalaga sa'kin, hindi ko nilalagay sa alanganin. Tell me Dike, what do you want from her?"

I was about to open my mouth when she suddenly spoke. "Wag na wag mo siyang isasama sa mga listahan ng mga babaeng pinaiyak mo."

Naiyukom ko ang kamao ko. Bakit na lahat sila ganiyan ang tingin sa'kin? At saka, hindi naman ako nagpaiyak ng mga babae ah. Ako nga pina-iyak nila ee. "Maganda ang intensiyon ko kay Lorraine."

She just smirked at me. "You're Owens." she paused. "I don't want to hurt you, pero kilala ang mga Owens sa pagiging manloloko."

Napahinga ako ng malalim. Nakakainis lang at naging Owens pa ko. "Mahal ko si Lorraine." I admitted. "At hindi ko siya lolokohin gaya ng nasa isip mo."

Hindi naman nakaligtas ang bahagya niyang pagkagulat. Napatuwid pa ang tayo nito at mataman  akong tiningnan. Napahinga na lang ako ng malalim. "Mahal ko ang tinuturing mong kapatid." I paused and leaned in my car. "Mahal ko siya dahil mahal ko siya. Hindi dahil sa naaawa ako sa kanya o ano." I looked at her. "Kahit napakasungit ng babaeng yun, hindi ko itatangging nakuha niya ang puso ko sa pagsusungit niya." I chuckled. Siya lang babaeng hahayaan kong sungitan o dedmahin ko. Dahil mas gugustuhin kong maghabol ng atensiyon niya.

Pero kapag naging mag-asawa na kami, hindi ako maglalagay ng TV. Hmp!

"She make me feel complete. She complete me in a unique and wonderful way." I sincerely said. "She make me a better person just for knowing her."

AddictedWhere stories live. Discover now