Kristine 17 - Panther Walks (...

Por MarthaCecilia_PHR

634K 20.2K 1.8K

Muntik nang mabundol ni Aidan ng sasakyan ang isang babaeng basta na lang tumawid sa kalsada. Dinala niya ito... Más

Dedication
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36

13

14.2K 481 24
Por MarthaCecilia_PHR


NAKATITIG sa salamin sa may banyo si Danielle. Pilit na inaaninag mula sa repleksiyon niya ang nakaraan.

Sino ba akong talaga? Bakit hindi ako makaalala? nanlulumong tanong niya sa sarili. Ipinikit ang mga mata at pilit na hinahagilap sa isip kung sino siya.

Bigla ay may mga tinig ang tila nag-e-echo sa isip niya. Mahal ko na siya... She would be my legal wife if we married. And I couldn't afford you to hurt her. Gusto kong lumabas sa pinag-usapan natin!

You're out of your mind, Calvin! You were taken by a pretty face. Nakalimutan mo na ba ang salaping nakuha mo na sa akin? O baka naman gusto mong solohin ang salaping mamanahin niya?

I'll pay you back... Pinagsisihan kong pumayag ako sa gusto ninyong mangyari. Kalimutan ninyo ang plano ninyo o makararating sa mga awtoridad ang lahat ng ito!

Hindi mo magagawa iyan dahil papatayin na muna kita!

Isang putok ang narinig ni Danielle sa isip niya. Kasabay niyon ay ang pagsigaw ng isang tinig na kung wariin ay kanya. Stop! No! No!

Butil-butil na pawis ang gumitaw sa noo ni Danielle. At sunod-sunod na paghinga ang ginawa kasabay ng pagmulat ng mga mata. Halos mabasag ang dibdib niya sa matinding takot. Tinig niya ang huli niyang narinig na sumisigaw.

Calvin... Calvin...

What happened to him?

She gasped aloud nang sa likod ng repleksiyon ng salamin ay makita niya si Aidan. Marahas ang paglingong ginawa niya.

"I didn't mean to startle you," hinging-pamanhin ng binata. "I knocked several times. Pero hindi mo yata ako naririnig." Lumalim ang pagkakadikit ng mga kilay nito sa nakikitang anyo ng dalaga. Halos takasan na ng kulay ang mukha niya. "What's wrong?"

Lumabas mula sa banyo si Danielle. Her knees felt like jelly. And she was still frightened. Mabuway na humakbang patungo sa silya.

Si Aidan ay hindi malaman kung hahawakan siya o hindi. She grasped the chair at nanghihinang naupo roon.

Napalapit sa kanya ang binata. "Did you remember something?"

"C-Calvin..."

"Calvin?" ulit ng binata. "Is that your last name? Calvin? Iyon ba ang ibig mong sabihin?" Umiling siya. "N-no," she said in a trembling voice. Tumingala sa binata. Her eyes pleading as if wanting him to help her.

"Oh god, Danielle, don't look at me like that. I want to help you and I feel so helpless right now. I'd do anything in my power to help you," usal ng binata at napaupo sa harap niya. He held both her cold and trembling hands.

Sa pagkakataong iyon ay hinayaan ni Danielle na hawakan nito ang kamay niya. She needed his comfort right now. In fact, she needed him to hold her in his arms. Bakit nangyayari ito sa kanya? Bakit hindi siya makaalala nang tuluyan? At kung mayroon mang kumikislap sa isipan niya ay hindi rin niya maintindihan. Nothing that made sense except that she was frightened. Dahil ba nararamdaman niyang may gustong pumatay sa kanya?

Sino ang gustong pumatay sa akin?

Ang mga taong pumatay kay Calvin! Pumatay kay Calvin!

Paano niyang nalamang patay na si Calvin? Her mind was filled with terror. Inilagay niya ang kamay sa bibig upang pigilin ang pahisteryang hikbi.

"What are you so afraid of Danielle? What did you remember? Is Calvin a man's name?"

"Yes. But I couldn't place him, Aidan," wika niya. Inusal ang pangalan ng lalaki sa kauna-unahang pagkakataon. And she felt good, felt somewhat safer. "I heard voices... Calvin's voice... and another voices from a man and a woman... wanting to kill him! Or maybe they killed him already!" Hindi niya namamalayang humihigpit ang hawak niya sa mga kamay ng binata. "Yes, I know he's dead! They killed him! I could feel it!" she added hysterically.

"Sshh... sshh, baby," ani Aidan. Tumayo at binuhat siya mula sa silya. She weigh no more than a dream. Dinala nito ang dalaga sa kama at maingat na inilapag doon. "Calm down."

"Don't leave me!" Nangunyapit sa lapel ng polo shirt niya ang dalaga. Her eyes wide with terror. "They will kill me, too!"

"No one will hurt you, Danielle. At hindi kita iiwan, I promise. Calm down. Take a deep breath... come on, do it. Yes, like that..." Naupo ito sa gilid ng kama, patuloy na hinahawakan ang mga kamay ng dalaga habang ginaganyak na ikalma ang sarili. "Breathe again... yes... you're doing fine..."

May kung ilang beses na sinunod ng dalaga ang sinasabi nito. At kahit paano ay nakadama ito ng bahagyang ginhawa. Pagkuwan ay hinila ang mga kamay na hawak ng binata. Tumagilid at isinubsob ang mukha sa unan upang pigilin ang pag-iyak.

"Danielle, please, it's all right. Now, you are starting to recover your memory... Everything will seem hazy at first. But everything will become clearer. Slowly until eventually, everything will click back into place."

But did she want to remember now? Hindi ba mas mabuting wala siyang maalala upang hindi niya malaman kung ano ang kinatatakutan niya?

Aidan gazed down at her tear-filled eyes. And he wanted to reach out to her. Ikulong siya sa mga bisig at tiyakin sa kanya na hindi nito pababayaang may mangyaring masama sa kanya. Subalit sa sandali ring iyon, he hated himself for the unwanted feeling. Saan nanggaling ang damdaming nais nitong protektahan ang dalaga sa anumang kinatatakutan niya?

"Everybody would think me crazy. I wouldn't be surprised if you're thinking of the same thing about me." Gumagaralgal ang tinig niya sa pagsisikap na huwag mapahikbi.

"Hindi ka ganoon, Danielle, at hindi iyon ang iniisip ko tungkol sa iyo." May diin ang tinig nang sumagot si Aidan. "You've lost your memory and who knows why and how. And you're scared. You said they will kill you, too. Who are they?"

She shook her head miserably. "I don't know... Believe me, Aidan, I don't know. Alam kong isa sa mga tinig ay akin. It was my voice who shouted and the flashes stopped right there."

Huminga nang malalim ang binata. Tumayo ito at tinungo ang personal ref sa may sulok ng silid. Kumuha ng baso at nilagyan ng mineral water. Dinala iyon pabalik sa kama at ipinainom sa dalaga. Napangalahati ni Danielle ang tubig sa baso.

"Who is Calvin, Danielle?" tanong ni Aidan habang inilalapag sa gilid ng mesa ang baso.

Naguguluhang tumingin sa binata si Danielle nang may kung ilang sandali. Bigla ay may kumislap sa isip niya. A man's hand was gently pushing a ring on the table toward her. I love you... and I want to marry you.

"C-could he be my boyfriend? A-alam kong may boyfriend ako. Naramdaman ko iyon nang makita kitang pumasok sa pinto habang nag-uusap kami ng doktor." Umiwas ng tingin ang dalaga and she added softly. "For a fleeting second I even thought you were him."

Ewan ng binata subalit nakadama ito ng kasiyahan sa sinabi ni Danielle. Kasiyahang iglap ding nawala nang yukuin ang kamay ng dalaga.

"Could that be an engagement ring? It looks like one," wika ng binata, an edge in his voice. Danielle failed to notice it.

"Engagement ring?" ulit niya. Itinaas ang kamay. Pinakatitigan ang singsing sa daliri. Could it be her engagement ring?

Iyon ba ang singsing na kumislap sa isip niya ngayon lang? Hinubad niya iyon mula sa daliri, sinilip ang loob upang tiyakin kung may nakasulat doon. Subalit wala. She sighed. Muling ibinalik sa daliri ang singsing.

"Aidan, kagabi'y nagising ako dahil naramdaman kong may tao sa silid ko," pagtatapat niya. Ang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa braso ng binata. "I know you wouldn't believe me. 

Tulad din ng nurse na naka-duty kagabi. Ang sabi niya'y makikita nila sa nurses station kung may magdadaang tao patungo rito. But I knew it in my bones that an intruder was in here last night."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kaninang umaga iyan?" he said in a neutral voice. Hindi matiyak sa sarili kung maniniwala o hindi.

"Because I am not sure myself. I checked the windows this morning, there's no way he could pass through any of them... Maybe the nurse was right. It was just my imagination... but... oh, god!" Itinakip niya sa mukha ang dalawang palad. "Maybe I am really insane!"

"You are not insane, Danielle! Sinabi ng doktor na wala kang diperensiya, so calm down. You could have been dreaming, that must be the most logical explanation."

"I was awake when I smelled that... that almost familiar scent..."

"What scent?"

"His scent lingered for a while..."

"His?"

Confused, she shook her head. "He could be a man... or a woman. I don't know..."

"All right, Danielle," ani Aidan makalipas ang ilang sandali. "Your psychiatrist suggested that you go under regressive hypnosis..."

Hindi siya sumagot. Sinabi na ng doktor sa kanya iyon at natatakot siya. Hindi niya gustong sumailalim sa hypnosis. Natatakot ba siyang malaman kung ano ang kinatatakutan niya? Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Ang magbalik nang buo ang memorya o manatiling blangko ang isipan? She wanted to recover her memory but at the same time she was terrified. May nagdidikta sa kabilang bahagi ng isip niyang huwag nang alalahanin ang lahat.

Gulong-gulo ang isip niya nang titigan si Aidan.

"There's one more thing," patuloy ng binata. "Magpakuha ka ng larawan at ipakikita natin iyon sa television... sa news program. Maaaring makilala ka ng pamilya mo at—"

"Wala akong pamilya!" biglang putol niya sa sinasabi ng binata. Pagkuwan ay natilihan siya. Paano niyang nalaman iyon?

"Paano mong nalaman iyon?" Isinatinig ni Aidan ang nasa isip niya.



*****************MISS ME? CHAR HAHAHAHA! - Admin A ***********************

Seguir leyendo

También te gustarán

573K 19.6K 35
"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts...
542K 16.4K 38
Kristine Series 23 - Wild Enchantment Adriana's new stepmother considered her an excess baggage. Through cunning manipulation, ipinaubaya siya nito s...
1M 32K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...