Chapter V

1.7K 80 14
                                    


DIKE VANESSA OWENS





Napahilot ako sa sintido ko habang inaaral ang isang article patungkol sa mga sakit sa puso. At ang masasabi ko lang, nakakasakit sa ulo. Jusko. Mabuti na lang at hindi sumagi sa isip ko ang pagiging doctor, baka unang araw pa lang, sumuko na ko.

Feeling ko nga walang pumasok sa isip ko miski isang word. Hay buhay nga naman, parang life.

Napasandal na lang ako sa upuan bago napatingin sa labas ng bintana. Maaga akong umalisa kumpanya. Bigla kasi akong nag-crave sa kape kaya dito muna ako tumambay sa Starbucks malapit sa kumpanya ni Dad. Yes, kay Dad yun kasi hindi naman sa'kin.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong magsearch tungkol sa mga sakit sa puso. Ayaw ko namang magtanong kay Athena dahil panigurado, aasarin lang ako ng babaeng iyon. Ayaw ko din naman magtanong kay Thalia, dahil nasa leave ang gaga.

Maaga siyang nagleave, dinugo kasi siya noong isang araw na labis naming ikinabahala. Wala na siyang nagawa pa ng pagkaisahan namin siyang magkakaibigan na magleave na lang. Natawa pa ko sa loob loob ko ng maalala ang itsura ni Brooklyn nun. Para siyang tinuklaw ng ahas sa sobrang pagkaputla niya. Ibang klase, edi sila na talaga ang tunay na nagmamahalan.

"Dike?"

Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Bahagya pa kong nagulat ng makita ang taong tumawag sa napaka ganda kong pangalan. Shet! "Andrew. Hey."

He just smile at me. "Pwede bang maki-upo?"

Natawa naman ako ng mahina. "Oo naman. Hindi naman sa'kin ang table na 'to para magpaalam ka pa."

Nahihiyang ngumiti naman siya sa'kin bago umupo sa harap ko. Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan. Ang laki na ng pinagbago niya, hindi na siya katulad ng dati na patpatin at mala-Jose Rizal ang style ng buhok.

"Kamusta kana?" pagsisimula ko.

Saglit naman siyang sumimsim sa kape niya bago humarap sa'kin. "Doing great. How about you?"

I just shrugged at him. "Doing good? I guess."

He laughed. Wow lang. Pati pagtawa niya nag-iba na. Ang manly na ng dating. "Kilalang-kilala ang pangalan mo sa Industriya."

Napatawa na lang ako. Kala mo naman siya hindi. "Ikaw din naman ah. Akalain mong magiging model ka pala."

Nagulat talaga ko ng isang beses na makita ko siya sa TV. Akalain mong ang patpatin at baduy na lalaki noon, aba'y model na ngayon. Ibang klase. Dang gwapo ee. "Well, ako paba."

I smirked. "Well, para sa'kin. Isa paring patpatin na estudyante ng Brandon."

Natawa naman ako ng bigla siyang umirap sa'kin. Akalain mong magagawa na niya kong irapan ngayon. Wow lang talaga. "Alam mo, napakasama talaga ng ugali mo."

I chuckled and shook my head. "Pero nagustuhan mo." napangisi naman ako ng makita ang biglang pamumula ng magkabilang pisngi niya. "Muntik na nga kitang sagutin noon dahil sa cake na binigay mo ee. Salamat ah."

"Shut up Owens!" 

Malakas na napatawa ako na naging dahilan para makuha ko ang atensiyon ng ibang customer na nandito. Hinayaan ko na lang sila. Hindi naman ako katulad ni Cassandra na iirapan ang mga chismosa. "Oh bakit? Kinahihiya mo na bang naging crush mo ko?" natatawang sagot ko

At ang gagong 'to, inirapan lang ako. Porket gwapo na ee. Nako nako. "Ewan ko sayo Dike. Bakit ba sayo pa ko nagkagusto?"

I chuckled. "Kasi kagusto-gusto naman talaga ako." medyo mayabang na sagot ko. Medyo lang syempre.

AddictedWhere stories live. Discover now