Addicted

By wwiittyyccuuttiiee

84.9K 3.4K 579

Historia# 7 Dike Vanessa Owens Atlanta Lorraine Angelov Date Started: August 11, 2020 Date Finished: October... More

Author's Note
Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVI (II)
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter XX

1.7K 76 7
By wwiittyyccuuttiiee


DIKE VANESSA OWENS





"Hoy Owens. Baka gusto mong magpahinga na muna tayo ano. Kanina pa tayo paikot-ikot dito. Sumasakit na yung paa ko." himutok naman sa'kin nitong kasama ko

Napatawa na lang ako sa kanya bago siya hilahin. "Relax lang Kend, naghahanap pa kasi ako."

Pero ang gagang ito, inirapan lang ako. Kala mo naman kinaganda niya yun. "Konti na lang Dike ah. Uupakan na talaga kita."

I chuckled before I put my arms in her shoulder. Hindi naman siya umangal kaya hinayaan ko na lang din. Saglit pa kaming naglibot-libot dito bago pumasok sa isang jewelry shop.

Mas lalo namang lumapad ang pagkakangiti ko.

"Ano bang bibilhin mo? Pang-ilang shop na ba 'tong napasukan natin?"

I just smile at tapped her shoulder. "May hahanapin lang ako. Chill ka lang dyan."

She just rolled her eyes at me. "Chill your ass Owens."

Natawa na lang ako bago ipagpatuloy ang paghahanap. Halos ilang  minuto din akong paikot-ikot dito ng makita ko na ang bagay na talaga namang babagay sa kanya.

"Ring?" Selene asked, wondering. "Are you going to married?"

I chuckled. Oo naman, pero hindi pa sa ngayon. "Maybe yes, maybe no." natatawang sagot ko sa kanya

She just raised her brow at me. "Pwede ba, umayos ka nga. Gulong-gulo na ko sayong babae ka." She paused. "Ano bang gagawin mo dyan? Kanino mo ibibigay?"

Napangiti na lang ako. "Kailangan ko pabang sagutin yang tanong mo?"

Sandali naman kong tiningnan habang kunot na kunot ang noo. Napatawa tuloy ulit ako. Para siyang tanga. Walang halong biro.

"Miss, kukunin ko po ito."

Tinanguan lang naman ako ng sales lady bago kunin ang tinuro kong singsing sa kanya. Napabalik naman ang atensiyon ko sa bruhang kasama ko na hanggang ngayon, gulat na gulat paring nakatingin sa'kin.

Nahanginan na ang utak ni gaga.

"Hoy. Isara mo yang bibig mo. Baka may pumasok diyan na kung ano, sige ka."

Hindi naman ako umangal ng hampasin niya ko ng bag niya sa may bandang tiyan ko. Imbes napatawa pa nga ako. "Gaga ka!" she hissed. "Don't tell me, magpopropose kana kay Lorraine?"

My smile widened. "Why not?" kainis. Bigla akong kinilig sa kaisapang ikakasal na kaming dalawa. "Edi sa Hospital ang kasal."

She shook her head in disbelief. "Ibang klase ka."

Napatawa na lang ako. Sorry na, ganito lang talaga ako kapag mahal ko ang isang tao.

Hay, darling.

Hindi naman kasi masyado pinaghintay at agad na naibigay ang binili ko. Malaki ang pagkakangiti na  kinuha ko naman yun.

Ibibigay ko 'to mamaya sa kanya. Sigurado naman akong magugustuhan niya 'to. Dike Owens na 'to oh. Aangal pa ba siya?

"Saan next natin?" I asked her

Nagtaka pa ko ng isang irap ang itugon niya sa'kin. Aba, ang bruha. Masyadong  ate chona. Ay nako.

"Hoy Kendra. Pagod kana ba?"

She glared at me. "Ay hindi! Gustong-gusto ko pang gumala. Lakad pa ulit tayo, ano. Hanggang sa makarating tayo sa Mars." himutok niya. Napakagat labi tuloy ako para mapigilan ang pagtawa ko. Para siyang tanga ee. "Kung hindi lang talaga kita kaibigan, kanina pa talaga kita iniwan." she added

I chuckled. "Okay, okay. I'm sorry." I held her hand. "Tara, kain tayo. Para naman gumanda yang timpla mo."

Isang hakbang palang ang nagagawa ko ng may bumangga sa'kin. Muntik ko na tuloy mabitawan yung eco bag na dala ko mabuti na lang at maagap ko itong nahawakan.

"Achi?"

Kunot noong tiningnan ko yung taong nakabungguan ko. At tama nga ang bruha, si Achilles nga.

The blue and yellow eyes. Shala! Kyot ng mata.

"Hey, Achi." Bati ko. Mukhang kung hindi pa ko kikibo dito, aabutin kami ng siyam-siyam dahil sa pagtititigan nila. Akala mo mga highschool kid kung magtitigan ee. Haharot.

"Hi Dike. Long time no see."

I chuckled. "Hindi ka kasi nagpapakita sa'min." pasimple ko namang sinulyapan itong kasama kong kunware nagkakalikot sa cellphone niya.

Akala mo naman may maniniwala sa kanya. Nako talaga. Napaka gaga.

"Kamusta pala buhay natin? Cute ng eyes mo ah."

She held her eyes and chuckled. "Yeah, pati nga ako nagagandahan sa dalawang kulay ee." She paused. "Pero minsan, nakakailang din yung tingin ng ibang tao."

I nodded. "I agreed. Kahit naman kasi hindi magka-iba kulay ng mata ko, tinitigan parin ako ng mga peoples. Well, ganda tayo ee."

"Hambog Dike ah." Selene murmured.

Nagkatinginan naman kami ni Achilles bago sabay na tumawa. Akala ko ba busy siya sa cellphone niya? Nako talaga.

I cleared my throat. "By the way, may kasama kaba?"

She immediately shook her head. "Mag-isa lang ako."

"Re-.."

"Bakit hindi mo isama yung fiancè mo?" Selene interrupt.

Literal na napanganga ako. Yung tipong lumapag yung baba ko sa sahig nitong Mall.

De, joke lang. Haha.

Napaka corny. Jusko.

"May fiancè kana?" Gulat na tanong ko dito kay Botipul eyes.

Pero mas lalo akong nagulat dahil sa hilatsa ng mukha niya ngayon. Para siyang takang-taka dahil sa narinig. Pabalik-balik din ang tingin niya sa aming dalawa ni Selene. Pati din tuloy ako, napalingon dito sa kaibigan kong masama ang tingin sa'kin.

Aba! Ina-ano ko siya?

"Fiancè?" Achilles asked

I looked again in my friend. "Hoy Sel, kinakausap ka ni botipul eyes."

She just glared at me before she rolled her eyes. "Yes." matapang na sagot niya. "Raven told me, you already have a fiancè. Her name was, Briseis." she finished.

Nanlaki na ang mata ko sa pagkakataon na 'to. Teka nga lang ah, diba story ko 'to? Bakit sinasapawan ng dalawang ito? Grabehan ah.

"Briseis? Fiancè? What the hell Selene?"

"Ah, Selene na lang ngayon? Dati naman Kendra tawag mo sa'kin ah."

Literal na napa-iwas ako ng tingin at pasimpleng nasamid pa. Ayan na nga ba sinasabi ko ee. Ako ang may kanya ng story na 'to pero mukhang sila ang bida sa chapter na ito.

Ibang klase ang mga bruha. Jusko.

"Listen Selene, hindi ko fiancè Briseis, nor girlfriend." she paused. "She's just a friend of mine. Nothing more, nothing less." paliwanag naman ng isa

Napalingon tuloy ako dito sa kaibigan ko at pasimple siyang siniko. Hindi naman pala fiancè ee. Wag na magselos. Hay nako.

"But, I saw you." Sel said. "Kissing"

I choked in my own saliva. Siguro, ito na ang tamang oras para umalis ako sa eksena ng dalawang iyan. Naiipit ako.

"Teka lang mga babaita ah, aalis na ko. Bahala na kayong mag-usap dalawa diyan." I looked at my friend. "Oh, hindi naman daw pala fiancè, pikutin mo na." I whispered into her ear. She just rolled her eyes at me. Natawa kang naman ako bago tapikin ang balikat ni Achilles.

Sila na ang bahalang mag-usap. Kaya na nilang dalawa yan. Ay nako.

Tahimik kong binabagtas ang daan patungo sa bahay. Hindi din ako pumasok ngayon sa trabaho sa kadahilanang wala ako sa mood. Hindi ko din naman kasi alam kung makakapag focus paba ako sa pagtatrabaho ngayon. Lalo na't ang daming gumugulo sa utak ko.

Halos kalahating minuto din ang ginugol ko sa pagmamaneho hanggang sa tuluyan ng nakauwi.

At kung minamalas ka nga naman. Tss. Dapat pala hindi muna ko umuwi at mas piniling magpaka chaperone sa dalawang inwan ko sa Mall. Bwisit.

"Mabuti naman at nandito kana."

I sighed. "What are you doing here?"

He just nodded slowly. "Hindi ka pumasok sa ngayon."

I made a fake laugh. "Well, yeah? Kasi nandito ako sa harap mo ngayon. Kaya malamang, hindi ako pumasok sa kumpanya mo." Ayaw kong maging bastos sa harap niya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Ngayon, mas naiintindihan ko na si mommy. Naiintindihan ko na kung bakit mas pinili niyang tapusin ang relasyon niya sa tatay ko.

"May papakilala ako sayo. Sumunod ka sa'kin sa garden."

Hindi man lang niya ko nagawang pagsalitain at talagang umalis na siya. Napabuntong hininga na lang ako bago sumunod sa kanya.

Nagulat pa ko ng maabutan si Mr. Guzman na nandito kasama na may kasamang lalaki na hindi ko  kilala.

At wala na kong balak na kilalanin pa.

"Vanessa" my brows furrowed when he called md in a very sweet tone. What the fuck is happening?

"Mr. Guzman, she's my daughter, Dike Vanessa." he also tapped my shoulder.

Damn it! Ano bang nangyayari? Nakakatanga ang eksenang 'to ah.

Isang malaking ngiti naman ang natanggap ko ngayon kay Mr. Guzman at sa lalaking katabi niya na sa tingin ko ay kaedaran ko lamang.

Hindi ko gusto ang ngiting yun. Ngiting hindi mapagkakatiwalaan. "Glad to see you Vanessa." Mr. Guzman said

I cleared my throat. "Me too." I simply said. "And I just want to apologize if I didn't show you Yesterday." I apologetically said

He just laughed at me. Napamura naman ako sa loob loob ko. Parang tanga lang ee. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Aba'y lasa ko'y wala. "Don't apologize to me Vanessa."

My brows furrowed. "What did you mean?"

Hindi naman niya ko sinagot bagkus pinatayo lang niya yung katabi niyang lalaki para magkapantay kami. Gustong-gusto ko na silang taasan ng kilay sa mga oras na 'to.

Mukha silang mga masasamang damo, potek!

"He's my son." I nodded slowly. Oh well, I don't give a fucking care. Tss. "And you're future husband." he continue "Jovanni Carlos Guzman." pagtatapos niya

Napanganga ako.

Ano daw?

Ang gunggong na yan! Future husband ko? Aba. Nakakatanga nga naman talaga ang bubay ko.

Kailan pa ko nagkaroon ng interes sa mga lalaki?

Imbes na magwala ako dito, huminga lang ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Hindi ako ang klase ng tao na eskandalosa, pero hindi din ako ang klase ng tao na pwedeng utus-utusan ng kahit na sino.

"So, Jovanni right?" he immediately nodded in response. Napairap naman ako sa loob loob ko. Abay pipi. "Do you like girls?"

He just chuckled."Oh yes. I like girls and I like you too."

I just smile and nodded at him. "Me too."  pasimple ko namang sinulyapan ang ama kong wala man lang imik ngayon.

"Wow! You mean, you like me too?"

I give my best sweet smile to him. "What I mean is, I like girls and I don't like you." I smirked. "At para sa kaalaman mo, kahit hindi kailan hindi ako magpapakasal sayo." I paused . "Even your dreams. Tss. Nah, never. Excuse me."

Ni hindi ko na sila binigyan pa ng kahit isang sulyap at agad kong nilisan ang lugar na yun. Nagpupuyos ang puso ko ngayon sa galit.

Paano niya nagawa sa'kin ang bagay na ganito? Paano niya nagawang ipagkasundo ang sarili niyang anak dahil sa lintek na business na yan.

Ngayon, nagsisisi na kong umuwi pa ko.

"Vanessa"

Napatigil naman ako sa akmang pagbubukas ng pintuan ng sasakyan ng marinig ko ang boses na yun. Pigil ang galit ko na humarap sa kanya. "Yes? Do you need anything?"

"Hindi ko nagustuhan ang inasal mo kanina." I saw how he clenched his fist. "Pinahiya mo ko."

I scoffed. "At ako? Hindi mo ko pinahiya?" I make a step forward. "Ano pabang kulang Mr. Owens? Kulang paba ang perang nakukuha mo sa kumpanya ni Mommy at gusto mo pa akong ipakasal sa gagong yun?" Pagak akong napatawa. "Oh, before you forget, hindi pala ikaw ang nagmamay-ari ng kumpanyang dinudungisan mo."

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pag-igting ng panga niya. "Huwag mo kong kalabanin Vanessa." He gulped. "Alam ko ang pinagkakaabalahan mo this past few days. Alam ko kung sino ang patuloy mong binabalikan sa Hospital na iyon."

Natigilan ako.

Naiyukom ko ang kamao ko. Damn him! Talaga ngang hindi ko na siya kilala.

Nasaan na ba ang tatay ko? Nasaan na?

"Hindi mo din ako lubusang kilala Mr. Owens." I gulped hard, trying to calm myself.  "Hindi mo lubusang kilala ang Dike na pinalaki mo. Kaya wag na wag mong kakantiin ang taong nagsisilbing buhay ko." I paused. "Dahil pinapangako ko, sa oras na malaman kong misko kuko mo, dumaplis sa balat niya, magkakalimutan tayo." 

But he just smirked at me. "Don't me Vanessa. Kaya kong tanggalin ang lahat sayo." He make a step forward. "Sa inyo ng kapatid mo."

Hindi ako nagpatalo sa kanya at matapang kong nilabanan ang tinging binibigay niya sa'kin.

Hinding-hindi na ko magpapa-uto sa mga salita niya. Hindi na.

"Wag mo din ako subukan." I opened this goddamn door of my car. "Dahil kayang kaya kong alisin sayo ang lahat ng pinaghirapan mo." I paused and smirked at him. "Remember, I still a Summerhold. Wag mong kakalimutan yan."

Agad akong sumakay sa sasakyan ko at agad itong pinaharurot. Hindi pa ko lubusang nakakalayo mg unti-unting pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Natatakot ako...

Hindi para sa kalagayan ko, kundi para sa mga taong mahalaga sa buhay ko.

Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari..

Pero mas natatakot ako sa kaisipang, hindi siya ang makakasama ko habang buhay.

Kung hindi lang din naman si darling ang makakasama ko habang buhay, mas nanaisin kong maging single na lang.

At kung kinakailangan na bawiin ko ang bagay na pinaghirapan ng nanay ko, babawiin ko.

Hindi ako magpapatalo sa kanya.

Ilalaban ko ang pagmamahal ko sa babaeng yun. Hindi ako susuko.

Kahit na mismong tatay ko pa ang kalaban ko.

At kung kinakailangan na isuplong siya, gagawin ko.

Isa lang naman ang gusto ko. Yun ay ang maging masaya. Bakit ba pinagkakait yun sa'kin?

Bakit?









---------------

Continue Reading

You'll Also Like

88.1K 3.1K 10
in which bonnie bennett and kol mikaelson find friendship and comfort in one another. COMPLETED
12.2K 199 20
the characters arent all mine. credit goes to the mean girls movie.
129K 4.5K 26
An ordinary, short, chubby, shy, glasses-wearing, boring girl suddenly gets to meet the idols she so lovingly adores. She had no idea it would most d...
25.2K 354 11
๐“ƒ  Tแ•ผIี Iี แ—ฐOแ–‡แ—ด Tแ•ผแ—ฉแ‘Ž แ—ฉ ีIแ‘•K แ’ชOแฏแ—ด ีTOแ–‡Y ๐“ƒ  โ˜๏ธŽ Tom Riddle x fem! OC Tom Riddle e...