Chapter XXVII

1.5K 82 3
                                    


DIKE VANESSA OWENS



"Kung mapapatunayan na may sala nga siya, pwede siyang makulong sa loob ng siyam na taon at mapagmumulta ng higit sa 50,000." Autumn explained

Napahinga ako ng malalim bago nanghihinang napasandal sa swivel chair ko.

Alam kong napaka laki ng kasalanan ng tatay ko, at alam ko ding maaring malaki ang magiging kabayaran sa lahat ng nagawa niya. Pero di ko lang inaasahan na ganito pala kahirap para sa'kin kung itutuloy ko ba ang kaso o hindi.

Tatay ko parin siya kahit pagbalik-baliktarin ang mundo.

"Dike"

I bit my lips and took a deep breath. "Napaka hirap." mahinang sagot ko.

She nodded slowly. "I know, he's your father that's why."

Simula paggising ko kaninang umaga, itong plano na 'to ang agad na pumasok sa isip ko. Kaya walang pagdadalawang isip na lumapit ako sa kanya. Pero hindi ko lang inaasahan na manlalambot ako sa nalaman.

Nanghihinang napatango ako dahil sa sinabi niya. "Yeah, he's my father. Pero nagkaroon siya ng kasalanan." I paused and gulped hard. "Hindi lang sa'min na pamilya niya kundi sa batas."

"So, what's your plan?" she seriously asked

Mataman ko siyang pinagmasdan. Kapag talaga usapang trabaho na, napaka seryoso na niya. Pakiramdam ko pa sa mga oras na 'to, hindi siya ang Autumn na asawa ni Venus na makulit, palangiti at mapang-asar.

Ibang-iba siya kapag trabaho na ang pinag-uusapan.

Hindi ko pa nagagawang ibuka ang bibig ko para sumagot sa kanya ng biglang tumunog ang cellphone ng babaeng ito. Lihim naman akong napangiti ng mapansin ang biglang pagliwanag ng mukha niya.

Minsan nga sasabihan ko si Ven na wag siya tatawag sa asawa pag nasa trabaho.

Haha! Charot lang.

"Sorry Dike, pwede bang sagutin ko muna 'to?" nahihiyang tanong niya

Napatawa naman ako. "Go na. Baka pinapauwi kana niyang asawa mo." I nodded. "Kakahiwalay lang kanina ee. Miss agad?"

At ang babaeng ito, tinawanan lang din ako bago siya lumabas ng opisina ko marahil para sagutin ang tawag ng asawa niya. 

Napahinga na lamang ako ng malalim bago nanlalatang napasandal sa swivel chair ko. Ang aga-aga pa pero hinang-hina na agad ako. Grabe ah.

Nailibot ko ang tingin sa bagong opisina ko. Hindi ko mapigilan ang pagngiti. Bagong opisina, bagong kumpanya, bagong buhay.

At ang sarap gumising sa umaga kung ganito kaganda ang mangyayari sa buhay ko.

Nasa ganon akong eksena ng biglang tumunog din ang cellphone ko. Mabilis ko namang kinuha ito para makita ang tawag ni Justine. Napakunot noo ako.

Akalain mong tinawagan niya ko. Himala ata.

Hindi ko naman pinatagal pa at agad na sinagot ang tawag niya. Medyo masakit na sa tainga ee. Ang ingay.

"Hey, Justine my friend. What's up?"

( "Where are you Dike?" )

Napairap naman ako. Napaka ganda talaga niya kausap. "Well, hello you too Justine." I sarcastically said. "Nasa office. Why?"

( "May ibabalita ako sayo." )  Napakunot noo naman ako ng mahimigan ko pa ang saya sa boses niya.

"Ano yun?"

AddictedWhere stories live. Discover now